CRAZY EX- WIFE” CHAPTER 19


– MARK-
Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko at dapat kong gawin kay Jane. Sa utak nyang walang kasing dumi! Kahit ata hindi ako nagsisigarilyo parang gusto ko subukan ngayon.
” Manang pabili po ako ng yosi”
Kulang nalang pati usok ayaw ko narin ilabas dahil sa sobrang sama ng loob. Tumambay muna ako sa tabing kalsada malapit sa flower shop . Tumitingin lang ako sa mga tao at sasakyang dumadaan. Kung hindi lang dahil kay blessy magmamaneho ako ng sobrang bilis at wala akong pakialam kung maaksidente pako ngayon . Nakakainis talaga!!
” Ano bang gusto mong flowers lorraine?” Napatingin ako sa unahan ng sasakyan ko at nakita ko nanaman si Lorraine kasama ang isang lalake. Siguro ay ito yung alex na sinasabi nya. Pinagmasdan ko lang sila hanggang makapasok ng flower shop .
” Kahit anong klase ng bulaklak gusto ko yan ” masayang sabi ni lorraine sa kasama nya
Gusto ko ang amoy nang mga bulaklak. Natural ang bango at alam ni lorraine yon. Naaalala nya kaya ako sa twing may hawak syang bulaklak? Naalala nya kaya yung mga panahong binibigyan ko rin sya ng mga bulaklak na tinatanggalan nya pa nang petals at nilalagay sa ilong ko. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanila
” Honey, bakit di mo subukang amoyin to? Hulaan mo kung anong bulaklak to ”
” Wala akong ibang naaamoy kundi ang amoy nang pinaka mabangong babae sa buhay ko. ”
” Bolero ka talaga! Ayoko na nga! ”
” Amoy fresh na ——” tinabunan nya agad ang bibig ko
Natawa ako ng maalala ko ang mga pag-uusap namin noon. Salamat narin at kahit papano nabawasan ang bigat ng loob ko dahil sa ala-alang yon.
” Alex sandali lang!” Sya pala talaga si Alex. Inayos ni Lorraine ang kwelyo ng damit nya. Napatingin din ako sa damit ko. Ginagawa nya rin yan sakin noon nung magkasama pa kami. Bigla ko nalang namis ang mga ngiti nya nang makita ko ulit syang ngumiti ng parang sobrang tamis ngayon.
” Thank you! I love you ” natigilan ako nang makita nang dalawang mata ko na niyayakap si lorraine nang iba. Parang gusto ko silang paghiwalayin. Noon, kahit na gusto ko syang makihalubilo sa iba ayaw kong may yumakap sa kanyang iba. Nakikita ko din na gustong-gusto nila ang ginagawa nila. Umiwas ako ng tingin ng mapatingin sa direksyon ko yung lalake
Nagmadali nakong umalis at baka makita ako ni Lorraine na hindi komportableng nanunuod sa kanila.
– Lorraine-
” San mo pa gusto pumunta ? May bibilhin kapa ba?”
” Kung ako lang masusunod, kahit nga sa bahay nalang tayo tapos ipapagluto nalang kita ng masarap. Hindi naman ako materialistic na tao alam mo yan kaya kahit hindi mo na ako bilhan ng kung ano-ano para lang mapasaya mo ako. Sapat na sakin yung love, honesty, loyalty and trust mo. Higit sa lahat yung pagpaparamdam mo sakin na hindi moko iiwan ”
” That’s why I love you Lorraine. Hindi ko ata kakayanin kung isang araw, mawawala ka nalang bigla sakin ”
” Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Tingin mo ba iiwan pa kita? I need somebody who can love me at my worst at ikaw yon. Hindi moko sinukuan. Masaya ako sa piling mo Alex at wala na Akong makikitang kagaya mo dahil nag-iisa kalang ”
” Pinasaya moko sa sinabi mo Lorraine. Lalo ko pang gagawin lahat...


