EMPYERNO


AUTHOR:Shela Mae
PA APROVE PO TANKS
Na imagine mo ba ang hitsura ng impyerno? Kung nanaginip ka ng tulad sa akin, maiisip mo bang may ibig sabihin ito? O ipapagsawalang bahala mo na lamang? Nangyari ba sa akin to dahil stress lang ako dahil isa ako sa nawalan ng trabaho sa mahabang panahon? O nagkataon lang. Lahat tayo, may kanyang kanyang panaginip. Karamihan,ang wierd. Pero hayaan mong ikuwento ko sayo ang kakaibang panaginip sa tanang buhay ko.
Ako ang tipo ng taong simple lang. Hindi mahilig sa social media. Madalas ako ang gumagawa ng gawaing bahay dahil si misis ang nagta trabaho. Madalas, madaling araw na ako makatulog dahil sa kakaisip ng mga problema sa buhay. Mas lalo akong nalungkot ng magkalayo kami ni misis. Stay in kasi ang naging trabaho nya bilang cashier sa isang grocery store at nadestino ito sa isang branch sa cavite. Kami lang ng dalawang anak namin ang naiwan sa bahay.
Isang gabi matapos kong maglaba, bandang ala una na ng madaling araw. Pagod kong inihiga ang katawan ko. Kasalukuyan ka chat ko si misis ng hindi ko namalayang nakatulog ako. Bigla akong nagising at bumangon ako dahil nakakaramdam ako ng pagka uhaw.
Pagbalik ko sa higaan, nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama. Nakahawak pa rin sa cellphone. Nakarinig ako ng sari-saring mga tinig. Naglakad lakad ako upang hanapin kung saan ito nagmumula. May nakita akong pinto. Agad ko itong itinulak at pumasok. Pagpasok ko sa pinto mas maraming nakakabinging boses na hindi ko maunawaan kong ano ang mga sinasabi. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa isang kweba, nang biglang may lumabas na demonyo. Malaki ang katawan. May tatlong ulo. Malaki ang katawan at kalahating ahas ang katawan. Pilit nya akong hinihila patungo sa kweba na ayon sa kanya yun daw ang pinto ng impeyerno, mabilis naman akong nakatakas.
Kakatakbo ko, nakarating ako sa baybayin. Tinatawag ako ng mga taong walang mukha na sumakay sa bangka. Na walang pag aatubiling sumakay ako sa bangka. Sa aming pag lalayag. Ay biglang kumulo ang dagat. Nawala ang mga kasama ko at bigla na lang ako nahulog sa malalim at madilim. Hindi ko alam kung gaano yun katagal ngunit naramdaman kong bigla na lang akong bumagsak. Ramdam ko kung gaano kasakit ang pag bagsak ko. Napalingon ako sa paligid. Nakaka pangilabot ang mga boses. Na naghihinagpis at humihingi...


ng tulong. Maraming umiiyak at nag mamakaawa humihingi ng tulong. Napalibot ako ng tingin sa pagtatakang nasaan lugar na nga ba ako. Anong klaseng lugar nga ba ito? Kulay apoy ang buong paligid lahat ng bagay ay umaapoy.
Nagpasya akong tumayo at naglakad lakad. Marami akong nakitang taong pamilyar sa akin. Humihingi na tulong. Marming nakakulong at inilalabas nila ang kamay nila sa rehas na apoy na parang gusto nila akong hilahin. Sobrang init sa lugar na to. Nais ko ng umalis sa lugar na ito ngunit hindi ko alam kung paano. Sa sobrang init sa pakiramdam. Tinignan ko ang balat ko dahil pakiramdam ko nalalapnos ako sa sobrang init. Ngunit walang pagbabago sa balat ko. Ang baho sa paligid. Amoy sinusunog na gulong. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng paghihinagpis.maraming dumaan na demonyo sa harapan ko. Bigla na lang akong dinampot na isa at ikinulong.
Hindi ko alam kung gaano ako nanatili sa loob ng kulungan. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko. Na para bang sagat hanggang buto. Nagdasal ako mg biglang may humila sa akin pataas. Hanggang nasilayan ang ang munting liwanag. Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang liwanag. Biglang lumiwanag ang paligid. Nakita ko ang lalaking nagligtas sa akin ngunit hindi ko masilayan ang mukha nya dahil sobrang liwanag. Ang ganda ng pakpak nya. Kulay transparent na ginto. Sinabi nya sa akin na umuwi na ako. Bumalik na ako sa katawan ko.
Bigla na lang nag iba ang senaryo. Nakatayo ako sa harap ng katawan ko. Nakikita ko pa rin ang sarili ko. Nakahiga sa kama. Katabi si kamatayan. Nakaramdam ako ng tila hinihigop ang sarili ko. Saka lamang ako nagising. Tinitignan ko pa rin ang paligid ko. Kung nasa paligid pa rin si kamatayan. Subalit wala na kong makita. Pag tingin ko sa hawak kong phone,nakita ko ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Na parang pagod na pagod ang katawan ko. Hingal na hingal.
Hanggang ngayon. Kahit ilang linggo na ang nakalipas. Parang totoo talaga lahat ng mangyari sa akin. masasabi ko po sa inyong, kahit sa panaginip lang yun, mararamdaman mo ang sobrang takot. Siguro, may tatlong beses ko na po itong napanaginipan. Pare parehong senaryo lang po. Hanggang dito na lamang po.
Maraming maraming salamat po sa oras ninyo. Sa pagbabasa ng aking kwento. Paalala. Huwag kalimutang nagdasal palagi. God bless
Marcus.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top