COME BACK


COME BACK (dedicated sa marurupok)
Malalim na paghinga ang aking pinakawalan matapos makababa as tricycle. Sobrang sarap sa pakiramdam na muling malanghap ang malinis na hangin dito sa probinsya.
“Mama!” namamaos na sigaw ko.
Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas ng pinto. Nangangalay na tuloy ang hita ko sa kakatayo.
Napakibit balikat na lamang ako ng maalala ang mga taong halos mabali ang leeg para lang lingonin ako kanina. Gano’n na ba ako kaganda? Umuwi lang ng probinsya crush na kaagad ng lahat. Well nasa lahi naman na namin ‘yon, si kuya lang talaga ang nakaligtaan ng biyaya.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang haggard na pagmumukha ni mama, “Miss naliligaw ka ba?” tanong nito habang hinihilot ang kaniyang noo.
“Anong miss ‘ma? Ako si Aya,”saad ko bago ngumiti, “Wala bang pawelcome back d’yan?”
Napailing-iling ito habang patuloy pa ring hinihilot ang kaniyang sintido. Pumasok na lamang ako sa loob habang buhat ang mga dala ko.
“High blood ka na naman ba kay kuya ‘ma?” nguso akong napatingin sa gawi ni mama na nakaupo na ngayon sa sofa.
“Ang kuya mo puro na lang barkada. Laging tambay sa labas, wala na ngang ambag pinapahirapan pa ako jusmiyo marimar.” reklamo nito.
“Eh nasa’n si kuya?” tanong ko habang hinahanap si kuya ng aking mga mata.
Napatingin ito sa akin, “Nando’n na naman sa court. Nagbabasketball kasama mga kaibigan niya.” Halata sa boses nito na nawawalan na siya ng pasensya.
Three years akong nawala pero wala pa ring pinagbago si kuya Cedric, wala na ngang ambag sa lipunan pabigat pa.
“Hayaan mo ‘ma ako ng bahala kay kuya.”
“Huwag mong bugbogin ah,” babala nito dahilan upang pigil tawa akong mapatango.
Inayos ko muna ang aking nga gamit bago lumabas ng bahay upang sunduin na si kuya. Maghahating gabi na rin pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang kupal na ‘yon.
“Three points!”
“HAHAHA tama na ‘yan Troy lasing ka na.”
“Kaya ko pa, lulusot ‘to sa ring Ced.”
Malayo-layo pa ako sa court pero rinig na rinig na mula rito ang boses ni kuya at ng kaibigan niya.
Apat na lalaki ang nadatnan kong naglalaro ng basketball. Kaagad na hinanap ng paningin ko si kuya at nagtagumpay naman akong makita siya, pilit niyang inilalayo sa isang lalaki ang bola at ng makatiempo ay kaagad iyong hinagis sa ring, “Bleeh weak ka pala Yohann!”
“Ang yabang talaga tsk, tsk, tsk.” bulong ko habang papalapit sa kanila.
Umupo ako sa audience sit hindi kalayuan sa isang lalaking nakaupo sa sahig. Mukhang lasing ito dahil papungay-pungay at halatang inaantok na. May bote rin ng alak sa tabi niya pero kaunti na lang ang laman nito.
“Psst,” napatingin silang apat sa aking gawi maliban sa lalaking nakaupo sa sahig, “Umuwi ka na.” Mataray na sambit ko habang nakatingin kay kuya.
“Grabe Cedric may shota ka na pala?”
“How come pare?”
May isang sumipol sabay sambit ng, “May biyayang dumating.
Nasaksihan ko kung paano tumulo ang pawis nila mula leeg patungo sa pawis na pawis nilang abs. Pero kaagad akong napailing iling ng dahil sa mga naiisip ko, puro naman kasi sila shirtless medyo hot oo medyo lang.
“Umuwi ka na!” madiing paguulit ko ng makalapit sa kanila.
“Paano kung ayaw ko?” pangaasar nito, “May magagawa ka ba?”...


pinaikot nito sa daliri niya ang bola.
