DEAR DIARY, INLOVE AKO KAY SIR CHAPTER TWO


Ms. Samonte POV:
Dear diary,
Bukas na pala ako titira sa apartment ni Sir na kasama siya.
Shit! Bakit ganon?
Bakit parang naeexcite pa ako?
Ay hindi, kinakabahan pala ako.
Hindi ko pa kasi kilala ng lubusan si Sir. Malay mo may pagnanasa ‘yun sa akin.
Sabagay, maganda at sexy naman ako. So siguro naakit na agad sa akin si Sir.
Oh wait diary, ‘wag naman sana mangyari ang iniisip ko.
Kasi kahit gwapo pa yang si Sir, hindi ako papayag na makuha niya ang pagkababae ko!
Kaya kailangan kong maging handa kung ano man ang binabalak ni Sir sa akin.

After kong magdrama sa diary ko, nagsimula na nga akong mag-impake ng mga damit.
Tinanong ako ni mama kung saan ako pupunta kaya inexplain ko naman sa kanya ang lahat.
At abah! Talagang pinayagan niya ako.
Feeling ko tuloy, pinamimigay na ako ni mama.
Mabilis na tumakbo ang oras.
At sa pagsapit ng bagong umaga, maaga akong pumasok sa klase na dala ang aking mga gamit.
Narinig ko naman ang mga bulungan ng kaklase ko na talagang pinagtatawanan pa nila ako.
“Hindi nga nalate pero mukhang nabaliw na yata.”,
“Sa pagkakaalam ko, wala namang camping dito sa campus.”,
“Naglayas ba siya sa bahay nila?”,
Tiningnan ko naman sila ng masama at mas lalong kumulo ang aking dugo ng magsalita si Sir.
“Class, ‘wag maingay!”,
Mabuti naman at nagsitigil na silang lahat.
“Kaya may dalang gamit si Ms.Samonte dahil titira na siya sa apartment ko bilang kasambahay.”, smirk na wika nito.
What the heck?
Ano raw?
Teka, tama ba yung pagkakarinig ko?
Isa akong kasambahay?
Tsk! Ano bang trip niya?!
“Bakit Sir? Wala na ba silang makain kaya magtatrabaho siya bilang kasambahay?”, tanong ng isa kong kaklase dahilan para mapuno ng tawanan ang loob ng silid.
“Excuse me, kumakain kami ng mama ko three times a day. So shut-up!”, mataray na bigkas ko.
“Ms. Samonte!”, sigaw ni Sir sa akin.
“Hindi ‘yan ang naging usapan natin kahapon, kaya bakit mo sinasabi ‘yan?”, gigil kong sambit.
“Pero ‘yon talaga ang gusto kong mangyari Ms.Samonte. Alangan naman tumira ka sa apartment ko na walang ginagawa.”,.
“Kung ‘yan ang patutunguhan ko, mas mabuti pang magkaroon na lang ako ng punishment araw-araw.”,
Matapos kong sabihin ang katagang ‘yon, tumalikod na ako sa kanya.
“Okay. If that’s what you want Ms. Samonte, then sige. Pero ‘wag mo akong sisihin kung hindi ka makaka-graduate.”,
Dahil sa sinabi nito, wala sa oras ay napaharap ako bigla.
“Saan ba yung apartment mo Sir? Ano bang oras tayo pupunta do’n? Excited pa naman ako maging kasambahay mo.”,
“After the class. Sabay na tayong uuwi sa apartment.”,
ngiting tugon naman nito sa akin.
“Gago ka talaga sir.”, bigkas ko sa aking isipan.
This is it!
Wala na yata akong takas pa!
Putcha!
Sa ganda kong to, magiging kasambahay lang ako?!
Dear diary,
break time namin ngayon kaya nakapagsulat ulit ako. Arrrghhh! Naiinis ako ngayong araw na...


‘to! Sa kakatakas kong magkaroon ng punishment sa school, mas malala pa yata ang napunta sa akin.
Kasambahay! Kasambahay ako diary! Parang ‘di ko yata kaya. But I don’t have any choice kundi ang kayanin na lamang ‘to! Hayst! Kung pwede lang sanang murahin si Sir, siguro busog na busog na ‘yon sa kakamura ko.
“Mumurahin mo ako?”, biglang sulpot nito.
Dahil sa narinig ko sa aking likuran, mabilis kong sinarado ang aking notebook at napatingin ako kay Sir.
“Bakit mo pa ako mumurahin? Kung pwede mo naman akong mahalin diba?”, ngising sambit nito sa akin.
“Huh–“, ngangang tugon ko.
“Sulat ka ng sulat sa diary mo. Hindi ka pa nga dyan kumakain.”, pag-iiba nitong topic.
“B-busog pa ako Sir.”,
“Busog? Tingnan mo nga ‘yang katawan mo? Isang pitik na lang at matatanghay ka na agad.”,
“Wow ha? Mukhang may malunggay na yata ang mata mo Sir. Hindi mo ba nakikita ang malacoca-colang hubog ng katawan ko? So it means, hindi ako payat!”, mayabang na sabi ko.
“Alam mo Ms.Samonte, pagdating sa ugali, wala ka ng pag-asa na makapasa. Kung makapagsalita ka, parang hindi guro ang turing mo sa akin.”,
“Fine! Sorry na PO SIR.”, mariing bigkaa ko.
“Good. So tara na, sabay na rin tayong mag-snack.”, wika nito.
Napatulala tuloy ako sa kanya.
Para kasing may mali eh.
Oo, may mali nga sa lalaking ‘to. Masyado syang mabait at minsan strikto sa akin.
Gulong-gulong ang isip ko, kung sino ba talaga siya?
Kahit anong tanong sa isipan ko, hindi ko talaga masagot.
Pero gaya ng sinabi ni Sir, nag-snack nga kami ng sabay.
At matapos ‘yon, bumalik na ako sa classroom at siya naman ay pumunta na ng office.
Hindi rin nagtagal, uwian na.
At heto ako ngayon, kasama si Sir sa kanyang kotse. Patungo na kami sa apartment kung saan magiging kasambahay na ako.
Wala akong maipipintas dahil maganda at malaki ang apartment ni Sir.
Ilalagay ko na sana yung mga gamit ko sa sofa kaso naagaw ang tingin ko sa litratong nakadikit sa pader.
Litrato na sobrang pamilyar sa mata ko.
Teka, si Sir ba to nung bata pa siya?
OMG!
Agad akong napatingin sa aking guro na ngayon ay nakangiti.
“I-ikaw? Ikaw yung lalaking first love ko?”, hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes Ms. Samonte. Ako nga. Ako nga yung lalaking hinabol mo para lang sabihin na gusto mo ako. Mabuti naman at naalala mo ulit ako.”,
Halos sasabog na yata sa hiya ang mukha ko.
Sino ba namang di mahihiya, kung malalaman ko na yung 10 years old na lalaking gusto ko noon, ngayon ay guro ko pala.
Apat na taon lang ang agwat namin. Six years old ako no’n nung naging crush ko siya.
Hays.
Bakit ba kasi ngayon ko lang ‘to nahalata?!
Kung sabagay, long hair siya noon at maraming nagbago sa kanyang itsura ngayong binata na siya.
Nasagot din sa wakas ‘yong tanong ko, ‘kung sino ba talaga si Sir?’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top