BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 27


Kumain muna kami sa isang tanyag na Restaurant rito bago nagtungo sa susunod naming pupuntahan,
Louvre Museum.
Nang nakarating kami ruon ay nagulat kami sa ganda nito,
It looks majestic.
It’s a palace that’s turned into a museum in the year 1783.
Nilibot namin ang buong lugar at kumuha na din ng iba pang litrato.
Nagpost ulit si Riguel sa account n’ya.
Picture Ito ng Musuem at ang caption ay,
“Wiith my princess.”
Siguradong mapapagtampi tampi ng media at mga Tao na ako ang kasama ni Riguel.
We are both posting about Paris.
May Isa pa kaming lugar na pupuntahan para sa araw na ito Ang Champ Elysees,
Maganda rito Lalo na at malapit nang mag Gabi.
Makikita mo talaga ang ganda ng mga ilaw sa paligid.
Habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ay hinawakan ni Riguel ang mga kamay ko.
Bumaling ako sa kan’ya at nagtaas ng kilay, ngunit pinagkibit balikat n’ya lng ito. Hindi parin inaalis ang kamay n’ya ruon.
Kinuhanan ko ng litrato ang kamay naming magkahawak.
How I wish it’s always like this, feels like home with someone. Payapa at nakakalimutan ang problema dahil nariyan sa tabi ang taong Mahal mo.
Umuwi na kami at sa Hotel na lang nag dinner.
Kinabukasan panibagong mga pupuntahan nanaman.
Nang nasa Tuileries garden na kami ay tumawag si Donya Kay Riguel.
Tahimik lng akong pinagmamasdan s’yang lumapit sa akin.
Kumunot ang kan’yang nuo, siguro ay Hindi nagustuhan ang balita ni Donya.
“Mama, wants to talk to you” Aniya at iniabot sa akin ang kan’yang telepono.
“Hello Hija!” Pagbati ng Donya
“Hello po”
“I’m sorry, kaylangan n’yo ng makauwi sa susunod na araw, I know it’s my gift, a one week vacation, but Hija something came up kase, We’ll be having our party in Villarosa’s Mansion and I want you two to be present” mahabang lintaya ni Donya, kadarating lng namin ay nagpunta kami sa party tapos ngayon uuwi kami para sa isang party.
Wala nagawa ay tumango ako kay Donya.
“I’ll prepare your gown! I’ll send you a document that you needed to sign for the approval” maligayang Saad ni Donya.
Tumango na lng akong muli, at least we still have 1 and a half day to stay here.
Dahil sa sinabi ng Donya mabilis lng kami rito sa Tuileries garden, nagtungo kami agad sa Montmartre at kumuha ng napakaraming pictures. Naisipan ko ring duon na lng bumili ng pasalubong para sa mga kakilala at kaibigan.
Bumili ako ng sampong pirasong key chain ruon, ibibigay ko Kay Micka at sa iba pang kakilala.
Ganuon din ang ginawa ni Riguel.
Kumain na kami at agad nag tungo sa Les Invalides, napakaganda talaga nf mga tourist spot rito, sobrang nakakamangha.
Punong puno ng magagandang tanawin ang aking mga mata.
As usual kumuha lng kami ng mga litrato ruon at Hindi na nagtagal pa.
Nagtungo kami sa Luxemburg garden.
Natawa ako dahil pumitas si Riguel ng halaman!
“For you Ms. Beautiful” Ang corny n’ya! At talagang dito pa s’ya pumitas eh Hindi nga namin Alam kung pwede ba ang ginawa n’ya.
Nagpasalamat pa rin ako kahit na ganuon, kumuha ulit kami ng mga litrato. Bago napagpasyahan pumunta sa huling destinasyon namin para sa araw...


na iyon, Ang Notre Dame Cathedral.
Sobrang ganda nuon, makalaglag panga.
Mas lalo pa akong namangha ng nakita namin ang luob nito.
Matapos ng pagpasyal namin ruon ay kumain kami ng dinner sa malapit na restaurant sa Hotel namin.
Buti na lng walang gaanong Tao ang nag approach sa Amin habang nililibot itong bansa.
Siguro ay kumuha si Riguel ng bodyguards upang pigilan kung Sino man ang nagtangkang lumapit sa Amin.
Nang nakauwi sa Hotel ay inihatid din ng employee ang document na sinasabi ni Donya.
Agad ko itong pinirmahan at ibinalik na sa envelope, ipapadala Kasi Ito ni Riguel bukas na bukas rin, para maihanda na ang Gown na sinasabi ni Donya, ni Hindi ko nga Alam kung ano ang itsura nuon.
Dahil sa pagod ay nakatulog din ako agad.
“Good morning, baby” Si Riguel sa malamyos na tinig habang sinusuklay ang aking buhok.
“Kanina ka pa gising?” Inaantok kong saad.
“Uh-huh I need to send the document back” aniya na tinanguan ko rin.
Yakap ko s’ya habang inuunanan ko naman ang braso n’ya ang Isa n’yang braso ay inuunanan n’ya naman.
Ganuon ang posisyon namin hanggang sa nakuha ko na ang enerhiya ko para makapagsimula muli ng panibagong araw.
Isa lng Kasi ang bibisitahin namin ngayon, Ang Eiffel Tower.
Nagsuot ako ng dress ngayong araw para maiba, pormal Rin ang suot ni Riguel.
Napagusapan Kasi namin kagabi na gawing pormal na date ang gagawin namin sa Eiffel Tower.
Nang umaga ay inakyat na namin ito,
Nakakalula kung ikaw ay nasa itaas na.
Kumuha kaming muli ng mga litrato, litratong panghahawakan ko dahil ipinapaalala nito sa akin kung gaano ko kamahal si Riguel.
Bumaba na kami at kumain sa Isang Restaurant, Ang tagal pala namin duon sa itaas kanina.
May nakita pa akong malapit na carousel kaso nga lng Hindi kami pwedeng sumakay, I’m in my dress, If I really want it I know Riguel will make a way but sadly I’m on my dress I can’t ride it.
Ang sarap pagmasdan ng mga batang masayang naglalaro rito.
Nang nakuntento ay nag tungo na kami sa isa pang kainan na kitang Kita ang Eiffel tower, dito na namin hihintayin ang Pagdilim, maganda Kasi tignan iyon Lalo na pag Gabi.
Andami rin naming napagusapan ni Riguel, Madalas akong magkwento samantalang s’ya ay tahimik lng at nakikinig sa akin, Hindi nga s’ya sumasagot pag Hindi ko tinatanong eh.
So damn cold Mr. Villarosa.
Nang dumilim ay sabay naming kinuhanan ng litrato ni Riguel ang Eiffel tower, napakaganda talaga.
Nagulat pa ako ng mga tumugtug ng Violin sa Gilid namin, pakana na naman ni Riguel.
Lumapit s’ya sa akin at nagabot ng bulaklak, niyayaya n’ya akong sumayaw. Yinakap ko agad s’ya at sinabayan namin ang pagtugtug ng violin.
“I love you so much, baby” Aniya nakita ko pa ang munting luha sa kan’yang mga mata, bakit s’ya naiiyak? Mabilis n’ya naman itong pinalis at inilipat ang tingin.
“I’m so damn in love with you too, Mr. Villarosa” nginitian n’ya ako at dahan dahan ng dumampi ang kan’yang labi sa aking nuo.
To be continued…
__________________
Maraming salamat po sa pagbabasa, Sana ay nadala ko kayo sa Paris kahit sa panandaliang panahon lng!💚






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top