Umirap lang ako bago higitan ang tenga niya.
“A-Aray bunso, ang sakit teka lang! uuwi naman ko eh u-uuwi na ako.”
“Pasalamat ka mahal ka ni mama dahil kung hindi uuwi ka ng bukolan.” singhal ko bago siya bitiwan.
“Magkapatid naman pala.”
“Ced payag ka iuwi ko na kapatid mo?”
“No you’re not goin’ to Yohann, she’s coming with me tonight.”
Nag-aaway na ngayon ‘yung dalawang tropa ni kuya ng dahil sa’kin. Samantalang si kuya at itong isa niya pang kaibigan ay nagpapalitan ng masamang tingin.
“Dadaan muna kayo sa’kin bago niyo makuha ang kapatid ko.”
“Kaya mo? Kung oo humiga ka na Ced, dadaan kami sa ibabaw mo.”
Wala akong nagawa kun’di ang umatras ng umatras habang pinapanood silang nagbabangayan hanggang sa may masandalan akong kung ano. Marahan akong humarap at roon nadatnan ko ang isa pang tropa ni kuya na mariing nakatitig sa akin.
Anong problema nito?
“Akala ko ba hindi ka na magpapakita sa akin?” malamig na tanong nito.
Ano raw?
“Masaya ka na ba ha?” may inis na ang tono ng pananalita nito, “Masaya ka na bang naghiwalay na tayo?”
“Ano bang pinagsasabi mo?”
Akmang aalis na ako pero kaagad niya akong hinila pabalik. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na mahigpit na itong nakayakap sa akin ngayon.
“Damn baby…I don’t wanna lose you.” bulong nito sa akin na siyang naging dahilan upang mapakurapkurap ako.
Nang matauhan ako ay kaagad ko itong tinulak pero hindi sapat ang lakas ko. Mas humigpit lang ang pagkakayakap nito sa aking bewang ng dahil sa aking ginawa.
“Bumalik ka na sa’kin please. I want a comeback,” muli akong napakurap kurap ng pagtapatin nito ang aming mukha.
Grabe ito na yata ‘yung pinakapogi sa lahat ng tropa ni kuya. Singkit na mata, matangos na ilong at perpektong hugis ng labi pati na rin ang kaniyang jaw line. Siya na yata ang hinihiling ko, aacck my heart.
Pero ano raw? Comeback? naging kami ba?
“Comeback? nagpapatawa ka ba? Hindi nga kita kilala eh.” natatawang wika ko habang pilit na inilalayo ang aking mukha sa kaniya, pero siya naman itong lapit ng lapit at hindi pa rin ako pinapakawalan mula sa kaniyang yakap.
“You don’t know me?” Hindi makapaniwalang tanong nito, kaagad nitong nilagay sa aking noo ang kaniyang kanang kamay dahilan upang mapapikit ako, “Ayos ka lang? Nauntog ka ba kaya ka nagkaamnesia o sinadya mong kalimutan ako dahil may bago ka na?”
Hindi ko maintindihan kung nag-aalala ba siya o nagagalit.
“Sagot!”
Napaigtad ako sa gulat ng sumigaw ito. Nakatingin na ngayon sa aming gawi si kuya at ang tatlong kaibigan niya. Muli kong tinulak ang lalaking nakayakap sa akin pero nabigo na naman ako.
Napalunok ako ng muling magtama ang paningin namin, kung nakamamatay ang masamang tingin siguradong tigok na ako.
“HAHAHA gago!”
“Ang sakit sa tiyan grabe.”
Napapahampas at may pa hawak pa sa tiyan ang tatlong tropa ni kuya. Samantalang nagpipigil lang ng tawa ang kuya kong ulol.
“Ampota Troy HAHAHA hindi ‘yan ‘yong ex mo. Kapatid ko ‘yan tanga.” bigkas nito sa kalagitnaan ng pagtawa.
Papayag na sana ako sa comeback eh, pero kamukha ko lang pala ‘yung ex niya. Awts arat paka-sadghorl sagot ko na isang case ng red horse!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top