Kinaumagahan na nagising si Rodney. Hindi na siya nakakain kagabi dahil hindi siya nagigising sa kabila ng ilag beses na pagising sa kanya ng kanyang kapatid na si Leslie.
Bumangon at saka inayos saglit ang kama. Nagtungo ng banyo para maghilamos. Natigilan siya nang maalala si Viel. Mabilis niyang tinungo ang kwarto ni Leslie at kinatok.
” Leslie…. Gising ka na ba? Leslie…” pero hindi pa nagigising si Leslie.
Iginiya niya ang kanyang mga mata sa buong sala na nasa unang palapag ng kanilang bahay. Wala siyang makita na bulto ng bata.
” Nasaan na ang batang iyon?” Tanong niya. Saka niya naisip na baka umalis ito at tumakas.
Dali dali siyang tumakbo palabas ng bahay. Nakabukas ang maliit na pintuan ng gate.
” Na letse na!” Matigas nyang saad saka tumakbo papuntang gate.
” Kunin mo yung tsinelas ko!” Sigaw ng isang bata kay Viel.
Naroon ang tsinelas nito sa itaas ng puno.. Nakisali kasi si Viel sa kanya habang naglalaro. Nabagot yata ang huli kaya naisipang lumabas para maglibang. Hindi rin naman siya makakalayo kay Rodney dahil ang layo ng lugar kung nasaan siya ngayon.
” Kunin mo!” Galit na sigaw ng bata sa kanya.
Tahimik lang si Viel at matamang tinitingnan ang batang galit kung makautos sa kanya. Sakto namang dumating si Rodney.
” Hoy! Anong meron?” Singhal niya sa dalawang bata.” Ikaw? Bakit ang aga aga nandito ka sa labas? ” Baling niya kay Viel.
” Yung tsinelas ko!” Tinuro ng bata ang tsinelas nito na nasa itaas ng puno.
Tumingala si Rodney. Medyo mataas ang kinalalagyan ng tsinelas.
” Sandali,kukunin ko!” Sabi niya. ” Ikaw talaga..ke bago bago mo lang rito,gumagawa ka na ng eksena.” Si Viel ang sinabihan niya.
Nagsimula siyang umakyat sa puno. Dahan dahan hanggang sa malapit na siya sa tsinelas.
” Heto na. Saluin mo!” Sabi niya sa batang may ari ng tsinelas. Saka inihagis papunta rito.
Pagkasalo ng bata,umalis agad ito nang hindi man lang nagpapasalamat.
” Lokong batang iyon,ah. Hindi man lang nagpasalamat.” Anas niya. Saka pababa na.
Pero hindi pa man nakababa at medyo mataas pa ang kinaroroonan ni Rodney,bigla siyang nadulas at nahulog. Nagkasugat sa bandang kanan ng braso niya.
” Aghh….” Daing niya.
” Ok ka lang po?” Tunay namang nag alala si Viel nang makita niyang pumangit ang mukha ni Rodney dahil sa sakit na natamo.
” Kasalanan mo to! Kung hindi mo inihagis yung tsinelas nung bata,hindi sana ako umakyat at nahulog!” Bulyaw ni Rodney.
” Eh,hindi naman po ako ang may gawa nun. Siya po yun. Naglalaro po kasi kami kanina ng hagis hagisan ng tsinelas. ” Paliwanag ni Viel.
” Ano?! Bakit hindi mo sinabi sakin agad! Sana pinabayaan ko na lang yon! ”
Pero huli na ang paliwanagan. Nahulog na siya at nasugatan ng pagkahaba haba.
Pumasok sina Rodney at Viel sa loob ng bahay. Kakagising lang rin ni Leslie.
” Kuya,kumatok ka ba kanina?” Tanong nito.
” Hindi!” Padabog na sagot ni Rodney.
” O? Bakit galit ka? May nangyari ba?” Saka napansin ni Leslie na dumudugo ang braso ni Rodney. ” Kuya…ano bang nangyari? May sugat ka? At saka ang lakas ng daloy ng dugo. ”
” Wala ‘to. Ako na ang bahala rito.”
Sanay si Rodney sa mga sugat na matatamo. Delikado ang trabaho niya at kasama ron ang pagkasalalay ng buhay nita. Pwedeng makapatay o siya ang mamatay. Kaya ang sugat na natamo niya ngayon ay maning mani lang sa mga sugat at pasa na natatamo niya kapag sa trabaho.
Pumasok si Rodney sa silid niya at ginamot ang sarili.
” Lokong batang iyon,ah. Hindi man lang nagsalit bago ko inakyat ang punong iyon.” Bulong niya.
Nagluto si Leslie ng almusal nila. Kahit na nasa wheel chair siya ay hindi sapat na dahilan iyon para hindi magawa ang pagluluto. Namumuhay pa rin siya ng normal sa kabila ng kanyang sitwasyon.
” Magiging ok lang po ba siya?”
” Oo naman. Malakas yata papa mo. Sugat lang naman yon. Kaya huwag kang mag alala sa kanya.” nginitian pa ni Leslie si Viel.
Matapos makahain,sabay sabay na kumain ang tatlo. Kahit papaano,masaya pa rin si Viel dahil may kasalo sa pagkain. Namimis na niya si papa Larry niya pero wala siyang magagawa kundi ang masanay na wala na muna ito sa kanyang tabi.
” Kuya…bili ka naman ng ice cream mamayang hapon. Hindi nako nakakain non.” Paglalambing ni Leslie sa kuya niyang...