eyes of eternity
Genre: fantasy
Author: cloverdeffudil
“Erowah, wake up! We need to leave right now!”
Inaantok man ay pilit kong minulat ang mga mata. Nung una ay malabo pa ang mga nakikita ko hanggang sa luminaw ang paningin ko at nakita ko si Mama na iniimpake ang mga gamit. Nang matapos siya sa ginagawa ay lumapit siya sa akin dala ang malaking case na pinaglagyan ng mga gamit at basta niya na lang akong kinarga. Hindi ko pa man naibubuka ang bibig ay namalayan ko na lang na nasa labas na kami ng palasyo. Hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil sa ekspresyon at ayos na nakikita ko kay Mama. May punit ang laylayan ng kaniyang gown at magulo ang kaniyang buhok. Tagaktak din ang kaniyang pawis at para bang kagagaling niya lang sa pakikipaglaban.
“Mama . . . ”
“I do not know if this is the right time to tell you this. Erowah, what is happening now is less than half of what will happen in the future. I want you to remember this word ”
Even though I was confused, I tried to insert it into my brain and take it one by one to understand.
“S-stone”
“Hu?”
I would have asked more questions but the shots coming from the sky caught my attention.
Paglabas namin ng palasyo ay bahagyang bumuka ang bibig ko sa pagkamangha dahil may liwanag na nagmumula sa kalangitan na siyang nagbibigay ganda sa buong paligid. Pero nagtaka ako nang biglang takpan ni mama ang mga mata ko gamit ang kaniyang kamay.
“M-mother. . .”
“Shhhhhh, can you pretend to be asleep?”
Gusto kong itanong kung bakit pero mukhang hindi ito ang tamang sitwasyon para dun. Kahit na labag sa loob ko ay ginawa ko na lang. Ipinikit ko ang mga mata hanggang sa maramdaman ko ang malakas na hangin na para bang na sa ere kami dahil ramdam ko ang bawat hampas ng pakpak ng aking ina at ang bawat pag-angat naming dalawa.
Habang pataas ng pataas ay mas lalong lumalakas ang tunog na naririnig ko. Tunog na parang may sumabog, kalansing ng espada at sigawan ng mga taong naglalaban.
“Get the Queen and Princess!”
“PROTECT THE QUEEN AND PRINCESS!”
Boses iyon ni Vassel, ang isa sa mga pinagkakatiwalaang kawal ng hari, ang aking ama.
I hugged Mom. Now I understand why she wants me to just pretend to be asleep. I’m afraid of what might happen but I could not do anything because I’m a just a child.
Mas lalong bumibilis ang pagtaas namin.
“No!”
Kusang bumuka ang mga mata ko nang sumigaw si Mama. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at bumuka ang bibig ko sa nasaksihan. Mama’s white wings are blazing but despite everything she is still flying to protect me.
Ginawa niyang panangga ang kaniyang pakpak upang hindi ako matamaan ng fire ball.
“D-don’t looking at me like that. I’m fine okay?”
“M-mother”
Bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero tiningnan niya lang ako na walang emosyon. Alam kong napapagod na rin siya pero mas pinili niyang itago iyon dahil sa mga oras na ito ay wala siyang ibang iniisip kundi ang kapakanan ko.
“Mother, is everything going to be alright right?”
“Yes”
“Please, don’t leave me no matter what happen”
Hinintay ko ang sagot niya pero nanatili siyang tahimik.
Narating namin ang tuktok ng Mt. Huwagon, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo dahil isa itong mahiwagang tirahan ng mga diwata at anghel na halos lahat ng makikita mo ay kumikinang. Ang mga puno, bulaklak, ilog, at maski ang mga bato ay mahiwaga sa ganda. Para itong paraiso na hindi kayang puntahan ng kahit sino. Isa rin ito sa mga sinasabi nilang lagusan papunta sa kabilang mundo.
Pangalawang beses pa lang akong nakapunta rito at tandang-tanda ko pa iyon nung limang taong gulang pa lamang ako.
Nang malapit na kaming lumapag sa lupa ay maingat akong binaba ni mama samantalang si mama ay tuluyan ng ng naubusan ng lakas na siyang dahilan ng pagbagsak niya sa lupa
“Mother!”
“Erenieyah!”
Bago pa man ako makalapit ay dumating na ang mga anghel at diwata upang tulungang makatayo si mama. Tuluyan ng nasunog ang kaniyang pakpak at walang tigil sa pag-agos ang dugo mula sa kaniyang likod, sa parte kung saan nakapuwesto ang kaniyang pakpak.
“Kapag nalaman ito ng Bathala ay siguradong mapaparusahan tayo sa pagtulong sa kaniya”
Kusang bumagsak ang balikat ko sa binanggit ng isang anghel.
“Manahimik ka Seca! Talaga bang mas iisipin mo ang iisipin ni Bathala kaysa sa kalagayan ng kapuwa natin anghel?!”
Depensa naman ni Reyana, ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Mama.
“Sino ba ang mas mataas? Ang Bathala o ang anghel na nagtraydor sa sarili niyang tungkulin? Makasalanan siya at sa gagawin nating pagtulong ang magdadala sa atin sa kapahamakan!”
Kumuyom ang kamao ko at sa mga sandaling ito ay parang gusto ko ng sumabog sa galit.
“Walang nagsabi sayo na tumulong ka. Kung ayaw mong tumulong, manahimik ka na lang”
“Tama si Seca, Reyana. Sa simulat sapul ay alam niyang isang malaking kasalanan ang makipagrelasyon sa isang demonyo pero ginawa niya pa rin”
Sabat naman ng isang anghel na katabi ni Seca.
“At ang hayaan siyang mamatay ay ayos lang sa inyo? Matatawag bang kabutihan ang panoorin siyang mamatay? Ang hayaan siyang mamatay ay higit pa sa kasalanang ginawa niyang pagpapakasal sa isang demonyo!”
“Kumalma kayong tatlo. Mas lalong lumala–”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak ko ang dalawang anghel na kuntra sa pagtulong kay mama. Ang lahat ay nagulat dahil sino nga ba namang bata ang kayang patalsikin ang dalawang anghel sa isang tulak lang.
Pinagtutulak ko lahat ng mga sinusubukang lapitan si mama.
” Do not touch my mother! I do not allow you to touch my mother! You angels are the real devil! My Father is kind! My Mother is not a sinner! Being a demon does not mean being a bad person! Marrying a demon does not mean being a sinner! If my parents are bad, what am I? Who am i who brought half their blood?!, I’m a cursed child right? I-if being a child of the devil and a sinner is a curse then do you see me as a cursed child?! Am I a flood to everyone?! Is that why all the people are trying to kill me?! Am I a cursed child? Am i?! Am i?! Am i?!”
“E-erowah”
“Don’t touch me!!!!”
Buong lakas kong sigaw at tinabig ang kamay ni Reyana nang tangkain niyang hawakan ako.
Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko at parang gripo sa pagbuhos ang mga luha ko.
“H-how could an angel say that in front of a child like me?”
“E-erowah”
Napalingon ako sa kinaroroonan ni mama nang magsalita siya. Agad ko siyang nilapitan at tinulungang tumayo.
“Mother”
“P-please calm down. I’m fine okay?”
Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko nang pinilit niyang ngumiti sa kabila ng paghihirap na nararamdaman niya.
“Anong nangyayari rito?”
Nabaling ang atensiyon namin sa matandang lalaki na may mahabang bigute na kulay puti, mahaba rin ang kaniyang...