Embracing The Darkness Kabanata 8


Embracing The Darkness🍁☪
📚Kabanata 8📚
Nag-init ang mukha ko sa narinig at agad tumango at hiyang-hiya ako ng makitang sumilip na nga ang dalawang utong ko. Dali-dali ko itong inayos at nagtatakbo na papuntang stage sa sobrang kahihiyan.
“Ang tanga-tanga mo talaga Kendra. Ipinakita mo kung kani-kanino ang kaluluwa mo gaga ka talaga. Alam nating pokpok ka pero virgin ka pa.” Ani ko sa sarili kong inis na inis. Sana naman ay na kami muling magkadaupang palad. Mukha namang bago pa lamang iyon dito.
Hanggang makarating ako sa stage ay lumilipad ang isipan ko. Ni hindi ko na naramdaman ang pagkahiya. Pagka-apak ko sa stage ay namatay lahat ng ilaw at tanging ang ilaw ay sa akin nakatutok. Agad naman akong nakarinig ng sigawan at palakapan. May iba pa ngang nagtanong kung bago at sino raw ba ako. Bumalik ang kaba ko pero ng maalala kong nakamaskara pala ko ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko lalo na ng mapagtantong hindi pala ko makikilala ng estranghero kanina dahil nga nakamaskara ako. Kaya naman napangiti na ako at nakalimutan ang dignidad na nawala kanina.
Pumikit ako ng madinig ang umpisang saliw ng kanta na kakantahan ko at inihanda na ang mic.
“A few stolen moments is all that we share
You’ve got your family and they need you there
Though I’ve tried to resist being last on your list
But no other man’s gonna do
So I’m saving all my love for you.”
Tahimik. Rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko. Kaya naman minulat ko at kahit madilim ay nakita ko ang mga mukha nila na halatang nagustohan naman ang pagkanta ko at may iba pa ngang nakapikit din at waring dinarama ang awitin ko.
“It’s not very easy living all alone
My friends try and tell me find a man of my own
But each time I try I just break down and cry
‘Cause I’d rather be home feeling blue
So I’m saving all my love for you.”
Napako ang mata ko sa pamilyar na pigurang iyon sa may bandang sulok na nakatingin sa akin habang umiinom ng alak. Siya iyong kanina kong nakabanggaan at unang nakakita sa mga utong ko. Diyos ko. May kasama itong tatlong lalaki at isang babae na nakatabi sa kaniya. Kinakausap ito ng babae ngunit wala sa babae ang atensyon kung hindi nasa akin. Napalunok ako at biglang nanginig ang tuhod ko. Gusto ko mang iiwas ang paningin ko pero para akong hinihigop ng mga mata niya.
“You used to tell me we’d run away together
Love gives you the right to be free
You said be patient just wait a little longer
But that’s just an old fantasy.”
Patuloy ako sa pag-awit habang nakikipagtitigan sa estranghero. Hindi ko alam kung nahahalata ba niyang nakatingin din ako.
“I’ve got to get ready just a few minutes more
Gonna get that old feeling when you walk through that door
‘Cause tonight is the night for feeling alright
We’ll be making love the whole night through
So I’m saving all my love for you
Yes, I’m saving all my love
Yes, I’m saving all my love for you.”
“No other woman is gonna love you more
‘Cause tonight is the night that I’m feeling alright
We’ll be making love the whole night through
So I’m saving all my love
Yeah, I’m saving all my lovin’
Yes, I’m saving all my love for you
For you
For you.”
Natapos ko ang awitin at isang masigabong palakpakan ang narinig ko maging ang lalaki kanina ay pumapalakpak din at tumayo po. Nagulat...


