Boss and Secretary


He’s My Boss and I’m His Secretary
Prologue
Keziah Allyson Marquez, ang babaeng hindi na naniniwala sa pag-ibig. Motto niya na walang forever kumbaga bitter. Ayaw niya ng mapasama sa hanay ng mga babaeng pinangakuan pero iniwan, o diba ang saklap. Mahalin mo para Iwan ka kasi lahat ng minamahal mo iniiwan ka diba? Ang trabaho at ang pamilya niya lang ang meron siya. Ang nanay at tatay niyang laging nakasuporta na mahal na mahal siya. Wala nasa buhay niya ang mga lalaki. Mga pesteng lalaking nagpaiyak sa kanya.
Kung mayroon siyang kasiyahan sa buhay yun ay ang inisin ang boss niya. Boss niya na napakasungit sa mga empleyado pero kapag sa mga babae niya ay tila anghel sa bait. Gwapo ang boss niya? Oo pero babaero at ayaw niya sa mga ganoong lalaki.Dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit nasasaktan ang katulad niyang mga babae.Tuwang tuwa siya kapag naiinis ito. Pero kahit kailan hindi siya nito inalis sa trabaho. Ngunit kahit ganun pinag-aayos niya ang trabaho niya. Mahirap na baka bumaba ang ekonomiya at matanggal pa siya sa trabaho niya. Mahirap na rin maghanap ng boss na bukod sa Gwapo ay cute pa. Charr!!
Ipangako niya naman sa sarili niya na hindi mahuhulog ang loob niya sa boss niya kahit anong mangyari tumakbo man ang pagong, o maglakad man ang Ibon. Wala nga kasing forever. Lahat ng lalaki sasaktan ka lang. Iyon ang itinatak niya sa isip niya.
Drake Ivan Monterozo, ang dakilang playboy. He owns one of the famous company in the country at siya rin siya sa pinakasikat na bachelor sa buong Mundo. Ang babae ay para lang laruan sa kanya na pwedeng palitan. Masungit?Oo pero kapag maganda ka ay hinde! Char!! Gwapo? Siyempre! Pero kahit kailan di niya napagtuunan ng pansin ang sekretarya niyang si Keziah. Maganda ito pero kahit kailan di niya sinubukang isa ito sa mga babae niya, bakit kaya? Wala atang epekto ang kagwapuhan niya sa dalaga dahil kahit kailan rin ay hindi siya nito pinagtuunan ng pansin.
Alam niyang ayaw ng sekretarya niya sa mga babaero. Dahil alam niya rin kung ilang beses na itong niloko. Sa tagal na niya na itong sekretarya ilang beses niya rin itong makitang umiiyak dahil sa lalaki. Napakahands on na secretary ni Keziah kahit lagi siya nitong binubwisit at inaasar. Kahit kailan ay hindi niya ito hahayaan na magresign sa kanya at sekretarya niya na ito forever.
“Ms. Marquez your late!” sigaw ni Drake sa sekretarya niyang si Keziah.
“Hindi ako late sir FYI maaga lang po kayo” pagtataray nito sa kanya at di man lang pinansin ang ginawa niyang pagsigaw dito kanina.
“Ganiyan mo ba kausapin ang boss mo? Ako ang boss mo pero Ganiyan mo ako kausapin?” di siya nito pinansin at inirapan lang.
“Oo nga po boss ko kayo at ako ang secretary niyo” pamimilosopo pa nito.
“So bakit ka nga late?” tanong ulit ni Drake.
“Alam niyo po kasi sir, hindi po...


ako late sadyang ang aga niyo pong pumasok ngayon at nauna lang kayo sa akin. Pustahan bukas late ka na naman” pagtataray nito.
“Di ko alam kung bakit hindi pa kita pinapaltan bilang sekretarya ko,lagi mong pinasasakit ang ulo ko.!”
“Boss alam niyo kasi hindi na kayo makakakita ng katulad ko, kaya pagtiyagaan niyo na lang”
“Ipagtimpla mo na lang ako ng kape” utos ni Drake kay Keziah ta mabilis lang naman nito sinunod ang utos niya.
“May asukal kaya o wala? Tapos damihan natin ng Black coffee para mapait? Dapat matuto ang lalaking iyon dahil sinigawan niya ako kanina” bulong ni Keziah habang nakangiting naglalakad papunta sa timplahan ng kape. Bubuwisitin na naman niya ang boss niya.
Habang naglalakad papunta sa kanyang paroroonan. May nakasalubong siyang babae. Wews, bagong babae na naman ng boss niya. Bagong paiiyakin na naman HHAHAHAH.
“Where’s Drake?” tanong nito sa kanya at mukhang tinatarayan siya… Babae na naman. Kay aga aga.
“I don’t know ma’am” pagsisinungaling niya para mainis ito..
“But your his secretary” sabi ng babae na hindi naniniwala sa sinasabi niya.
“Yes I’m his secretary but I don’t know where he is” sabi niya sa babaeng ito na kanina pa nakakaabala sa trabaho niya.
“You’re lying” anas pa ng babae.
“She’s with her girlfriend”para matigil na ito.
” But I’m his girlfriend “sabi ng babae at inis na. Hahahaha tagumpay ang pang-iinis niya. Siguradong magagalit na naman ang boss niya nito. Hahhahah
” Marami siyang girlfriend kaya ma’am baka yun ang kasama niya ngayon, so diyan ka na dahil may trabaho pa ako. “success na naman ang pang-iinis niya.
At dadalhin niya na rin ang kape ng boss niya. Boss niyang babaero hahaha.
” Boss ito na ang kape mo, enjoy! “sabi niya sa boss niyang si Drake Ivan bago pumunta sa lamesa niya.
” Fuck, what did you to my coffee?! “sabi nito at di maitimpla ang mukha. Gusto niyang matawa pero hindi niya ginawa. Okay na nakaganti na siya sa pagsigaw nito sa kanya kanina.
” Ahhm boss ganto kasi yun may babaeng nanggulo sa akin kanina kaya hindi ko natimpla ng maayos yang kape mo”pagpapaliwanag ni Keziah.
” Sinong naghahanap sakin bakit hindi mo sinabing nandito ako sa opisina?! “sabi ni Drake kay Keziah.
” Girlfriend mo daw ata ehh, edi ba marami ka namang girlfriend?Kaya sinabi ko kasama mo yung iba mong girlfriend, babaero ka diba? “dali dali namang umalis ang boss ni Keziah. Mukhang susundan ang babae.
“Susundan ba pwede namang paltan” bulong niya at nagsimula ng magtype sa loptop.
“Ms. Marquez mag-uusap tayo mamaya!!!” sigaw ng boss niya. Ngayon niya naman inilabas ang tinatago niyang tawa simula pa kanina. Wahahhaha effective na naman ang pangbubuwisit niya.
Wala namang magagawa ang boss niya dahil siya ang sekretarya nito.HAHAHA
A/N:Delete o Tuloy?
Comments po kayo para malaman kung gusto niyo ang story at kung itutuloy❤️😊pakishare na rin po at wag niyo po kalimutan ang paglike. Malaki ng bagay na po iyon❤️






Share On Whatsapp

"7" Comments
  1. Angelita DelRosario

    Tuloy lang po,, interesting yun story

  2. tuloy pls dalean mo ang next chapter

  3. tuloy po.. bitin

  4. tuloy po bitin..

  5. Your Namerhoda Flores

    pakituloy po ng estorya

  6. Marites Gamboa

    Boss and secretary

  7. Marites gamboa

    mbs Ang buong storya mganda po kc

Leave a Reply


top