Fathers and son Part 18


Dahil sa nagkahiwa hiwalay sina Rodney,na ang kasama ay si Yssa. Si Lee naman ay kasalukuyan ring kasama si Leslie at si Larry ay ang itinuring na tunay na anak na si Viel..hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang tunay na mag ama na sina Viel at Lee.
Nakita man ni Lee ang anak,hindi man lang niya ito nahawakan at nayakap na muli. Sa kabila ng kanyang pagkasabik dito,hindi muna lumapit at magpakilala. Sa pagkakataong ito,naisip ni Larry na ipagtapat na kay Viel ang lahat. Ang tungkol sa tunay niyang papa na si Lee.
Malulungkot man siya pero kailangan niyang gawin iyon dahil iyon naman talaga ang dapat.
” Papa…..”
” O,hindi ka ba makatulog? Pasensya na anak. Kailangan nating manatili na muna dito sa ilalim ng puno hanggang abutan tayo ng umaga. Hahanapin natin ang iba kapag may araw na. Sa ngayon,magtiis na muna tayo.”
” Ok lang iyon papa. Ang mahalaga,kasama po kita.” Ngumiti si Viel sa ama na nakagaan naman ng loob ni Larry. Pero agad ring napaisip.
” Anak….may sasabihin si papa sayo. Sana,hindi ka magagalit sakin. At ….at hindi mo ko iiwasan. ”
” Ano po iyon papa?”
” Ah….ang totoo kasi niyan…hindi ako ang…ang tunay mong papa. Inalagaan lang kita at pinalaki. Pero hindi ako ang papa mo.” Buong lakas na pagtatapat ni Larry sa kanya.
Natahimik at napaisip si Viel sa mga sandaling iyon. Hindi siya nagsalita. Matamang nakatitig lamang kay Larry.
” Hayaan mo kong ipaliwanag ng mabuti sayo ,anak. Alam kong matalino ka kaya alam kong maiintindihan mo ko.”
Ngunit wala pa ring imik si Viel. Naghihintay sa kanya pang sasabihin.
” Yong lalaking kasama natin kanina bago tayo nagkahiwahiwalay,siya yung totoo mong papa. Hindi niya alam na nasa akin ka. Pero sinabi ko na rin sa kanya dahil sa malaki ang naging kasalanan ko sa tunay mong papa. Patawarin mo ko kung matagal bago ko sinabi sayo ang totoo. Sana..sana ituring mo pa rin akong papa mo.” Pilit na pinigilan ni Larry ang maiyak. Ang iisiping mawalay sa kanya si Viel ay masakit na sa kanya. At yon naman talaga ang inaasahan niyang mangyari. Kukunin ni Lee sa kanya si Viel. ” Kilalanin mo rin siyang tunay na papa,Viel. Matagal rin siyang nangulila sayo. Pinananabikan ang yapos mo sa kanya. Sino mang ama ang mawalay sa anak ay tiyak na kalungkutan ang naidudulot. Kaya intindihin mo siya. Huwag kang magalit sa kanya.”
Hinawakan ni Larry si Viel at pinaupo sa kanyang kandungan. Niyakap ng mahigpit patalikod. Hinayaang dumaloy ang mga luhang kangina pa’y gustong tumulo sa pisngi niya. Hindi niya pinakita sa bata na umiiyak siya.
” Papa…..”
” Mm..??”
” Umiiyak ka po ba?”
Lilingon na sana si Viel kay Larry pero agad rin niyang pinigilan ang bata. Mas lalo niya itong niyakap.
” Hindi,anak. Sinisip on lang. Malamig kasi. ” Pagsisinungaling niya.
” Papa….”
” Mmm..?”
” May bago po uli akong papa?”
” Oo. Tunay mo siyang papa. ”
” Kahit naman sinong tunay sa inyo..papa ko naman po kayong lahat. Masaya po yon. Maraming mag aalaga sakin.”
Mas lalong tumulo luha ni Larry sa sinabing iyon ni Viel.
” Pero anak, si Lee ang tunay mong papa. Sa kanya ka nanggaling at sa asawa niya na mama mo.”
” Nasaan na po mama ko kung ganoon?”
” Wala na siya. Patay na,anak.”
Natahimik si Viel. Dahil sa bata pa lang siya,maaring hindi pa niya lubusang naiintindihan ang lahat ng sinabi ni Larry sa kanya.
