Embracing The Darkness Kabanata 14


Halos masamid naman ako kay Caspian. Nakagago. Si Marg naman ay umirit-irit pa at puro hagikhik habang kinukurot ako sa beywang.
“Napakabastos mo!” Kunwareng inis na sabi ko kahit deep inside gusto ko ng ipanguya kay Caspian iyong pandesal aba indirect kiss din iyon. Natawa naman ako sa naisip at palihim na sinusulyapan ang binatang nakikipagtawanan kay Marg. Kung tutuusin sobrang tiba-tiba na ko sa lalaki kung tatanggapin ko ang alok niya. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa sarili ko.
Diyos ko! Marupok ako sa gwapo!
After ng ilang oras ay umalis din si Caspian babalik na lang daw siya at may trabaho pa daw siyang kailangang asikasuhin. Nakakahiya nga eh kasi napuyat pa siya. Habang ako at si Maharot ay umuwi na din para magpahinga at maglinis din ng katawan. May nagbabantay naman kay Marie at huwag niyo ng itanong kung sino kasi sumasakit ang anit ko kapag naaalala ko ang tagpo kanina.
2 hours ago…
Nanlalagkit na ko gusto ko ng umuwi at sumama kay Maharot. Sabi din naman ng nurse pwede na kong umuwi si Caspian lang ang OA at gusto pang ipaconfine ako pwede naman pero sana sa puso niya. Charot. Kaya naman itinext ko ang nag-iisang taong maasahan ko sa ganitong pagkakataon.
To: Jologs
Oy Jologs punta ka dito sa Manila Hospital kung free ka pleash pasuyo na
From: Jologs
Ha! Bakit napanu ka😭💔
To: Jologs
Wag kang OA pabantay naman kay Marie tsaka ko na ikwento dito kelangan ko kasi umuwi din pramis ilang oras lang
From: Jologs
🚘
To: Jologs
🙄 ediwow kala mo talaga may car🙄 Room 23 2nd flr
At iyon nga ilang minuto lang may hinihingal na pumasok sa kwarto ko. Nilibot niya ang paningin sa amin at huminto ito kay Caspian na may subo pang straw ng chuckie. Akalain niyo iyon mahilig si Caspian sa pambatang chocolate drink halos mamatay nga kami ni Marg kanina ng ilabas niya iyon sa paper bag na dala din niya.
“Nyino ka?!” Maangas na tanong ni Jologs kay Caspian at si Caspian naman ay kunot noong tumingin kay Jologs na nakaduro pa kay Caspian.
“What?” Tanong ni Caspian na nagpatawa sa amin muli ni Maharot. Laughtrip ito kaya pinanood ko lang silang dalawang magsagutan.
“Nyabi ko nyino ka?! Nyinaktan mo ba nyi Kwenda ha?!” Galit na tanong ni Jologs.
“Minumura mo ba ko?” Inis na tanong ni Caspian na mukhang gulong gulo na.
“Seriously what kind of language is that Kendra? Never heard it before.” Dagdag pa ni Caspian na akala mo may malaking problemang pasan.
“Nyont enyis enyis me nyam nyilinyino nyat nyisoy nyam nyinoy!” (Don’t english english me I’m Filipino not tisoy I’m Pinoy) Seryosong ani ni Jologs na nagpahagalpak lalo ng tawa sa amin ni Maharot dahil pamilyar sa amin iyon rap iyon eh. Galit na tumayo naman si Caspian at nilapitan si Jologs. Napalunok si Jologs ng makita niya kung gaano katangkad si Caspian.
“Stop talking you alien!” Akmang aambahan ng suntok ni Caspian si Jologs kung hindi ko lang napigilan. Diyos ko muntik na! Si Jologs naman ay natumba sa kinatatayuan niya.
“Tama na Caspian! Napakabad mo talaga!” Sabi ko sa lalaki habang yakap ko siya sa may baywang na ayaw magpaawat pa at halatang asar na asar pa.
“Seriously kinakampihan mo iyang alien na iyan?” Inis na sabi sa akin ni Caspian. Susmaryosep napakabango naman ng malaking baby na ito. Amoy na amoy ko ang fabcon at perfume na pinaghalo sa polong suot ng binata.
“Hindi siya alien okay. Tropa namin iyan. Team yagit ganoon! At ngongo siya huwag kang judger Attorney talagang mahirap lang intindihin sa una pero magagamay mo din kapag narinig mo na parati.” Paliwanag ko kay Caspian na kunot-noo pa din na parang kulang ang paliwanag ko.
“Bingot. Ngongo. Cleft palate. Gets?” Nanlaki naman ang mata ni Caspian at agad tumingin kay Jologs na masama ang tingin kay Caspian. Hindi kasi halata sa mukha ni Jologs since natahi na kaso hirap pa din siya magsalita.
