DESISYON Part 3


DESISYON
Written by : Oh Ji Va
~~~ Part 3 ~~~
Nanonood sila ng tv pagpasok ko sa bahay ng papa ko . Pinatabi ako ng papa ko sa mga kapatid ko sa labas . Peeo hindi ako tumabi . Tutok na tutok sila sa panonood ng tv . Habang ako naman ay pinagmamasdan sila . Una kong tinitigan ang kabet o ang bagong kinakasama ng papa ko na matatawag ko na ring stepmother . Pero hindi ko sya tinawag na mama dahil alam konv isa lang ang nanay ko . Ate Sandra ang tinawag ko sa kanya . Pero pinagalitan ako ni papa Ramon . Oo mona pangalan ko sinunod sa pangalan ng papa ko . RAMONA . tinawag lang nila akong Mona. Dahil sa sobrang pagmamahal ni mama kay papa . Sinunod nya pati pangalan ko sa walang kwenta naming ama .
” Tita ang itawag mo sa kanya hindi ate sandra . ” Pagwika sakin ni papa .
Hindi ako umimik . Wala rin naman ako magagawa kahit ayaw kong tawagin syang tta . Para sakin kasi kabet lang sya . Kami ang tunay at hindi sila . Dahil kasal ang mama ko sa papa ko . Kinabit lang sya ng papa ko . Yan ang mga pumapask sa isip ko habang nakatitig kay sandra . Maganda sya , maputi at palaayos kaya siguro sya nagustuhan ni Papa ramon . Nakita ko rin na may id sya sa pagmamassage . Oo isa syang massage therapist . Hahaha baka dun nya nakuha si papa . Baka minasahe nya sa Bay*g . Palaayos din sya , hindi katulad ni mama na simple lang . Hindi marunong mag make up at tanging lipstick lang ang alam ni mama . Hindi rin nagsusuot ng maiigsi ang mama ko . Pero si sandra maikli ang suot nya . Si mama never kong nakita na nagshort o nagcyling ng maigsi lagi yun sya nakapajama. Kaya kung ako papapiliin si mama lang nag iisa . Kaya never ko syang tatawaging Mama ! Si mama maganda naman pero ang problema nya yung bandang bibig . Medyo nakausli kasi palabas ang tubo ng ngipin nya pero hindi pangit tingnan . Matangos din ilong ni mama . Samantalang sya sarat ang ilong . Maganda lang ang mata ni sandra . Ano kayang ginawa nya sa papa ko at napaibig nya .
Sabay tinignan ko ng mabuti si papa . Gwapo sya hindi mapagkakailang magkahawig kami . Sa mata , sa ilong , at sa shape ng muka . Matangos din ang ilong ni papa . Singkit at maliit ang muka . Maganda ang mga ngiti . Hindi katulad ko na nagmana kay mama ang ngipin .
Kung titigan silang dalawa ni mama mas bagay sila kesa sa kabit nya ngayon . Palaayos at malaki lang kasi ang cocomelon ni sandra samantalang kay mama maliit lang pero malaporselana ang balat ni mama . Sabi pati ng mama ko si mama ang nakauna sa kanya …( Kinuwento sakin yan ni mama may anak na ko nyan ha . Hindi ngayong dose pa lang ako . Sige balik tayo sa kwento )
Samantalang sya nakuha sya juntis na . Hindi ko alam bakit mas pinili ni papa ipagpalit kami sa kanya . Sumunod kong pinagmasdan ang tatlong bata na nakaupo habang nanonood ng tv . Alam kong yung batang lalaki , oo sya makikitang parang nasa limang taong gulang pa mang sya at yung kapatid nya na dalawa . Mga 3 at 1 yrs. Old . Isang lalaki at dalawang babae . Bale yung ampon ni papa yung batang lalaki at yung dalawang batang babae ay kapatod ko naman sa labas ..
“Mona , ganda ng palabas oh , nood ka ” wika ni kabet ! Ay este tta sandra pala na syang nagpukaw sa pag iisip ko .
“Ha ! Oo sige tta ” at pumuwesto ako sa tabi ni papa . Yung tv nila maliit . Tapos kulay green ang kulay ng screen . Tumatabingi yung tao . Ano ba tong tv na to ? Ano kinaganda ? Ang creepy pa ng palabas . Puro patayan at kainan ng tao . Meron pang babaeng mataba na dahil gusto nya magpasexy chinainsaw nya yung taba nya . At bandang huli namatay din sya .. hindi na lang ako nanood nakakawalang gana . Tapos ang boring pa .
“Namimis ko na samin agad . Doon maganda ang tv . Magkakasama kami magkakapatid . ” Sabi ng utak ko . Umalis ako at lumabas muna . Pinagmasdan ko ang kapaligiran ko . Nasanay kasi ako sa highway kami nakatira . Masi nagtitinda kami so daanan ng tao talaga pumuwesto sila mama ng paninda . Pero dito. For sure mukang di ko magugustuhan ang lugar dito .
