BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 17


Late na ako nagising dahil sa kakaisip ko sa nangyare sa Amin ni Riguel, Hindi ko na ata iyon maalis sa utak ko. Ngayong araw ko naman napagdesisyonan na Humanap ng Gown na maaring isuot.
As usual, narito nanaman si Riguel sa bahay namin at sasama nanaman sa akin sa panimimili, ngunit sa pagkakataong Ito ay Wala si Cadmus iniwan kasi s’ya nila mama sa bahay ng kaklase n’ya.
“Let’s go?”
“Nanay Ung mga invitations daw po, mamaya daw po idedeliver kayo na po muna ang bahala ruon kung Hindi ko maabutan” Ani ko sa mayordoma namin atsaka ko tinanguan si Riguel senyales na p’wede na kaming umalis.
Nagulat ako ng Hindi ang van Ang dala dala n’ya! Kundi isang mamahaling sport car! Maagaw n’ya ang atensyon ng kung Sino gamit ang sasakyang ito not that he can’t get the attention just by his looks.
“Bakit Ito ang dala mo?” Ako na pinipigilan ang pagkakairita.
“I’m from a business meeting ‘yan ung dala ko kanina, Hindi na ako nakauwi sa suite kaya si mama na ang nagpadala n’yan” Ani n’ya, tumaas ang kilay ko.
“Business meeting nga ba talaga o Date?” Nakakunot nuo kong tanong ngunit tumaas lng ang sulok ng labi n’ya habang tinitignan ako.
“Nevermind, let’s just go”
Pinuntahan muna namin ang Isa sa sa pinakamahal na designer, she’s also known for making elegeant gowns.
Nahuli si Riguel dahil may inayos pa yata sa sasakyan n’ya
Napakadami ng pinasukat sa akin ng designer ngunit Wala akong magustuhan, not until nakita ko ang isang Olive green gown na nakalagay sa isang glass box.
Nilapitan ko ito
“Can I try this one?” Habang tinuturo ang gown
“I’m sorry ma’am but that’s for VIP’s” Ani ng designer napairap naman ako sa kawalan, naiirita na ako sa babaeng Ito hah!
Natigil s’ya ng may nakita sa likod ko tila gulat na gulat s’ya.
“Mr. V-villarosa? Ano po ang kaylangan n’yo?” Tanong nito sa taong nasa aking likuran, tinanguan lng s’ya ni Riguel at sa akin na ulit tinuon ang atensyon.
“Done picking?”
“Not yet I really like this one, but they said it’s not available” tumaas ang kilay ni Riguel sa akin.
“Ahm Actually m-ma’am it’s available” kinakabahang Ani ng designer, kumot ang nuo ko.
“Hah? You told me it’s not”
“I’m sorry ma’am, I didn’t know you’re the girlfriend of Mr. Villarosa, he’s one of the VVIP’s here” pagpapaliwanag nito, binalingan ko si Riguel nakita ko ang liwanag ng kanyang mga mata at ang mga ngisi n’yang lumitaw muli.
“I’m not his gir-”...


bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay pumagitna na si Riguel.
“Hmm, can you assist my wife to wear that gown” Ani n’ya at itinuro ang dressed na gusto ko.
The gown is Olive green, fitted, and an off shoulder, hanggang sa paanan ko Ito at may hati sa right side ko.
“Are you done?” Si Riguel sa labas ng fitting room
“Uh-huh”
“May I see it on you?” Ani n’ya
“No you can’t! It should be a surprise on my b-day!” Sigaw ko, narinig ko lamang ang pagtawa n’ya sa labas.
“I know you’ll look beautiful with it, kahit ano naman bagay sayo” uminit Ang mukha ko sa sinabi n’ya, nakita ko namang nag ngingiti ang nagaassist sa akin.
Nang sinabi Kong bibilhin ko na ito ay lumabas na kami ng fitting room nung assistant at nagtungo na sa cashier, nagulat pa ako ng isinabay ni Riguel ang napili n’yang tuxedo siguro ay isusuot n’ya sa b-day ko.
Isa rin itong olive green, tinaasan ko s’ya ng kilay
“It’s for your birthday, so that we are match, I want to be your escort” Ani n’ya na para bang nabasa n’ya ang tanong sa aking isip.
“I don’t need an escort, it’s not my 18th birthday” Ani ko.
“Even so” nagkibit balikat na lamang ako, Alam kong hindi s’ya papayag na Hindi ko s’ya maging escort.
Nagtungo na kami sa isang shop at bumili ako ruon ng isang white fitted dressed, tube iyon at isang palda, Makikita ang puson mo.
Sa next na shop naman ay bumili ako ng isang black dressed, it’s for my last change, ganuon Rin si Riguel bumili s’ya ng itim na Tuxedo para makapareha ko nanaman, buti nga Hindi s’ya bumili kanina ng white na tuxedo eh, siguro iisa lng ang isusuot n’ya para sa white and black dresses ko.
Kumain muna kami ng tanghalian bago nagtungo sa last na shop na pupuntahan.
Ito ung friend ni mama na designer at dito Rin n’ya ako gustong bumili ng damit na isusuot n’ya at ni Cadmus, Pati na rin si papa ay bibilhan ko na ng tuxedo rito.
Bumili ako ruon ng after b-day party dressed, white dress lng ‘yon at hanggang tuhod lng ang haba, Hindi na rin Ito fitted.
Dito na din ako bumili ng tatlong sapatos na babagay sa mga damit na binili ko.
Si Riguel naman ang pinapali ko sa tuxedo ni Cadmus at ni papa, kulay black ang napili n’ya.
To be continued…
_________________
Thank you so much for reading πŸ’š






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top