Bridge of love Chapter 4


Bridge of love ❤️
Chapter 4
At tuluyan na ngang dumilim ang paligid.Hanggang sa magising ako sa isang napakaliwanag na silid.Ang akala ko noon ay nasa langit na ako.Pero nagkakamali pala ako,nasa isang silid ako may tatlong babaing nakabantay sa’kin.Ang Isa ay nasa katandaan na at ang dalawa Naman ay nasa kwarenta na siguro.
“Abay kalooy man ning Bata uy”sabi ng isang babae at di ko naintindihan yun.
“Naku Simang,wala akong naintindihan sa sinabi mo”sagot Naman nang isang babae.
“Pinang,ang ibig sabihin ni Simang ay kawawa Naman ang batang ito.Hindi ka pala nakakaintindi ng Bisaya?”paliwanag Naman ng babaing nasa katandaan na.
“Ahh,yun pala ang ibig sabihin nun hehe”napakamot nalang si Simang.
Dahan dahan akong bumangon,at ang sakit ng katawan ko para akong binugbog.Nakita nila akong bumangon at nagmadali silang lumapit sa’kin.
“Ining,gising kana pala”may pag aalala sa hoses nang babaing nasa katandaan na.”S-sino hu kayo?N-nasaan po ako?”sunod...


sunod at nauutal na tanong ko.
“Simang pakitawag si Ma’am Danica,sabihin mong gising na ang Bata”utos niya kay Simang.Agad Naman itong umalis.”Iha,nasa bahay ka ni ma’am Danica.Ako po si Nana Iska”pagpapakilala nito.
“Ako Naman po si Merta,but can you call me mamita hehe”singit Naman nang isang babae.Tiningnan siya nang masama ni nana Iska at nanahimik nalang ito.
“Sino po si ma’am Danica?”curious kong tanong kay nana Iska.
“Siya po ang may-ari nang bahay na ito at siya rin ang nakakita sayod sa kalsada na nakahandusay at walang malay.Noong una ay inakala niyang wala na nang buhay.Takot man ito ay lakas loob ka niyang nilapitan at tiningnan ang pulso mo and then she confirmed that you still alive di na ito nagdalawang isip na buhatin ka at isakay sa sasakyan Niya at dinala dito sa mansyon Niya”mahabang paliwanag nito.Napatango tango nalang ako at may ngiti dahil may taong tumulong sa’kin na makaalis sa bangungut na matagal na akong inalipin.”Thank you Lord,dininig niyo ang panalangin ko”nasambit ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top