Maya-maya……
“Mona , halika pumasok ka dito ” pagtawag sakin ni papa .
“Po bakit po ?” Tanong ko
“Kumain ka na nilutuan ka ng tita mo ng pagkain .” Wika ni papa sakin .
Pumasok ako . Gutom na rin ako eh . Alas tres ng hapon kasi kami nakarating ni mama dito sa lugar ng papa ko na kung tawagin ay BATUNGBAKAL ..
Kanin at noodles lucky me yun ang kinain ko . Di ko na rin inisip kung sino nagluto basta gutom ako . Ay sige lapang !..
Pagtapos kong kumain umupo na ako sa isang gilid sa bahay nila . Doon natanaw ko ang simbahan .. malapit lang at katabi sa bahay ng papa ko . Pumunta ako don nagmasid . Tinitignan kong mabuti ang lugar . Para kasi akong naninibago . Maya maya may lumabas na isang babae mula sa simbahan .
” Ikaw ba ang anak ni Ramon kay Sophia ? ” Tanong niyo sa akin. Na tingin ko ay kakilala rin ni papa at ni mama .
“Opo ako nga po , bakit po ?” Tanong ko .
” Ahh . Nasaan ang mama mo ? Kamusta na sya ? ” Magkasunod nyang tanong .
” Ok lang naman po si mama nandon po sya kila tita neneth ” paliwanag ko .
” Kailan pa kayo dumating ?” Tanong nya .
“Kanina lang po ” sagot ko naman . Makikita sa kanya na mas matanda sya ng konti kay mama pero sa pagtatanong nya alam kong kilala din sya ni mama.
“Dito ka ba titira ?” Tanong nya ulit .
“Opo ” sagot ko na may kasabay na pagtango .
Tinignan nya lang ako at sabay lakad papunta sa babay ng papa ko .
“Ramon may fellowship tayo bukas ha ” wika ng babae kay papa .
” Oo sige ate loring ” pagsagot ni papa .
” Nandito pala ang anak mo isama mo sya mamaya ” wika ni aling loring
“Oo sige ” sagot muli ni papa . At dumiretso na ang babae sa bahay nya . Sya pala si ate loring . Isa siguro sya sa myembro ng simbahan . Malapit din ang bahay nya sa simbahan bale sa tapat na nga mismo ng simbahan eh .
Kila papa na ko nagpalipas ng...


gabi . Natulog sila na magkakatabi samantalang sa kabilang side naman ako ng bahay nila natulog . Wala silang kwarto bale deretso sala at kusina . Maliit lang kasi ang bahay nila at gawa pa sa kahoy .
————–
Kinabukasan ……
Nakita ko si mama na paparating kasama nya si tta neneth ang nakakabatang kapatid ni papa . Nilapitan ako ni mama . Anak magbihis ka heto yung mga gamit mo . May pupuntahan lang tayo .. agad akong pinagbihis ni mama. Pagtapos kong magbihis . Sumakay kami ng trysikel . Bumaba kami sa isang gusaling may nakalagay na “BARANGAY HALL OF BATUNGBAKAL ”
Pagkakita ko agad akong nagtanong kay mama .
” Ma bakit nandito tayo ? Anong gagawin natin dito ?”
” May pag uusapan lang kami ni Ramon ”
Maikling sagot ni mama . At dumeretso na nga kami sa barangay . Pag pasok ko nandon na rin si papa . Hindi ko napansin na umalis din pala sya kanina dahil pagtapos ko mag almusal ay lumabas ako ng bahay ayoko kasi mag stay sa bahay nila . Nakakatunaw hehe .
Nakaupo si papa sa kaliwang bahagi ng upuan at si mama ay sa kanan kalong ako ni mama . Samantalang may lamesa sa harap namin at may babae na nakaupo . Nakauniporme ito ng pambaranggay mukang isa sya sa staff o may katayuan sa baranggay .. Magkaharap namang nakaupo si mama at papa .
” Ano hong concern ninyo mga madam at sir ” tanong ng babae
” Maam , gusto ko po sana magpagawa ng kasulatan para sa sustento ng mga anak ko ” paunang wika ni mama.
“Bakit , hiwalay na ba kayo ?” Tanong ng babae kay mama .
” 7 yrs. Na po kami hiwalay maam . Pero wala pong nakuha ang mga anak ko na sustento mula sa papa nila . Gusto ko lang po sana na mapagkasunduan namin dito ang sustento para sa mga bata ” paliwanag ni mama . Bumaling ng tingin ang babae kay papa ” 7 taon di ka pala nagsustento sa mga anak mo mister ?! ” Wika ng babae kay papa .
” Eh wala naman po akong nagiging maayos na trabaho may binubuhay din po ako ” sagot ni papa .
