CRAZY EX-WIFE CHAPTER 22


– MARK-
Hindi na ako nakapasok sa trabaho dahil pumunta ako sa police station. Gusto kong buksan ulit ang kasong yon. Gusto kong malaman ang lahat para matahimik narin ako. Baka ito yung gumugulo sa utak ko sa loob ng ilang taon naming paghihiwalay. Gusto ko ring makausap si Lorraine kaya lang hindi ko alam kung san sya nakatira ngayon.
” H-Hello Jane? Napatawag ka?”
” Mark nasan kaba? Hindi ka raw pumasok sa trabaho?”
” Ahmm.. P-pauwi nako. Tinutulungan ko lang si blessy sa research nya . Ako na pumunta para sa kanya para hindi na sya mapagod pa ”
” Hindi kapa ba uuwi? Kanina pa kita hinihintay”
” Pauwi nako. Sige na hintayin mo nalang ako”
Naka park nanaman ang kotse ko malapit sa flower shop kung san ko sya nakita nung nakaraan. Baka kasi makita ko ulit sya dito. Limang oras na akong naghihintay pero kahit anino nya wala akong nakita kaya nagpasya nakong umalis
Bakit nya pinatigil ang paghanap sa mga taong pumatay sa parents nya? Ano bang pumasok sa utak mo lorraine? Para mo naring pinalaya ang mga demonyong tao at hinayaan mo lang din na magsaya ang mga nanghalay sayo tapos ikaw nagdusa. Naaawa ako na naiinis sa sinapit nya. Naaawa dahil hindi nya parin deserve yon at naiinis dahil tumigil sya at hindi nya ito pinaalam sakin!
Peeeeeppppp!!! Peeeeppp!!! Agad akong nagpreno nang muntik ko nang masagasaan ang binata dahil masyado palang mabilis ang pagpapatakbo ko. Hindi ko namamalayan dahil sa iniisip ko. Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mukha nya sa salamin ko. Bumaba ako para sana mag apologize sa kanya at tanungin kung ayos lang ba sya pero nagmadali syang umalis kaya hindi ko na nahabol.
Ano bang nangyayare sakin? Muntik na yon! Parang pamilyar sakin ang batang yon kaya gusto ko sana syang kausapin at tanungin narin kung nagkita na ba kami noon. Baka kilala ko sya hindi ko lang matandaan
– Lorraine-
Reyden!!!
Napabangon ako bigla nang managinip ako ng masama. Naghahabol hininga pako pag gising ko. Akala ko may nangyare nang masama sa anak ko. Alas tres palang ng hapon. Nakatulog pala ako. Sa lalim ng tulog ko parang gabi na.
Lumabas ako para uminom ng tubig. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko sa naramdaman kong takot. Parang totoo ang nasa panaginip ko
” Ma? Andito na po ako” agad akong tumakbo kay Reyden at niyakap ito nang mahigpit
” Parang mis na mis ako nang mama ko ah! ”
” Anak ayos kalang ba? Wala bang nangyare sayo ha?”
” Kanina po habang pauwi ako muntik na po akong masagasaan. Medyo mabilis po kasi magpatakbo yung nakasalubong ko ”
” Ano?! Kaya pala ganon nalang ang naramdaman kong kaba. Reyden anak natakot ako para sayo ”
” Ma relax lang po kayo. Okay na okay lang po ako. Bigla naman po agad nag preno yung driver hindi ko lang po nakita yung mukha nya dahil nagmadali na po akong umalis ”
” Pano kung napano ka? Sagutin ka nya! Pano natin mahahabol yung taong yon kung hindi mo manlang sya nakita. Yung plate number alam mo ba?”
” Yes ma!”
” Ibigay mo sakin mamaya ha. Kakausapin ko ang taong yon dahil kailangan nyang masabihan mamaya nyan, nagda drive sya nang wala naman pala syang lisensya. O kaya baka naka inom sya. Mabuti nalang nga at wala kang tama manlang. Baka yung iba na mababangga nya sa sunod kawawa naman kaya kelangan nyang turuan ng leksyon”
” Ma baka naman hindi lang po talaga sinasadya ”
” Kahit na. Kaya nga kailangan naming mag-usap para maliwanag”
” Anong kaguluhan ito?”
” Lara ? Umuwi ka agad ? ”
” Yes ! Namis ko kayo agad e! ”
” Tita I miss you too ” natutuwa akong tingnan kung pano lambingin ni Reyden ang tita Lara nya. Hindi ako nagseselos kundi puro saya nalang ang nararamdaman ko.
” Lorraine sabi nga pala ni Celine may nag interview daw sa kanya. Mukhang interesado sayo kaya ang daming tanong sa kanya tungkol sayo ”
” Tita may nagkakagusto pa bang iba kay mama? Hahaha magseselos si tito Alex nyan pag nalaman...



