Dito Sa Heart (fiction )


PROLOGO
Dito Sa Heart

Summer of 2018

“Seriously! Alice pumunta ka dito na ganyang ang itsura” bating panimula ni Sasha.

Umupo muna ako, kinuha ang tubig sa harap ni Sasha at ininum ” bakit anong problema sa suot ko white naman ‘to tsaka uniform ko ‘to sa trabaho ko” sarkastikong kong sagot.

Grand Reunion kasi sa School namin ng High school at ang tema ay black and white at ako pumunta sa event na suot ang nursing uniform ko, Ano magagawa ko kasi kakaout ko lang at dumiretso na ako dito.

Habang naka upo pinag masdan ko yung paligid wala paring pinag bago ang tanging bago ay bagong pintura ang buong Bagong Bayan High School .

“Alice, wala ka bang balak mag palit ng suot, tignan mo yung mga tao naka formal wear tapos ikaw naka nursing uniform ” sabat ni Lucas na fiance ni Sasha

” hayaan mo na yan sya Papa bear ” nag tatampong sabi ni Sasha

Napangisi ako nung narinig kong tawagin ni Sasha
na Papa bear si Lucas

“ano tinatawa mo dya” galit na sabi ni Sasha

” wala po MAMA BEAR ” sabay kuha ko ng dalawang paper bag sa paanan ko.

” Saan ka pupunta? ” tanong ni Lucas nung tumayo ako

“magpapalit, kinahihiya nyo yung nurse nyong kaibigan ” inangat ko yung paper bag na hawak ko. tumayo rin si Sasha pero sabi ko kaya ko ng mag isa.

Pumasok na ako sa isang cubicle sa CR at nag palit ng dress na black na espesyal na binili ni Sasha sa akin para sa event na ‘to. Kaya ganun yung mukha nya kanina naka simangut na kala mo nakakain ng kamyas .Siguro akala nya hindi ko na appreciate yung effort nya.

Wala naman akong balak na pumunta dito kung dilang ako pinilit nila Sasha.

Pagkalabas ko humarap ako sa malaking salamit

“dina masama” sabi ko sa sarili, nilabas ko yung pulbo sa bag ko at suklay nilapag ko sa may gilid ng lababo.

Nag hihilamos ako ng narinig ko na bumukas ang pinto may babaeng lumapit din sa salamin. Ako nag patuloy lang sa pag hihilamos. Nang biglang nag salita yung babae.

‘ Alice right ”

Nag punas muna ako gamit yung panyo ko.

” yes ako nga” sabi ko

Tumigil sya sa pag lalagay ng eyeliner at hinarap ako.

“Abby “sabi nya habang tinuturo turo nya ang sarili

“Abby “ilang seconds pa bago mag download sa utak ko yung name nya.

” ah! Abby yung SSG president ” sabi ko ng naka ngiti

“Now you remember ” ngayon naman nag lalagay sya ng lipstick na red sa lips nya naka nguso pa.

” diba close kayo ni Denver musta na sya, since kasi nung graduation nung batch namin di ko na sya naka usap? ”

Tapatigil ako sa pag lalagay ng pulbo sa mukha ko.

” patay na sya ” malungot ko sabi

Sa gulat nya sa sinabi ko lumampas yung lipstick nya.

“joke lang ” sabay tawa...


ko ng mahina ” una na ako Abby” pag papaalam ko.

Babaeng ‘to hanap ba ako ng mga lalaking nilandi nya nung high school. Hindi pa ata na ka move on, hindi naman naging sila.

Habang palapit ako sa table namin napansin ko tatlo na sila. Mukha dumating na si Naeem. Pag kalapit ko hinalikan ko sya sa cheek.

Habang papaupo naka tingin lang sa akin sila Sasha at Lukas.

“bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng hinalikan sa cheek ang boyfriend nya ” natatawa kong sabi

Yung mga mukha nila parang gulat na gulat yung tipong parang nakakita sila ng multo.

Tumingin ako kay Nae……Hindi naman sya si Naeem
na wala yung ngiti ko napalitan ng gulat at pag kahiya. Tumingin ako Kaila Sasha pero umiwas sila ng tingin. Bumalik ako ng tingin sa taong katabi ko naka hawak yung isang kamay nya sa cheek nya na hinalikan ko.

“Denver ” mahinang sabi ko sa sarili ko

Walang nag sasalita sa aming apat ng biglang may nag ring na phone.

“phone ko yun”sabi ni Denver ” Excuse me” tumayo at nag hanap ng tahimik na lugar.

” Sasha, Lucas alam nyo ba na pupunta dito si Denver?”

Nag katinginan lang silang dalawa nilabas ni Lucas yung wallet nya may kinuha sya at inabot ito sa akin isang business card.

Binasa ko “Lance Wonderland, photo studio ”

“Ano kinalaman nito kay Denver? ” tanong ko

Humingang ng malalim si Sasha ” Ganito kasi…. ”

Mag sasalita na sana si Sasha ng makita ko palapit na si Denver. Hindi ko maintindihan basta tumayo ako at nag lakad papalayo sa lugar na ‘to, papalayo kay Denver.

Narinig ko pa yung boses nila Lucas at Sasha na tinatawag ang pangalan ko. Hangang malabas ako ng school.

Bakit ba ang layo ng sakay dito?

Yung kanina ako lakad naging takbo na.

Bakit ba ako ang tumatakbo ngayon, hindi naman ako yung ng iwan ?

Sabi ko nun sa sarili ko kaya ko sya harapin. Wala naman akong kasalanan, sya dapat ang umiwas sa akin.

Napatigil ako sa pagtakbo ,hinabol ang hininga ko

“Alice”

Lumingon ako si Denver, sinundan nya pala ako

Tama Alice harapin mo sya, wala kang kasalanan,sya mayron.

” bakit mo ako sinundan? ” galit kong sabi

Tumingin lang sya sa akin

” because I still love you ” sabi nya

Ano? hindi pa rin sya naka move on sa beauty ko.

Napatulala ako sa sinabi nya, hindi ko na malayan na naka yakap na sya sa akin.

“mahal pa rin kita Alice Heart ” sabi nya habang nakasubsob ang mukha nya sa balikan ko.

Nababasa yung balikan ko umiiyak ba sya.

“Gago ka Denver Lance, tapos mo akong iwan ngayon sasabihan mo mahal mo ako” yung luha na kanina ko pa pinipigil tuluyan ng kumawala.

Sa anim na taon na hindi ko sya nakita,
Akala ko nakalimutan ko na sya.
Akala ko nakalimutan na sya ng puso ko.

Nag kamali ako mahal ko pa rin sya.






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. Milona N. Raymundo

    Next no nga bitin is.

  2. kabitin nmn.ala b next

  3. Next po

Leave a Reply


top