ako ng biglang umulan ng papel na pera galing ito sa mga parokyanong mayayaman na nasa harapan ko na ang karamihan ay may mga edad na. Alam kong nangyayari ito kaya nga maraming gustong kumantang kasamahan ko sadyang hindi lang sila pinagpala sa pagkanta. Ilang lilibohin ang nakita kong nasa lapag. Napatingin ako sa estranghero hindi ko alam kung bakit. Nakatayo pa din ito at ngayon ay nakapameywang na, na parang iritado.
Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko ngunit sa pagkakataong ito ay sinapo ko ang dibdib ko para hindi ako makitaan at isa-isa ko ng pinulot ang mga papel na pera. Narinig kong muli ang sigawan ng mga parokyano. Kung ganito ang tips na matatanggap ko gabi-gabi sa pag-awit tiyak akong makakaipon ako. Kulang-kulang sampong libo siguro ang nalikom ko. Matapos ay mabilis akong tumalikod at bumaba ng stage ngunit nakaabang na si Madam na ngiting-ngiti at pumalakpak pa.
“Tagumpay tayo. Magkanong lahat iyan mukhang nakarami ka ah?” Tanong ni Madam at kinuha sa akin ang pera at binilang ito sa harap ko.
“9,800?! Ito ang pinakamalaking tip sa pagkanta na nagyari dito.” Gulat na sigaw ni Madam sa akin.
Tamad ko siyang tiningnan bago ko kinuha ang pera sa kamay niya.
“Uuwi na ko maaga ngayon. Tinatanggap ko na ang alok mo.” Sabi ko bago tumalikod. Narinig ko naman ang masayang pagtalon ni Madam at pagyes niya pa sinabihan niya din ako na magpahinga ng maayos. Alam ko namang nakikita niya ko ngayong malaking asset ng bar niya kaya siya mabait sa akin.
Dumiretso ako sa counter para tanungin kay Cherry kung nasaan si Maharot para sabay na kaming umuwi pero agad akong kinabahan ng makita ko ang lalaki kanina na papalapit dito sa amin. Dali-dali akong pumasok sa counter at nagtago sa ilalim na ipinagtaka ni Cherry kaya namang umiling na lang ako at inekis ang mga braso ko sa kaniya.
“Who was your female singer earlier?”
Narinig kong may nagtanong kay Cherry at sigurado akong iyong lalaking nakabunggoan ko iyon agad kong kinurot si Cherry bago pa man siya sumagot.
“Excuse me? Naririnig mo ba ko?” Aning muli ng lalaki.
“Ha? Ano iyon?” Narinig kong pabebeng tanong ng bakla na mukhang tinamaan at sinipa pa ako ng bahagya nang muli ko siyang kurotin.
“I said sino iyong babaeng kumanta kanina?” Naringgan ko ng pagkainis ang boses niya pero magpaganoon pa man ay napakaswabe pa din ng boses niya.
Stop Kendra. Hindi mo siya type.
“Ah ako iyon. Bakit?” Sagot ng baklang malandi pa din ang boses.
“I want to table her.” Sabi ng lalaki na nagpaluwa sa mata ko. Hindi puwede, hindi puwede. Sa sobrang kaba ko ay may natamaan ako na nagcause ng malakas na ingay.
Omg hindi niya ko puwedeng makita. Lalong-lalo na ang itable. Kotang-kota na ko sa kahihiyan kaya naman nagawa ko ang isa sa pinakabobong paraan sa sobrang taranta.
“Meow. Meow. Meow.”paggaya ko sa pusa bago muling tinakpan ang bibig ko.
“Cat?”
“Ah hehe. Yes Sir. Pusa, pusa iyon. So Sir back to the topic gusto mo kong itable?”
“What? Why would I table you?”
“Because ako iyong singer. So I’m saving all my love for you… Kitams Sir. Ako nga iyong singer.” Pagkanta ng bakla at pinanindigang ako talaga siya. Tinamaan ang bakla susmaryosep. Sana naman ay kagatin ng lalaki ang sinasabi ng baklang si Cherry.
“Stop fooling around. You’re not her. Wala kang dede.”
To be continued…
Buo na ba gabi nyo?😆 Gumaganda na ba ang nangyayari sa Embracing the Darkness at Her Greatest Downfall?🤣 Meow meow😹 Saet wala daw dede🤭






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top