Cassandra (the innocent) Chapter 17


“Habang tinatahak ni Cassandra ang madilim na kakahuyan hindi nya maiwasang tumulo ang kanyang mga luha.
“bakit ba nangyayari ito sa akin…?
Ano bang malaking kasalanan ko……”Ma…..Pa….hindi ko alam kung saan patungo,pero sana gabayan nyo po ako..sana magawa kong magkaroon ng lakas ng loob…
“Lumalaban naman ako..eh..pero paano,saan at hangang kailan..banggit nya sa kanyang sarili
at kasabay nu’n ang pag-ihip ng malamig na hangin na bumabalot sa kanyang katawan na nagmu-mula sa mga kakahuyan habang unti-unting nararamdaman nya ang pagpatak ng ulan..
Halos balisa si andrea dahil magpa-hangang ngayon hindi pa nya makontak ang kaibigan nya kung ano ba ang nangyari.
Matapos kasi nitong matanggap ang huling message ni cassandra ay hindi na sya nag-atubiling tawagan ito..
Dyos ko cassandra..bakit ba hindi kita makontak…bwisit naman oh!!!!
isa pa itong bwisit na ethan na ito..kung kelan kailangan ko sya ngayon pa nawala..malas talaga….sambit ni andrea sa sarili nya…
“M’am …..Miss….hindi magkaintindihan ang mga ito sa kakatawag sa kanya…dahil kanina pa kasi sya ng mga ito hinahanap.
“Oh shit…patakbo nyang nilisan ang building hangang sa makarating sya sa isang parking area..
Ano pare nakita mo ba? alam ko dito lang yun nagsuot..lagot tayo nito kay boss pagnagkataon…kailangan natin sya mahuli…tugon ng mga security na humahabol sa kanya…
‘ ahmmm…Asa pa kayo …ahmmm mahuli nyo ko..!!!!
mga abno..talaga….habang nakatago sya sa likod ng isang magarang sasakyan.
Subalit laking gulat nya dahil isang matipunong lalaki ang bumaba,at hindi nga sya nagkamali..makisig ito habang suot nito ang fitted na long sleeves na halos bumabakat ang mga abs nito sa suot nya…halata dito ang pagiging mayaman nito at kahit sinong babae mapapahanga sa kakisigan nya at ka gwapuhan nitong mukha..
Previous….
Mr. Gabriel kailangan nyo na pong magbihis,saad ng isang staff na babae mula sa condo unit nito.
Isang tawag mula sa cellphone ni Gabriel ang kanyang nakita.
Sir.may tawag po kayo saad ng babae.
“Hello babe …where are you..? are you...


done..saad ng babae mula sa kabilang linya nito.
“Yap i’ll be there in 10minutes …sabay baba nito ng phone..
A-attend kasi si Gabriel ng isang event about sa bagong project na natapos nila sa Almadeo..
si Gabriel Montemayor ay isa sa pinaka-tanyag na architekto hindi lang sa pilipinas kundi sa ibat-ibang sulok ng bansa,
halos nasa kanya na nga ang lahat,hindi nga lang sya katulad ng isang lalaking madaling malinlang ng kahit sinong babae,
kadalasan pumapayag lang sya sa kagustuhan ng mga babae kaya naiikama nya ang mga ito.pero hangang dun lang yun..at wala syang paki-alam kung makasakit man sya dahil ang mahalaga ay ang kapatid nyang si shiena..na magpasa-hangang ngayon ay hindi pa nya nakikita..simula noong iwan ito ni Ethan.at piliin ang reputasyon nitong iniingatan.
Ano ba yan? sa dami ko tataguan dito pa talaga..ako napunta
aalis na sana sya ..ng pigilan nito ang braso nya..
“Talaga bang …hindi mo titigilan ang gago kong kaibigan..
saad ng lalaking galit ang makikita sa mukha nito..
“Hoy…antipatiko…lalaki wala akong balak sa kaibigan mo…at kung meron man wala kana dun..madumi lang talaga ang isip mo..kaya pwede ba bitawan mo ko!!!.tugon ni andrea
Ayoko mag-aksaya ng oras ok!!!
really…What do you need from him? and you are not tired of following him….wherever he goes….tugon nito sa kanya..
At sa sandaling yun ….Andrea….andrea…..isang tawag ang natanggap nito mula kay cassandra …
Cassandra …ok ka lang ba ….nakatakas ka ba …Nasaan ka?
halos nginig ng boses ang naririnig ni andrea sa kabilang linya nito…
Malalakas na buhos ng ulan at hangin,habang patuloy nyang nilalandas ang daan …sa dulo nito ..
Ini-inda kasi nito ang sakit ng katawan nya at ulo nya dahil sa natamo nyang sugat at pasa sa chang nya…halos ginawin si cassandra sa basa nitong damit mula sa katawan nito.
Andrea….huhuhu…huhuhu.iyak ang namutawi sa boses nito…
malapit na ako …sa dulo ng kakahuyan nasan kana …saad nito sa kanya.
Malapit na ako.!!!.hwag kang aalis…hintayin mo lang ako dyan…!!!
yun nalang ang nasabi ni andrea.upang magkaroon ito ng lakas ng loob.
Cassandra….naririnig mo ba ko..!!!!. cassandra..kasabay nun ang pagbagsak ni cassandra matapos nitong marating ang dulo ng kakahuyan.
Thank you readers and admin…🍂🍁






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. mamatay na sana yang chang mo kainis

Leave a Reply


top