” Ha? Sino naman kaya yon? Bakit naman sya magiging interesado sakin? Ngayon lang nangyare to ah ”
” Para daw sa research ng anak nya . Yung sayo pa napili. Sa bagay nakaka inspired naman talaga ang buhay mo. Kahit na dumaan sa maraming pagsubok naka survive parin diba?”
” Ay! Oo nga pala. Baka isa po yan sa mga kaklase ko. Nagpatulong siguro sa papa nya ”
” Ah kaya pala.. wala kasi ako don e. Ako sana sasagot sa lahat ng tanong nya. Sasabihin ko talaga sa kanya lahat ewan ko lang kung kakayanin nya bang lumagay sa sitwasyon ni Lorraine kung sakali. Panigurado hahanap nalang yon ng iba hahaha”
” Yan ang gusto ko sa mama ko. Strong woman! A fighter! Nadadapa pero nakakabangon parin at higit sa lahat sobra magmahal”
” Asus! May hihingin siguro tong anak ko na to! Tingin mo Lara? ”
” I think so. Hahaha”
– JANE-
Ang tagal naman ni Mark! Naiinip nako kakahintay! Hindi na nga nagtrabaho wala pa dito sa bahay! Kung hindi lang ako nag sorry aawayin ko nanaman to!
” Ma, wala pa ba si papa? Kanina ko pa hinihintay yung mga kailangan ko sa research ko lalo na yung mga pasalubong ko”
” Ayon na nga! Tinawagan ko pauwi na raw! Kakainis nanaman!”
” Don’t tell me mag aaway nanaman kayo? Maglalayas na talaga ako! ”
” Hoy wag mo akong artehan babaita ha! Akala mo ba hahanapin ka namin kapag naglayas ka? Kung ang papa mo nagpapauto sayo tigilan moko ha! Wag mo akong tinatakot-takot dyan! Ako pa magbalot ng gamit mo gusto mo?”
” E di wag nyo akong hanapin! Ang sakit mo talagang magsalita sakin mama parang hindi nyo ko anak! Kaya hindi tayo close e! Mabuti pa si tita mitch sayo ”
” E di magsama-sama kayo! Diba kayo naman nagkakampihan? Out of place naman ako sa bahay na to e!”
” Ma, hindi naman sa ganon. Ang akin lang naman ma, bigyan mo naman ako ng atensyon. Hindi mo kasi pinaparamdam sakin na anak moko. Kay papa ko lang nararamdaman na may magulang ako kasi sya lang yong laging nandyan para sakin ”
” Atensyon? Binibigyan kita ng atensyon ako yung hindi nyo nakikita ! Masyado kang papa’s girl kaya hindi mo nakikita yung mga effort ko sayo! Wag mokong iyakan! ”
” Ma hindi kasi sa ganon, hindi lang si papa ang kelangan ko. Mas kelangan kita sa araw-araw dahil ikaw yung mama ko. Gusto ko lang ma feel yung ginagawa ng mga mama ng friends ko sa kanila kase nakakainggit . Nagiging mabait kalang kasi sakin kapag nandyan si papa ”
” Ayoko ng dramang to blessy grace! Darating na ang papa mo kaya magpunas-punas ka na ng luha mo! Mamaya mag away nanaman kami ng papa mo dahil iisipin nyang inaway nanaman kita.
” Ma I need you.. ” niyakap ako ni blessy. Hindi ako natutuwa. Ewan ko pero kahit sya pinagseselosan ko kay Mark kase basta para sa kanya ginagawa ni Mark lahat.
” Lumayo ka nga sakin! Ayusin mo pag-aaral mo para matuwa ako! ” Kinalas ko sya sakin
” I’m home! ” Sinalubong ko agad si Mark pagdating at niyakap ko sya. Hahalikan ko sana sya sa pisngi pero umiwas sya.
” Bakit parang umiiyak ang anak ko? May pasalubong ako para sayo e. ”
Tumingin sakin si blessy pero sinamaan ko ng tingin. Masyado kasing madrama sya nanaman tuloy ang bida . Kaya hindi kami magkaayos ni Mark kasalanan nya rin
” W-Wala po pa. Sinisipon lang po”
” Jane napainom mo na ba to ng gamot? ”
” Malaki na yan . Gamot nalang kelangan ako pa humanap?”
” Natural Jane ikaw ang ina! ”
. ” Sinasanay mo kasi Mark e! Hayaan mong tumayo sa sariling mga paa!”
” Ma, Pa okay lang ako. Kaya ko to. Tama po si mama malaki nako kaya kelangan kong maging independent. Salamat po sa mga chocolates at damit pa . Magpapahinga po muna ako sa kwarto ko”
Grrrr!! Tingin nya nakatulong sya? Nainis lang lalo papa nya sakin e. Hindi talaga makatulong . San ba nagmana ng kagagahan yang batang yan?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top