End of flashback.
So iyon nga ang nangyari. Hiyang-hiya ang Attorney niyo tapos si Maharot naman ang nagkwento kay Jologs ng nangyari. Kaya ayon nahiya din si Jologs sa pambinbintang kay Caspian. Pagod na humiga ako sa kama ko at mayamaya naman ay lumabas na ng banyo si Maharot at bagsak din na nakatulog. Lowbat ang lola niyo sa kaingayan. Mayamaya din ay hinila na ako ng antok. Nagising na lang ako sa tunog ng cellphone ko kabadong dinampot ko ito ng makitang si Jologs pala ang tumatawag.
“Anong nangyari?!” Bungad ko agad kay Jologs.
“Nyala. Nyil nyelangan inyetel ang nyil.” Ani ni Jologs. (Wala. Kailangan isettle ang bill.)
“Ano? Putcha itext mo na nga lang Logs.” Sabi ko sabay patay sa tawag. Wala na sira na ang tulog ko. Hindi ko na nga naintindihan ang sinabi ni Jologs dahil sa sobrang antok pa.
Jolo Dimaguiba
Chat: Bill sabi ko bingi mo Kendra wala ko lowd kaya dito ko na nisend ito resibo laki Kendra san tayo kukuha nyan😭😢
Nawala ang antok ko ng makita ang sinend na picture na resibo ni Jologs. Tumataginting na 250,000 pesos! 10,000 nga wala ako iyan pa kayang 250k. Pumasok naman si Maharot na may twalya pa sa ulo at may hawak na sandok.
“Bakit? Para kang natuklaw ng ahas diyan beshie.” Wika sa akin ni Maharot. Kaya naman nanghihinang inabot ko sa kaibigan ang cellphone ko.
“Ano iyan? Latest chicka beshie? Oh latest scandal? Naku sinasabi ko sayo beshie ha—Ha anong 250,000 ano ito?! From Manila Hospital Bill! Ano bill ito ni Marie?!” Gulat na sabi sa akin ni Maharot at tumango naman akong nanghihina.
“Saan tayo kukuha ng ganoong halaga Kendra?! Grabe! Kahit magtrabaho uli ako kulang na kulang pa iyong sa sasahudin ko sa Lasang Pang—Tama! Tama Kendra! Maligo ka na bilis!” Maingay at nagmamadaling sabi sa akin ni Maharot habang tinulak pa ko papasok ng banyo.
“Ano bang plano mo Marg? Kung kalokohan iyan ah hindi ito ang tamang oras diyan. At kung binabalak...


mong magnakaw sa banko…bakit ngayon lang?”
“Gaga! Ikaw ang puro kalokohan beshie. Pupuntahan natin si Madam dahil siya naman ang may pakana nito. Tapos kapag umalma siya iblackmail natin na magsusumbong tayo sa pulis.” Suhestyon ni Marg. Na nagpalaki sa akin ng mata. Oo nga tapos wala pang 18 si Marie kaya talagang sasabit siya!
“Hoy Marg di ko alam na may tinatago ka talagang talino! Wait lang mabilis lang ito!” Ani ko sabay mabilis na nagbuhos.
Ilang sandali lang ay sakay na kami ng jeep para sumugod kay Madam.
“Pero kapag wala tayong napala siguro lulunukin ko ang hiya ko tapos mangungutang na lang ako kay Daddy Edward.” Biglang sabi ni Maharot na may lungkot sa mga mata.
“Akong bahala beshie kung hindi man effective itong plano natin may Plan B ako. Hindi mo kailangang mangutang sa sugar daddy mo tapos ano magmemessage na naman sa iyo mga anak niya ng kung anu-ano. At oo alam ko iyon naririnig kaya kitang umiiyak tuwing gabi.” Nakangiting sabi ko sa kaibigan na naluluha at malambing na niyakap ako.
Pagkababa namin ay sumalubong sa amin si Sakura na nakaupo sa labas at ngumunguya ng bubble gum. Tamad itong tumingin sa amin.
“Dayshift ka pa din?” Tanong ni Marg kay Sakura na tumango lang pagkatapos ay tumingin sa akin.
“Kumusta si Maalindog?” Tanong sa akin ni Sakura kaya naman bahagyang nagulat ako na interesado siya sa lagay ni Marie madalas kasi ay parang wala itong pakealam sa paligid.
Ngumiti muna ako bago sumagot, “Maayos na, nailipat na siya sa kwarto at baka bukas o makalawa eh baka magising na siya. Si Madam nga pala?”
“Sa loob. Pasok na lang kayo.”
Pagkapasok ay agad namin narinig ang galit na sigaw ni Madam.
“Ano?! Ang kapal din naman ng mukha mo! Sino ka ba?!”
“I’m Attorney Caspian Alexander Balthazar.”