” Hmmm kasal ba kayo ? ” Tanong ng babae kay papa
“Opo ” sagot ni papa
” Sabi ni misis hiwalay na kayo. May annulment ba kayo ? ” Tanong ng babae .
“Wala po ” halos magkasabay na sagot ni papa at mama .
” Bakit wala ? ” Tanong ng babae
” Wala po kaming oras ” tanging tugon ni papa .
” Pero mister bakit wala kang sinusutento sa mga anak mo kahit di ka nakakahanap ng trabaho o walang maayos na trabaho . Sana nagpapadala ka sa mga anak mo o nagbibigay ka ng sustento kahit maliit na halaga . Lalo at kasal pa pala kayo ni misis ” paliwanag ng babae kay papa .
” Ilan ang anak nyo ” bumaling ng tanong ang babae kay mama .
” Apat po ” sagot ni mama .
” Oh apat pa pala anak mo mister . Sa loob ng pitong taon hindi ka nakapagbigay kahit magkano sa mga anak mo ? ” Tanong muli ng babae kay papa .
Hindi sumagot si papa . Makikita kay papa ang konting pag ngiti nya na parang nang aasar kay mama .
” Anong gusto mo mangyare misis ” tanong ng babae kay mama .
” Gusto ko po sana na magkaroon kamo ng kasunduan para sa sustento ng mga anak ko . ” Palaban na sagot ni mama .
” Ito pong anak ko na to si mona . Iiwan ko po ito sa kanya . ” Dugtong ni mama .
” Mas mabuti ! Para masustentuhan yang anak mo . Nasaan pala ang tatlo mong anak pa ?” Tanong ng babae .
” Nandon po sa maynila nag – aaral . “. Wika ni mama .
” Sige bibigyan ko kayo ng kasunduan . Magkakaroon kayo ng isang kasulatan para sa sustento sa bata .” Wika ng babae
Nakita ko na nagsusulat ang babae at maya maya ay pinapirma nya si mama at papa . Hindi ko alam kung ano yun ..
” Kung sino man ang lumabag sa kasulatan na yan ay makukulong ” tanging huling wika ng babae bago kami umalis ..
” Maraming salamat po ” wika ni mama sa babae .
At nagpasalamt din si papa . Sabay sabay kaming lumabas ng office . Iba ang daan na tinahak ni papa ,samantalang kami ni mama ay magkasabay . Bumalik kami sa lugar kung san nakatira si papa . Habang nasa kalsada kami kinausap ako ni mama .
” Mona , aalis na ako ha , ingatan mo ang sarili mo dito . Mag aral kang mabuti . Tapos pag wala kang baon humingi ka lang kay papa mo ng pera ha . Ihahatid na kita don . Ingatan mo sarili mo .” Dama ko ang lungkot ni mama sa tono ng pananalita nya . Ako din ay napakalungkotbdahil mas nasanay ako na kasama ko si mama .
Hinatid ako ni mama kila papa . Pagpunta namin don , ay nakatanaw ang kabit ni papa kay mama . Nakangisi pa ito na mukang aso . Ibinigay na ako ni mama kay papa . Kinuha ako ni papa .
” Ingatan mo anak ko ramon ha ” medyo may pagkamatapang na tugon ni mama .
” Oo ” maigsing sagot ni papa .
Hindi ko alam pero nung akmang aalis na si mama . Bigla akong napaiyak . Parang pakiramdam ko sobrang lungkot ko . Lalo at naiisip ko na di ko na makikita si mama .
” Mama , kunin mo ulit ako dito ha ” mangiyak ngiyak kong sambit kay mama . Pinipigilan ko ang mga luha na gustong pumatak sa mga mata ko . Nakita ko si mama na umalis at sumakay ng trysikel . Doon lamang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Tumingin ako kay papa at sa kabet nya . Naiinis ako sa kanila . Nagagalit ako sa kanila. Yan ang nararamdaman ko ngayon sa kanila . Bakit tila masaya pa silang dalawa sa nangyayare samin ni mama .. pumunta ako sa kalsadang dinaanan ng trysikel na sinakyan ni mama . Saglit akong tumayo doon , nakatitig ako . Parang naiisip ko parin na umalis si mama .
Habang nakatingin ako sa daan wala sa loob kong nasambit ang salitang
“Mama ” habang may pagpatak ng luhang kasabay .
Hanggang dito lang muna . Pasensya na sa mga maling type . May problema kasi ang cp ko . Intindihin nyo na lang po .
Salamat sa mga mambabasa .
*Please Do Not Copy this . Hirap kayang magsulat .
(Based on true story . Lugar at pangalan lang po ang iniba jan pero lahat yan ay totoong nangyare )
Next ? Part 4 ? Visit my timeline for more episodes . 😊
Author : Oh Ji Va






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top