Fathers and son Part 12


Dahil sa tama ng baril ni Rodney,napilitan si Larry na dalhin siya sa hosital para matanggal ang balang nabaon sa kay Rodney. Iba ang kanilang idinahilan sa mga doktor para hindi sa kanila magduda. Mabuti na lamang at natyempuhan nilang mabait ang doktor na nalapitan nila.
Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa hospital, makakauwi na sina Rodney at Larry. Iniwan kay Yssa si Viel. Na masayang masaya naman dahil muling nakita ni Yssa ang bata.
” Alalang alala ako sayo,Viel. Mabuti naman at ligtas kang nabawi ng papa mo.”
” Opo maam.”
” Dumito ka na lang kaya sakin,para naman hindi ka na nadadamay pa sa gulo ng mga matatanda.” Suhestyon ni Yssa sa bata pero tumanggi ito.
” Gusto ko pong kasama si papa,maam. Matagal ko rin kasi siyang hindi nakasama.”
” Sabagay. Pero pwede ka naman niyang dalawin dito.”
” Ok lang po ako maam. Matapang po mga papa ko. ”
“Mga papa?” Gulat na gulat naman si Yssa sa sinabi ni Viel.
” Opo. Dalawa na po kasi silang nagtatanggol sakin.” Sagot niya. ” Kaya huwag po kayong mag alala. Ligtas po ako sa kanila.”
” Si..ge..ikaw ang bahala. Pero kapag nagbago isip mo,bukas ang bahay ko para sayo.”
” Opo. Salamat po.”
Samantala sa hospital,
” Umuwi na tayo. Gusto ko nang makita ang anak ko.” Tukoy ni Larry kay Viel.
” Saan ka kumuha ng perang pambayad dito sa hospital?”
” Malamang! Sa perang pinag aagawan niyo ni Chairman. Saan pa nga ba ako kukuha?”
Tahimik lang si Rodney.
” Tara na. Umalis na tayo.” Naunang maglakad si Larry sa kanya.
” Sandali!”
” Bakit?”
” Hindi mo ba itutulak ang wheel chair para sakin? Masakit pa yong sugat ko.”
” Hayytss..hindi ko alam kung bakit kailangang gawin ko pa to sayo. Ikaw naman ang may kasalanan.”
” Dali na! Kung kaya ko ba,hihingi pa ba ako ng tulong sayo?”
” Nagbago ka na yata,Rodney. Noon,ikaw lang ang gumagamot sa sarili mo. Bakit ngayon,parang nakikitaan ka na ng kahinaan ng loob? Ano bang nakain mo?”
” Dami mo pang satsat. Dali na. Ipagtulak mo na ako. Kapag malaman ng anak mo ,ito..talagang magtatampo yun sayo.”
” Aba….at ginawa pang tagapagtanggol ang anak ko.” Mapaklang ngiti ni Larry sa kanya. ” Hu…kung hindi ka lang malakas sa anak ko,pinabayaan na kiya.”
Walang nagawa si Larry kundi ang ipagtulak si Rodney. Pagkakuha ng taxi sa labas,inalalayan pa niyang tumayo ito at makapasok sa loob ng dahan dahan. Samantalang kinuha naman ng isang staff ng hospital ang wheel chair. Naiinis man si Larry pero wala siyang pagpipilian.
” May dadaanan muna tayo.” Wika ni Larry. Dadaanan nila ang bahay ni Yssa parang kunin si Viel.
” Pwede bang dumiretso na muna tayo sa bahay mo. Gusto ko munang magpahinga. Nawawalan na ng bisa ang anestisya na itinurok sa akin. Nangingirot na yung sugat ko.” Hiling ni Rodney.
” Sandali lang tayo. Kukunin ko lang si Viel kina Yssa.”
” Sinong Yssa? Asawa mo?”
Tinitigan ni Larry si Rodney. ” Ano bang pinagsasabi mo? ”
” Nagtatanong lang naman ako. Sino ba siya? Asawa mo ba?”
” Hindi ko asawa yon. ”
” Eh,sino nga…” Pangungulit ni Rodney.
” Wala ka nang pakialam! Baka papatayin mo lang siya.” Anas ni Larry.
Si Rodney naman ang tumahimik. Nag flash back tuloy sa isip niya ang ginawa niya noon kay Estela.
Tinawagan na ni Larry si Yssa bago sila makarating sa bahay nito. Pero hindi pinahinto ni Larry ang taxi sa lugar mismo ng bahay niya para masigurong hindi makilala ni Rodney ito. Mahirap na kasi.
” Dumito ka muna. Susunduin ko lang si Viel. Kung gusto mong umalis,bahala ka. Tapos na obligasyon ko sayo. Sapat na ang ginawa ko sayo ng ilang araw para tapatan ang pagligtas mo sa anak ko.” Seryosong saad ni Larry kay Rodney.
” Hindi! Hindi ako aalis. Sa ayaw at sa gusto mo,mananatili ako sa bahay mo.” Hayag naman ni Rodney.
