Falling in love with a gangster


Written by: Miss Jee 🖤
Hi, ako nga pala si Marites. 14 years of age at naniniwala sa kasabihang, “Ang katamaran ay mahirap kalabanin kaya kampihan nalang natin.”
Bagong lipat lang kami rito ng nanay ko sa Kaliwa-kanan street kasi maganda ako.
Habang naglalakad ako, I’m walking pala. Nakayuko ako habang naglalakad kasi maganda ako, char hinahanap ko ‘yung itim na black ballpen ko. Excited na excited kasi akong magpa-autograph sa crush ng bayan dito na si Coconi Martin.
Habang hinahalungkat ko yung bag ko ay nabangga ko ‘yung bulldozer, char ‘yung tao pala. Nalaglag yung bag ko at nahulog ‘yung maraming laman nito na liptint, pulbo, ballpen, at napkin. Marami na ‘ yun. Agad ko itong pinulot nang magsalita ‘yung nabangga ko.
“Tulungan na kita.”
“Ah’ wag na, kaya ko na ‘to. Sorry pala at nabangga kita.” Tugon ko sa kaniya habang hindi pa tapos sa pagpulot ng gamit ko.
“Edi ‘ wag! Kilalanin mo kung sinong binabangga mo, ha?”
“Mga pinsan ko nga di ko kilala tas kilalanin pa kita.” Tugon ko pagkatapos ay tiningnan na siya nang diretso nang matapos ako sa pagpulot ng gamit ko.
Napanganga ako at tumigil ang mundo ko nang masilayan ko ang maamong mukha ng nabangga ko.
“Coconi Martin?” Tanging nasambit ko lang habang nakanganga at nauutot na sa kaba.
“Ah,yes? Do I know you?”
” Waahhh! Sino ba namang hindi makakakilala sa’yo? Sa wakas, nakita rin kitaaa! Picturan mo’ko bilang remembrance, bilisss!”
Nataranta akong ibigay ‘yung cellphone ko para...


kunan ako ng picture.
“Okay ka lang? Ako yung gwapong idolo mo tas ikaw kukunan ko ng picture?”
Tumango lang ako at sumunod naman siya nang marinig namin ang nagtitilian na mga babae sa amin. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa wrists tsaka hinila habang tumatakbo papalayo sa mga babaeng naghahabol sa kaniya.
Simula nun, lagi na kaming nag-uusap,nagkukwentuhan at nagtagal ‘yun ng 1 year. Ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil finally, kami na! Akin na ang lalaking pinapangarap ng maraming babae. Bwahhaha
Btw, may date kami ngayon. Andito na’ ko sa tapat ng bahay nila at ang tagal lumabas kaya nagscroll muna ako sa fb nang makita ko ang isang post na labis na ikinalugmok ko.
TOP 5 MANLOLOKO
1.C
2.J
3. D
4.R
5.S
Lumabas na si Coconi Martin at nakita niya akong umiiyak.
“Honey babe baby darling sweetheart, anyare? Why is you cry?”
“You are liar to me now! *sob* tingnan mo to at huwag ka ng magpaliwanag pa! Tapos na tayo!”
Ipinakita ko sa kaniya ang post na ‘yun sa kaniya.
“Honey babe baby darling sweetheart, that’s fake news! That’s scammer alert! Believe me, Honey babe baby darling sweetheart.”
“No! Nakita mo naman, hindi ba? Top 1 ka sa mga lalaking manloloko! *sob* tama na! Malaya ka na. Huwag mo na akong habulin pa. Friends nalang tayo, okay? Paalam, Honey babe baby darling sweetheart.”
Humahagulhol ako papalayo. Actually, magkapitbahay lang pala kami kaya lumiko lang ako konti at pumasok na sa bahay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top