ng makakaya ko para sayo. Mahal na mahal na mahal kita ”
” Mahal na mahal din kita Alex”
Bigla nalang may nagpaharurot ng sasakyan sa tapat namin. Parang pamilyar yung sasakyan. Nagkatinginan kami ni Alex at natawa kami.
” Hala! May nagalit na ata sa kasweetan natin. ”
” Oo nga ! Mabuti pa siguro umuwi na nga tayo dahil baka mapagod ka ng todo marami pa tayong gagawin ”
– Blessy Grace –
Hanggang ngayon tamad parin ako pumasok. Magkaron kaba naman ng kaklase at katabi na mayabang. Feeling nya sya lang matalino sa buong klase. Buong mundo pa nga ata e ! Naka tyamba lang taas na tingin sa sarili . Walang sagot na hindi ako pinapatamaan! Sorry nalang sya hindi ako nasasaktan!
Anong sabi nya nung nakaraan? What you sow, you reap? Ripripin nya mukha nya! Hindi ko alam yon!
What you give, what you get pa. Kaya ko nga sya inaaway dahil binigyan nya ako ng dahilan ngayon gumaganti lang ako! May masama ba don?
” Babaeng maarte ayaw kitang maging kapartner o kahit ka grupo manlang sa research ha? Ngayon palang, sabihin mo na kay prof na wag kang isama sakin! ”
” Ikaw pa talaga tong may ayaw sakin? Itong mukhang to? Inaayawan mo?”
” Anong meron sa mukhang plastic na yan? Hindi ko kelangan ng itsura kung gandang-ganda ka sa sarili mo! Ang kailangan ko yung puno ang laman ng utak! ”
” Alam mo ikaw letse ka talaga e! Wala na ngang tatanggap sakin! Puno na sila! Kompleto na! Ikaw nalang yung may kulang! ”
” E di mag-isa ka! ”
Tumayo ako at sasampalin ko talaga tong epal na to!
” Uy! Blessy at Reyden palagi nalang kayong nag- aaway ha? Baka mamaya nyan, ma fall kayo sa isat-isa diba guys? Ayieehhh!! ”
” Never! I fall inlove with souls, not faces! ”
Ano daw?! Ang sakit non ah! Bakit ako gusto ko ba sya?
” Excuse me! Bakit ano bang tingin mo sakin? Bakit ba galit na galit ka parin sakin kahit nananahimik nako! Puro ka nalang patama sa bawat sagot mo! Hindi ako manhid at hindi ako tanga para hindi maisip na gusto mokong saktan sa mga sinabi mo! ”
” Aww! Nasasaktan ka pala. Pasensya na hindi ko alam. Atleast alam mo na ngayon kung pano masaktan. Congrats grace! Matalino kana!”
” Close ba tayo para tawagin moko sa second name ko? ”
” Reyden hindi mo ba talaga gusto si Blessy? Maganda naman talaga sya e. Diba boys? Hindi kaba na aattract sa kanya?”
” Oh thank you guys!” Aleast kahit papano may nagtatanggol sakin no?
” Sabi nga, a person becomes 10 times more attractive not by their looks but by their acts of kindness , respect, honesty and by the loyalty they show”
” Awwwts! ” Sabi nang mga classmates namin. Sige lang asarin mo lang ako! Kapag ako nagbasa ng libro magagantihan din kita!
“Whatever!” Umirap nalang ako at bumuntong hininga bago umupo
” Oh! Pag-aralan mo to! Ang nagkakagusto sakin, dapat mas makapal ang utak sa blush on. Mas matalas ang isip kesa sa lipstick ! ” hinagis pa sakin yung mga papel.
Nyeta! Pinagsasabi nya? Epal talagaaaaaa!!
” HAHAHAHA ” Tinawanan ko sya ng malakas sa pagmumukha nya bago ako padabog na umalis. Lakas talaga ng hangin sa ulo ng lalaking yon! Grrrr!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top