BESTFRIEND BECOME BOYFRIEND [PART I]
—trishieeees
dedicated to: ዕዐክ ልነዘፕዐክ ጌቿል, Diane
__________________________________________________
“Aray!!! Inaano ka ba!!???”
Napasigaw ako sa inis ng kamrutin ako ng pusa ni Ashton.
“Ay sorry.” Sabi ni Ashton na agad nilayo ang pusa sa’kin, napasinghal naman ako.
“Sinabi ko ng ayaw ko sa pusa e!” Maktol ko.
“Alam mong gusto ko ng pusa e.” Inirapan niya naman ako na para bang siya ang babae.
Nakakainis. Simula bata kasi ay kasama ko na siya at alam niyang ayaw ko ng pusa pero talagang gusto niya. Naiirita ako dahil sa tuwing magkasama kami ay kasama niya din ang pusa niya. Kunti na nga lang ay pwede niya na rin dalhin ang pusa sa school.
“Bakit ba hindi kayo magkasundong dalawa pagdating sa pusa?” Natatawang tanong tita Flora, Mama ni Ashton.
“Ito kasing si Ashie ayaw e.” Sumbong naman ni Ashton, napairap ako.
“Paanong hindi ko magustuhan ang pusa mo e sa tuwing magkasama tayo e nangangamrot.” Nakangusong sabi ko habang hinihilot ang brasong nakamrot ng pusa.
“Kasi ayaw...