BULAG NA PAG-IBIG


Mahirap lang sila Ana, nagtitinda lang ng gulay sa palengke sina Nanay Carmen at Tatay Lito sila ang mga Magulang ni Ana.
Nag- iisang anak lang nila si Ana, sabi sa akin ni Nanay Carmen, isang linggo bago ko raw makilala si Ana ay pinagbantay at pinagtinda nila ito sa palengke ng mga gulay kasi nagkataon nagkasakit ang Asawa niyang si Tatay Lito kaya si Ana muna ang nagtinda, ayaw sana nila dahil sa kalagayan nito pero makulit at nagpumilit daw si Ana na magtinda, umarkila sila ng tricycle para sa pagpunta ni Ana at pag-uwi nito pero nang nasa plengke n si Ana ganito na ang nangyari.
” Ano ba yan Ana, mali mali naman ang binigay mong gulay sa amin at sukli mo kulang kulang, paano kung sumobra?eh di kawawa ka… malulugi ka pa…Nasaan kasi Nanay at Tatay mo…?”
” May sakit ho kasi si Tatang, inaalagaan po siya ni Nanang kaya ako na lang po nagtinda.” Katwiran ni Ana.
Kaya hindi na nila pinagtinda si Ana at sa bahay na lang daw ito nanatili, tumutulong naman daw ito sa mga gawaing bahay at pagtapos na daw ay pumupunta ito sa bahay ng mga pinsan nito para makipagkwentuhan at mahal...


na mahal siya ng mga pinsan niya.
Magaling rin daw kumanta itong si Ana.
🎵Sadya kayang ganyan ang buhay sa mundo?…
🎶Kahit sa dilim ay naghihintay parin…
🎶 Kailan kaya ako’y di na luluha sa aking buhay…
🎶 Umaasang bukas ay may liwanag…
🎶 Umaga ko’y aking hinihintay!🎵🎼🎤
Awiting aking narinig mula kay Ana nang minsang naabutan ko siyang naglilinis ng bahay nila.
Sa Medical mission marami kaming natutulungan at sa susunod na misyon namin ay aakyat kami ng bundok, aabutin namin ang mahihirap na kababayan na nangangailangan ng tulong namin pero paano si Ana, mamimiss ko si Ana, 1 buwan din akong malalayo sa piling ni Ana…
Ano ba itong nararamdaman ko? Naaawa lang ba talaga ko kay Ana dahil sa kalagayan niya o na-iinlove na ko sa kanya?
” Ramon, ano kaba? parang wala ka sa sarili, iniisip mo na naman ba si Ana?.” Tapik sa akin ni Rico isa sa mga kasama ko sa medical mission.
” Oo, Rico, iniisip ko siya, alam mo yun pakiramdam na masaya ka kapag kasama mo siya, alam mo may kakaiba kay Ana, masyado akong nahihiwagaan sa kanya.” Pag-amin ko kay Rico.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Sundan nyo po ang susunod na kabanata… marami pong salamat…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Next po

Leave a Reply


top