Bituin sa kalangitan CHAPTER 6


Writer: Oblino Gabiana Yanyan
Genre: Love story
“Matapos palayasin ni Aling Ana si Diana ay nagsisigaw sa subrang galit si Aling Ana at humahagulgul ito ng malakas sa loob ng bahay nila dahil sa ingay ni Aling Ana lahat ng kapitbahay niya ay nagsilabasan na may kanya kanyang ingay at reaksiyon at nagbubulungan.
‘Ano Kaya nangyayari Kay Aling Ana iyak ng iyak.
“Pagkarinig ni Aling Ana sa kapitbahay niyang nagsasalita ay binuksan niya Ang pinto sabay sigaw;
‘Magsialisan Kayo dyan sa harap ng bahay ko Kung ayaw niyong masaktan;
‘Kumaripas ng takbo Yung kapitbhay na chesmusa sa subrang takot.
“Nung makita ni Diana Ang NAnay niyang panay iyak na Lang Ang ginagawa nilapitan niya ito at inaamo amo pero sa subrang galit na naman ni Aling Ana sa kanya ay sinapak siya nito.
‘Diana!!Diba pinapalayas na kita?Bakit nandito ka pa?hinatak it ni Aling Ana si Diana palabas ng bakod;
“Ayan diyan ka nararapat hindi ko kailangan ng Anak na katulad mong walang kakwenta kwenta!Hu,hu,hu,hu,
‘Nanayyyyyyyy!!!!Parang awa mo na huwag mo akong palayasin;
“Biglang hinampas ni Aling Ana Ang pintuan ng bakod nila at nakapagwika ng ganito na galit na galit na animo’y parang gusto na namang manakit’.
‘Bakit Diana?Ikaw ba naawa sa akin?Anong habilin ko sayo kanina? Diba Sabi ko sayo mag linis ka ng bahay,mag asikaso ka pero pag uwi ko anong nakita ko kanina, walang hiya ka lumayas ka dito sa bahay at huwag ka ng babalik kahit kaylan!
Sabay dampot Ni Aling Ana ng mga damit ni Diana NASA lupa at pinagtatapon Niya ito sa labas ng bahay.sinara Ang pinto at binalibag it ng malakas,
“Alas Sais na ng gabi ay nasa harapan parin si Diana sa kanilang bahay nakaupo sa isang sulok hindi parin ito umaalis,nakaramdam siya ng matinding gutom at pagod at matinding antok; nakaramdam din siya ng matinding sakit sa ulo sanhi ng pagsabunot sa kanyang buhok ng Nanay Niya kanina napapikit Ang mga Mata niya nakatulog sa isang sulok Kung saan naroon Ang mga tanim niyang halaman Doon siya nagsiksik.
“Alas nuwebe na ng gabi ay biglang dumating Ang kaibigan ni Diana na si Sarah ng Makita siya nitong nakahiga at tulog na tulog ay hinawakan bigla ni Sarah si Diana at tinapik tapik sa mukha para magising pero hindi ito magising at inaapoy ito ng matinding lagnat,
“Diana!Diana!gumising ka mataas Ang lagnat mo! Anong nangyari sayo?
“Salita ng Salita si Sarah pero hindi siya nito naririnig ni Diana! tatawagin niya Sana ang Nanay ni Diana kaso madilim Ang paligid ng bahay at Parang walang tao.Agad na Kumaripas ng takbo si Sarah pauwi sa kanila para humingi ng tulong sa Nanay niyang si Aling loling at kumatok ito...


ng pintuan nila ng pagkalakas lakas.
“Ina!Ina!Ina! Buksan mo Ang pinto!
“Sigaw ni Sarah sa kanyang Ina habang hinahampas ng malakas ang pintuan nila Sarah,nagmamadaling lumabas ang Nanay ni Sarah sa lakas ng sigaw nito at pinagbuksan ito ng pintuan;
“Sarah Anak ko!Anong nangyayari sayo?
“Nanay nakita ko si Diana sa labas ng bahay nila tulog at inaapoy ng matinding lagnat at nanginginig Ang buong katawan, tulungan mo ako Ina bilisan mo!
“Agad namang Kumaripas ng takbo Ang mag Ina at pumunta sa bahay nila Diana Kung saan naroon si Dianna sa isang sulok nanginginig at namumutla Ang katawan at mukha nito.Agad binuhat ni Aling loling si Diana para sakluluhan ito at dinala sa bahay nila.pagdating sa kanilang bahay ay akay akay si Diana ng Nanay ng kaibigan niyang si Sarah,pinahiga siya nito,nilinisan,pinakain at inalagaan ng mabuti.
“Kinaumagahan! Pag mulat ng mata ni Diana ay nauulinigan Niya Ang boses na pamilyar sa kanya bumangon siya sa paghiga at sinilip Niya Kung saan naroon ang boses na narinig niya kanina,paglabas Niya ng kwarto ay bigla niyang nakita si Sarah at niyakap niya ito.
‘Sarah paanong napunta ako dito?
Ah iyon ba pumunta ako sa inyo kagabi nakita kitang nakahiga sa lupa sa sulok ng mga halaman niyo kagabi inaapoy ka ng lagnat Kaya nagpatulong ako Kay Nanay loling para dalhin ka dito sa bahay namin.
‘Wika ni Sarah sa kanyang kaibigan;
Ahh ganoon ba Sarah? Maraming salamat sayo ha nandiyan ka lagi sa tabi ko palaging nakaalalay sa akin!
Walang anoman Diana dito lang ako para sayo.Agad nagyakapan Ang dalawang magkaibigan at tinulungan ni Diana si Sarah sa gawaing bahay.
‘Aba! Diana!!! Himala anong nakain mo?at mukhang sinisipag ka ngayon?
Wala Sarah gusto ko lang gumanti ng kabutihan mo sa akin sa pamamagitan nitong paghuhugas ng Plato ay makakabayad na ako sa pag alaga mo sa akin kagabi!
“Natatawang biro ni Diana Kay Sarah;
“Naku paghuhugasin talaga kita NG mga Plato para matuto ka Naman sa lahat ng gawain dito sa bahay,
“Salamat talaga Sarah kagabi ahh inalagaan mo ako.
Naiiyak na tugon ni Diana sa kanyang kaibigan!
Wala Yun Diana para naman tayong Hindi magkaibigan,
“Samantala sa kabilang banda naman si Aling Ana naman ay abala na rin sa kanyang bahay sa pag aasikaso ng mga gamit nilang nagkalat sa bahay nila nung mga nakaraang araw Lang,
“Dating gawi balik trabaho siya sa bukid,bumalik Ang sigla Niya simula nung Wala na si Diana sa bahay nila.pero Hindi Niya parin matiis Ang kanyang Kaisa isang Anak sa buhay niya! Masakit man para sa kanya Ang nangyari tinanggap na lang niya ito at kinalimutan Ang nangyari nang mga nagdaang araw.
ITUTULOY……
“Ina pagbuksan mo ako ng pinto
Mag






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top