BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 5


BILLIONAIRE’S WIFE
Chapter 5
Natigil kami ng tumikhim si Riguel.
“Simulan na natin” maikling lintaya n’ya.
Masaya namang sumunod ang dalawang kalalakihan sa kanila.
Ang Race Ay magkakaruon ng 4 laps at kung sino ang pinaka madaming 1st ay S’yang mananalo.
Ipinaayos ni Donya ang paggaganapan ng nasabing Race, meron ding mga kahoy na kaylangang malampasan o matalonan ng kabayo.
Sa unang pagkakataon ay Si Riguel ang nanalo.
Napatayo ako sa aking upuan ng nakitang mataas na bars ang kaylangang talunin ni Riguel, nakuha ko naman ang atensyon ng Donya.
“Kayang kaya n’ya ‘yan ‘wag kang magalala” ani ng Donya, umupo ako ngunit Hindi padin natatanggal ang kaba dahil sa pinapanuod.
Naunahan ni Ezekiel si Riguel sa Second lap. Nagpatuloy ang Race at ‘di ko namalayan na ito’y tapos na pala.
“Donya Sino hoh ang nanalo?”
“Si Ezekiel Hija, naunahan n’ya si Riguel sa Fifth lap” Saad ng Donya bumaling ako Kay Riguel at bakas sa mukha ko ang pagkadismaya, napangisi Ito ng napansin n’ya.
“Hmm, Ang sarap ng Cookies na gawa mo Cathy! Uubusin ko Ito! Ang swerte ko ako ang unang nakatikim ng gawa mo Cathy!” Masiglang sabi ni Zeke/Ezekiel.
“Magbigay ka naman!” Natatawang ani ng lalaking kasama nila, umakto namang nagdadamot si Zeke.
Padabog na dinampot ni Riguel ang Towel na naruon sa harap ko at nagsimula s’yang tahakin ang daan paluob.
“Hija maari ka bang kumuha ng tubig? Naubusan na kasi eh” Ani ng Donya na sinunuod ko naman.
Pumasok ako sa luob ng Mansion tsaka nagtungo sa Kusina. Laking gulat ko ng makita ruon si Riguel! At pinangalatian na ang isang sunog na cookie na gawa ko!
“Anong ginagawa mo?!” Naisigaw ko dahil sa labis na gulat.
“Sunog ‘yan!” Ani ko at kinuha Ito sa kanya, inagaw n’ya itong muli ngunit ginamit ko ang lahat ng lakas ko at tinapon Ito sa basurahan.
“What are you doing?” Tanong n’ya
“Ano ka ba?! Bakit mo kinain ‘yon, sunog ‘yon!” Nanggagalaiti kong saad
“Masarap naman eh”
“Kahit na! Sunog ‘yon sa ibaba!” Pakikipagtalo ko pa, dumating ang Donya at itinanong kung ano ang nangyari. Kasama n’ya ang dalawang lalaki na ngayon ay nasa hamba ng pintuan.
“Kaya ayokong iwan itong dalawang ‘to eh, parang aso at pusa, Hindi ko Alam kung anong...


mangyayari sa kanila pag iniwan ko, baka magpatayan na” natatawang lintaya ng Donya na ikinatawa na rin ng dalawa pa, napasimangot na lamang ako.
Kalaunan ay lumabas din si Donya at mga kalalakihan dahil kaylangan na daw umuwi ng Dalawa at inihatid Ito ni Donya sa gate.
“What did you do first? The one I ate or the one Ezekiel ate?” Tanong ni Riguel, tinaasan ko naman ito ng kilay dahil kung ano ano nanaman ang itinatanong n’ya.
“Syempre ‘yung nasunog!” Sigaw ko at ngumiti naman Ito na para bang nakuntento s’ya sa sagot ko.
Hindi ko na ito pinansin at sumunod nalang kay Donya dahil baka masundan pa ang pagtatalo namin.
“Bye Cathy! Ang sarap ng luto mo sa susunod ulit!” Maligayang pagpapaalam ni Zeke.
“Wala ng susunod” malamig na Sabi ni Riguel, Hindi na ako nagulat dahil lagi nalang s’yang sumusulpot sa kung saan parang kabute.
Siniko ko Ito at nginitian nalamang si Ezekiel upang maging pagpapaalam ko.
“Tsk!”
Nang nakauwi na sila ay umakyat naman ako sa Library upang ituloy Ang pagpipinta.
30 minutes had passed, nang bumukas ang pintuan, napabuntong hininga ako ng makitang si Riguel nanaman Ito.
“Sorry for what I did earlier and the pass days” Nagulat naman ako ng humingi ito ng tawad sa akin, totoo ba Ito? Ang isang Riguel Villarosa ay humihingi ng Tawad Kay Catherine Martinez?!
“Sorry din, I just don’t like what the way you act with the other guys” I said.
“Hmm”
“You like drawings?”
“Yep, I am pursuing Architecture. Last year ko na sa college at baka makasama na ako sa negosyo nila papa” tinanguan n’ya ang aking sinabi.
“It’s nice” he said while looking at my flower vase drawing, bakit ba ang bait neto ngayon?
“Sinasabi mo lng ‘yan dahil wala kang alam sa magagandang arts na ganito, Hindi mo Alam pumili ng magaganda” Ani ko.
“Yeah, you’re right. I am not good in picking, but my mother is” ngisi nito, naagaw naman nito ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi. Ano ang nais n’yang iparating?
To be continued…
_________________
Thank you so much po sa pagbabasa! Hindi po Kasi ganon kadami ang ginagawa ko ngayon kaya nakapagupdate po ako. Mamayang gabi nalang po siguro ang Chapter 6, salamat πŸ’š






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top