” Bahala ka.” Saka iniwan niya ang huli.


/> Ilang sandali pa ay bumalik na si Larry at kasama na si Viel. Pumasok sa loob ng taxi at saka umandar na ulit.
” Kumusta ka na po?” Nginitian pa ni Viel si Rodney.
” Masakit pa sugat ko kaya,magpapaalaga muna ako sa papa mo.”
Tumingin naman si Larry kay Rodney. Bakas sa mukha nito ang pagtutol. Pero hindi na lang muna siya umimik.
Pagkadating ng bahay,inalalayan pa rin ni Larry si Rodney. Niyakap ni Larry ang beywang ni Rodney. Ayaw niya sanang gawin pero baka umiba ang mukha ng anak. Lagi niya kasing pinapapaalahanan na maging mabait sa iba.
Hanggang sa loob ng bahay na sila. Pero nang makalapit sa silya ay sinadyang pabagsakin ni Larry si Rodney sa pag upo.
” Aray! Dahan dahan naman sa pagbitiw!” Reklamo ni Rodney. Iniinda pa rin kasi niya ang sakit ng kanyang sugat.
Napangisi naman si Larry sa ginawa niya. Nakaganti ng bahagya.
” Viel…yong papa mo. Binagsak ako sa upuan.” Sumbong nito sa bata.” Galit pa yata sakin!”
Tinapunan ni Larry ng masamang tingin si Rodney. Pagmumukhain pa yata nito siyang masama sa anak.
” Papa…masakit pa po sugat ni papa Rodney.” Sabi ni Viel.
” Papa?! Huh?! Papa na agad ang tawag mo sa sira u….sa taong iyan?”
” Syempre. Inalagaan ko rin naman yang anak mo kahit na kinuha ko siya sayo. Bumili pa nga ako ng ice cream at sabay naming kinain,diba Viel?” Baling nito sa bata na tila bang nagpapakampi dito.
” Oh eh..ano ngayon? Kumain rin naman kami ng ice cream ,ah.” Hirit naman ni Larry.
” Papa Larry…tama na po. ”
” Anak…” Lumuhod si Larry kay Viel. Pinantayan ang taas ng bata. ” Pwede bang huwag mo siyang tawaging papa..ano na lang ah…tito..o pwede ring lolo na lang. Matanda rin naman siya.”
” Oy!oy! Anong matanda ka diyan! Kung hindi ako nagkakamali,magkasing edad lang tayo ah!” Sabat ni Rodney kahit na hawak hawak niya ang bahagi kung saan ang kanyang sugat.
” Tumahimik ka. Usapang mag ama ito.”
” Oh,eh..ano ngayon? Papa na rin naman tawag niya sakin ah!” Ayaw pa ring matigil ni Rodney.
” Tama na po….” Saway ni Viel. ” Pwede naman pong dalawa papa ko. Mas masaya yon! ” Awat nito. ” Papa Larry. Kayo po ang papa ko talaga. Pero pwede ko rin naman pong tawaging papa si Papa Rodney kasi iniligtas niya po ako .”
” Pero anak,hindi naman porket iniligtas niya buhay mo,papa mo na siya agad.”
” Sige na papa Larry. Nasanay na rin po akong kasama siya. At saka si tita kasi,palaging sinasabi na papa ko si Papa Rodney ”
” Tita? Sinong tita?”
” Kapatid ko.” Si Rodney na ang sumagot.” Isinama ko si Viel sa bahay ng pamilya ko. Inakala ng kapatid ko na anak ko siya. Hinayaan ko na lang dahil nakita kong natutuwa siya kay Viel.”
” Huh! Ang kapal mo rin ano….” Parang nag iinit na naman si Larry.
” Papa…”
” Tama na nga itong pagsasagutan natin. Mas lalong kumirot ang sugat ko. Ayoko na ring makipagtalo . Mas lugi ako. Hindi ako makahirit ng tama sayo dahil sa sugat ko.” Tinanggap ni Rodney ang pagkatalo niya na unang beses niyang nagpakumbaba sa isang taong minsan niyang pinagtaniman ng galit.
” Viel,anak..magpapahinga lang ako sa kwarto. Huwag kang lalabas.”
” Opo,papa.”
” Teka. Ako? Saan ako magpapahinga?” Si Rodney.
” Dito ka sa sala. Mahaba naman iyang upuan kaya ayos na iyan sayo.”
” Larry,masakit ang sugat ko. Hindi ako komportable rito.”
” Doon na lang po siya sa kwarto natin ,papa Larry. Malaki naman yong kama. Kasyang kasya tayo doon.”
” Oo nga naman. Doon na lang rin ako.”
Ayaw man ni Larry pero sumang ayon narin. Ikakasimula lang ng pagtatalo nila ito kapag hindi siya sasang ayon.
Bago nagpahinga ang dalawang lalaki,siniguro muna nilang nakalock ang pintuan ng bahay. Napagod silang pareho kaya kailangan nila ng mahabang pahinga. Habang si Viel naman ay naglalaro lang ng tahimik.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top