Agad kaming nagkatanginan ni Maharot para puntahan sila. Anong ginagawa dito ni Caspian? Akala ko ba may trabaho pa siya?
“So now write down the name of your employee’s costumer last night. Or else you’ll be accused for being an accessory of the crime.” Maotoridad na ani ni Caspian kay Madam na nanlalaki ang mata sa takot.
Maging ako ay pinanlamigan ng kamay. Napakapowerful ng enerhiyang bumabalot kay Caspian. Lakas makaintimidate. Ganito ba talaga ang awra ng abogado? Gustuhin man naming sumingit ay hindi na namin ginawa baka mamaya ipakulong din kami ni Caspian.
“Here’s my i.d. And I’m working in this law firm. And this is my business card. You can check it and call the contact number.” Wika pa ni Caspian.
“A-Anong kailangan kong gawin?” Nauutal na ani ni Madam na nawalan ng kulay ang mukha matapos makita ang mga nilatag ni Caspian na i.d at papel sa may lamesa. Sobrang nakakagulat na makitang nagkakaganito si Madam I mean ni minsan hindi ko siya nakitang tumiklop. Matapang palagi ang postura ni Madam lalo na at bukas sa amin na maraming koneksyon at VIP costumers si Madam na malalaking tao.
“First write down the name of your employee’s costumer last night.”
Agad namang kumuha ng papel si Madam at nagsulat na nanginginig pa ang kamay.
“Second you’ll be the one paying for your employee’s hospital bill since it happened during her working hours. At ikaw mismo ang nagbigay ng costumer na iyon sa kaniya. Am I correct?”
Tumango naman si Madam.
“M-Magkano iyong bill?”
“Wait let me call Ken—Glad you’re here. Kailan pa kayo diyan? Alam niyo na ba kung magkano ang bill?” Tanong sa amin ni Caspian ng makita niya kami sa may pinto na kanina pa nanonood sa kanila. Kabado pero sumagot pa din ako.
“2-250,000.” Bulong ko.
“25,000? Sige ibibigay ko din mamaya.” Nakangiting ani ni Madam na halatang nakahinga ng maluwag.
“250,000 Madam! Six digits.” Sabat ni Maharot na nagpalaki ng mata ni Madam at tumayo pa ito sa gulat.
“A-Ano?! Kalokohan! Sige gawin mo ang gusto mo Attorney! Kukuha din ako ng lawyer! Hindi ako magbabayad ng ganiyang kalaking halaga. May utang pa nga sa akin ang batang iyon! Dapat talaga hindi ko na hinayaan si Manda na dalhin ang batang iyon dito dahil disesyete din—”
“So she’s only 17. Panibagong kaso.”
“18! 18 ang sinabi ko!”
“Let me make this clear, once na dalhin ko ito sa korte tinitiyak kong magsasara ang bar na ito. At iyong 250,000 na kaya mo namang bayaran dahil kasalanan mo din naman na kaya mo pa sanang bawiin at kitain ay wala na. Mamili ka babayaran mo ang hospital bill na 250,000 na mababawi mo din naman ng doble o triple pa o mas nanaisin mong magsara ang negosyo mo at hindi na kumita kailanman? Now choose.” Paliwanag ni Caspian. Kung pwede lang pumalakpak, papalakpak na ko. Nakahusay niyang magbanta ng walang kutsilyong hawak at magpaliwanag. Alam niyo iyon? Lakas maka-wow factor ni Attorney.
Gigil na kinuha ni Madam ang cellphone niya at may pinindot pindot.
“Transfer ko na lang. Bank account?” Tanong sa amin ni Madam na masama ang tingin. Si Maharot ang nagbigay ng bank acc number niya at dumating din naman agad ang text message ng pagtransfer ni Madam ng pera.
“Dinagdagan ko ng 10k iyan para sa iba pa niyang kailangan. Sana makatulong. At pwedeng mag-off ka muna Masarap. Tsaka ka na pumasok kapag okay na si Maalindog.” Nakairap na sabi ni Madam bago nagdadabog na nagwalk out. Natawa naman kami ni Maharot at natutuwa din dahil sa wakas tapos na ang problema namin. At utang na loob ko iyon kay Attorney na siyang unang kumausap kay Madam. Alanganin kasi din naman ako kanina dahil hindi ko alam kung papakinggan ako ni Madam. Buti na lang talaga. Nakangiting tiningnan ko si Caspian na nagpapasok ng i.d at papel sa briefcase niya at nakatalikod. Masayang niyakap ko siya sa likod at halata kong nagulat si Caspian sa ginawa ko.
“Salamat. Salamat! And yes, I will marry you Attorney.”
To be continued…
Omggggg keleeeeeeeeg😳 shanaol attorney😳 Haba ng update ko ha baka magreklamo kayong maikli pa






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top