BEWARE THAT GIRL CHAPTER 12


Maaga akong nakarating sa Tagaytay dahil pinangako ko kahapon kay Miguel na maaga akong makapunta dito. May apartment din siyang inuupahan, napakatahimik rin dahil nag- iisa lang siya dito. Hindi narin ako nakapagpaalam kay Parker na pupunta ako dito mahirap na.
Kinatok ko ang pintuan ng kaibigan ko. Dahil kararating ko lang sa tapat ng apartment niya. Hindi rin kalakihan ang apartment niya sakto lang.
Tok! Tok! Tok!
Tatlong katok ang ginawa ko ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.
“ Oh napaaga ka yata Jas, tuloy ka” alok nito sa kaibigan ngumiti muna ito saka nginitian din pabalik ni Jasmin.
“ Teka? Kumain kana ba?” tanong uli nito. Napaka- concern talaga ng kaibigan niya.
Wait talagang kaibigan lang pala ang tingin niya kay Jasmin? Baka ano yan…?
Napukaw ang atensiyon niya nang dampihan ang noo niya gamit ang kamay nito.
“ Ano’ng ginagawa mo?” taas kilay niyang tanong. Napaka- awkward kasi pero sanay naman si Jasmin nito baka nag- alala lang dahil kanina pa kasi nito tinatanong siya.
“ Tiningnan ko lang kung baka may lagnat ka ang tamlay mo kasi ngayon. Okey ka lang? Baka kulang kalang siguro sa pahinga.” may pag- alala niyang boses. Tumingin ito sa binata.
“ Ano kaba Miguel okey lang ako baka pagod lang to dahil di ako nakatulog nang maigi nung nakaraang araw” pagpapaliwanag ko.
“ Kumain muna tayo, bago pag- uusapan natin ang napag-usapan natin kahapon” napanganga na lang si Jasmin sa sinabi nito. Ano raw di ko ma-gets?
“ Itikom mo yang bibig mo baka pasukan yan ng langaw” pang-aasar nito na nakangise.
Pagkatapos nilang kumain ay umupo muna sila sa mesa, nasa kabilang side na upuan umupo si Miguel. Kaya ang naging posisyon nila ngayon ay magkaharap.
“ Nasaan ang selpon na sinasabi mo?” agad na tanong nito saka sumeryuso ang tono ng boses niya. Kinuha agad ni Miguel ang plastic na kung saan niya nilagay ito.
“ Ito ang selpon ng pinsan mo kung saan naganap ang krimen” ika nito kaya agad naman itong inabot ni Jasmin.
“ May kaibigan ba ang pinsan ko o malapit na katrabaho?” tanong nito sa kasama habang may papel na binasa.
“ Base sa information na nalaman ko...


may isa daw siyang kaibigan na lalaki. Siguro napalapit na ang loob ng pinsan mo sa binata ,araw-araw daw itong sinusundo nito sa apartment na tinutuluyan ng biktima. Di natin ma- figure out na siya ang susupek dahil may ibat-ibang mga finger print ang nakuha ng pulisya sa di-umanong suspek” sabi nito habang seryuso na nakatingin sa kausap.
“ May marami rin kasi itong pasa sa buong parte ng katawan niya. Sa ngayon itong selpon na’to sana ang magbigay daan upang malaman natin ang kinaroroonan ng lalaking to” sabay abot ng isang litrato ng lalaki. Tiningnan ko nang mabuti ang mukha ng lalaki. May itsura rin ito malamang may mukha talaga tayo.
“ Sigurado kabang itong lalaki ang kasama ng pinsan ko?” paninigurado ko parang mukha namang inosente ang lalaking to.
“ Sa araw na naganap ang krimen nakausap pa ng pinsan mo ang lalaking yan at inihatid pa nga niya ito sa apartment. So may possibility na may alam siya” nangunot naman ang kilay ko. Papaanong may alam siya? Kumsabagay araw-araw niyang hatid sundo ang pinsan ko.
“ Migs, may nakaalitan ba o nakaaway ang pinsan ko bago nangyari ang krimen?” tanong ko uli nito. Puno pa kasi ang utak ko sa katanungan kaya tiis-tiisin mo muna Miguel kung may kaibigan kang ganito.
“ Well, ayon sa katrabaho niya pauwi na daw sila nun nang may mga kalakihang humarang sa kanila.” sagot nito.
“ Tapos? Anong nangyari?” seryuso kung tanong.
“ Pinagtanggol nila ang kanilang sarili dahil binastos daw sila and then….” napa- urong ako nang di nga matuloy ang sasabihin niya.
“ And then?” taas kilay kong tanong. Ba’t pa kasi tinagal pa niya di na lang niya deritsyuhin.
“ Then nagyari ang krimen pero….parang may mali…” talagang may mali. Napaisip ako di kaya may nalaman siya kung ano man yun. Kung kaya pinatay siya. Pero ba’t kailangan pang patayin siya? Ano ba ka importante yun?
NOTE: PLAGIARISM IS CRIME
( please make your own)
THANKS PO SA NAGBABASA NG STORY KO SORRY PO DI AGAD AKO NAKA UD KAHAPON MAY GINAWA PA KASI AKO. KEEP SAFE PO AND GOD BLESS😘❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top