BEWARE THAT GIRL CHAPTER#05


Naglalakad ako ngayon pauwi na sa bahay pagkatapos naming mag usap ni Parker kanina. Di ko alam kung saan siya nagpunta basta ang sinabi lang niya ay may aasekasuhin daw siya. Napakahirap siguro kapag detective ka kasi hahanapin mo pa ang puno’t dulo sa nangyaring krimen. Nakaramdam akong may mga paang nakasunod sa akin kanina ko pa kasi napansin yun. Eskinita kasi ang dinadaanan ko ngayon wala kasing katao- taong naglalakad sa lugar nato. Kaya napagpasyahan kung lingonin ito. Paglingon ko parang wala namang taong sumusunod sa akin. Guniguni lang siguro ko yun di na kasi ako nakapag- isip nang mabuti dahil sa sinabi ni dean kanina. Napansin ko na naman na may sumusunod talaga kaya nilingon ko ulit ito pero wala talagang tao. Ano ba naman niyan para na akong na baliw nito. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang nakarating ako sa tapat nang pinto ng apartment ko. Nilinga- linga ko ang paligid sabi kasi ni Parker nakatira daw siya sa tapat ng apartment ko.
Hanggang sa napunta ang tingin ko sa tahimik na isang apartment. Siguro sa kanya siguro yun. Pumasok na lang ako sa loob para magbihis dahil may trabaho pa ako mamaya. Nagluto narin ako para makakain. Nagsuot lang ako ng black jeans at saka t-shirt nag jacket rin ako baka ginawin ako mamaya pag uwi ko. Binilisan ko ang kilos hanggang sa natapos.
Habang naglalakad ako papunta sa bar na tinatrabahoan ko may iilan akong narinig na mga chismiss.
“Mare, alam mo ba may babae daw na ginahasa at pinatay”
“Taga saan daw ang biktima?”
“Sabi daw...


nila taga-Tagaytay daw nagbabakasyon kasi ang dalaga doon”
“Hay naku mare, papauwiin ko na talaga ng maaga ang anak ko baka matulad ang anak ko sa kanya”
Teka? Tagaytay nangyari ang krimen? Nagbakasyon kasi ang pinsan ko dahil isa siyang empleyado sa isang kompanya. Baka mali siguro ang inisip ko sana nga. Kinakabahan kong tinungo ang bar habang papalapit ako parang hindi ako mapakali. Naku naman, dyusko wag niyo namang hayaan na mangyari sa pinsan ko yun kung sakali man siya ang biktima. Narating ko na ang bar napahinto ako sa tapat nang pinto nang may narinig akong malakas na haguhol at malakas na iyak. Pumasok kaagad ako at nakita kung umiiyak si tiya kahit kinakabahan ako pinilit ko parin ang sarili kong mag tanong.
“T-tiya a-n-ong na-ngyari? Ba’t p-o ka-yo um-iyak?” utal- utal na tanong ko. Halos hindi ako makahinga.
“Jasmin,a-ng pinsan mo patay na siya” umiiyak
na saad ni tiya Belen. Halos manlumo ako dahil sa panginginig nang buo kung katawan. Nawalan rin akong lakas kaya napaupo ako sa sahig at niyakap si tiya. Habang hagulhol paring umiiyak si tiya Belen dahil sa pagkawala sa nag- iisa niyang anak.
“Tiya, wag po kayong mag- alala hahanapin ko po kung sino ang gumawa nito sa kanya. Tahan na po..” pagtatahan ko sabay kuyom sa kamao ko.Pinatatag ko parin ang sarili ko kahit masakit ang mawalan ng pinsan. Masakit subrang sakit dahil kapatid ko na ang turing ko sa kanya. Kung sino man ang gumawa nito sa kanya sisiguraduhin kong magbabayad siya. Bibigyan ko nang hustisya ang pagkamatay ng pinsan ko.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Megacool Blog indeed!… if anyone else has anything it would be much appreciated. Just wanted to say thanks and keep doing what you’re doing! Great website

Leave a Reply


top