” Anak…kung sakaling kukunin ka ng tunay mong papa na si Lee,huwag mo kaming kakalimutan ah. Mahal na mahal kita anak. Binago mo buong buhay ko. Binago mo takbo ng kapalaran ko. Kung hindi sana dahil sayo,inilaan ko na sana ang lahat ng oras ko sa trabahong buhay ko lagi ang nakataya. Kahit malayo ka na sakin, ikaw pa rin ang anak ko..tandaan mo iyan.” Madamdaming hayag ni Larry kay Viel habang yakap yakap pa rin sa likod.
Hindi sumagot si Viel sa kanya. Hinayaan na lang niya na walang imik ang bata. Unti unti ay mapapasok rin nito sa utak ni Viel ang lahat ng kanyang inihayag ngayon.
” Viel…anak…”
Nangangalay na si Larry. Inaantok na rin siya. Hindi niya namalayang tulog na pala si Viel. Nakatulog na yakap yakap niya. Napabuga na lamang siya ng hangin. Napangiti nang di sadya.
Inayos niya ng higa si Viel. Pati na rin siya ay natulog na rin. Pero nagigising ng ka ilan dahil sa pinapaypayan niya ang anak gamit ng tshirt na suot niya. Hinubad niya ito para gawing pangtaboy ng mga lamok.
Kinabukasan,mataas na ang araw nang magising ang mag ama.
” Papa…anong nangyari sa katawan mo? Marami kang kagat ng lamok.”
” Ah..marami kasing lamok kagabi anak. Pinaypayan kita gamit ng damit ko. Di baleng makagat ako basta makatulog ka lang ng mabuti. ”
” Papa..” tinunaw yata ang puso ni Viel sa sinabi ng papa Larry niya. ” Salamat po. ”
” Wala iyon anak. Halika na,alam kong pagod ka at nagugutom pero kailangan nating kumilos na at maglakad. Hanapin...


natin yong iba.” Saad ni Larry.
” Opo. Baka po may makikita po tayong mga bungang kahoy na pwede nating kainin habang hinahanap natin sila.”
” Siguro nga. Halika na .”
Hinawakan ni Larry si Viel saka nagsimula nang maglakad.
Sa kanilang paglalakad at paghahanap, may nakikita silang bungang kahoy na pwede nilang kainin para maibsan ang gutom na nararamdaman. Swerte ring may mga puno ng saging silang nadaanan at kanila itong kinuha at kinain na agad. May nakuha pa silang iba. Binaon na lamang habang naglalakbay sa loob ng gubat.
Mula sa di kalayuan,may narinig sina Larry at Viel na sumisigaw.
” Tulong!!! May tao ba diyan?!”
Nagtinginan sina Viel at Larry.
” Papa…si Tita Leslie! Siya yata yong sumisigaw?!”
” Ha? Sigurado ka?”
” Opo. Kabisado ko po boses niya.”
” Tulong!” Sigaw nito ulit.
” Papa…siya nga!”
” Halika!”
Tinakbo nina Larry at Viel ang direksyon kung saan nila naririnig ang sigaw ni Leslie. Hindi nga nagkamali si Viel. Si Leslie nga ito.
” Tita Leslie!”
” Viel!”
Masayang masaya si Leslie nang makita si Viel at Larry.
” Patulong naman,Larry. Kagabi pa kami nandito.”
” Kami?! Sinong kasama mo?!” Taka nitong tanong dahil wala namang nakikita si Larry na kasama nito.
” Ha?! Si ….” Binalingan niya ang pwesto ni Lee pero wala siyang nakita. Hindi kasi niya tiningnan kanina ito nang magising. Akala niya natutulog pa rin ito.” Nasaan na siya?” Bulong niya.
” Tita…paano ka nahulog diyan?” Tanong ni Viel.
” Mahabang kwento,Viel. Larry please naman oh..tulungan mo ko.”
” Sige. Sandali. Hahanap lang ako ng kahoy.” Binalingan ni Larry si Viel. ” Viel,dito ka lang muna. Huwag mong iiwan ang tita Leslie mo.”
” Opo,papa. ” Sagot ni Viel.
Tumalikod si Larry sa kanila. Sakto namang padating si Lee. May hawak na sanga. Sa pagkakataong ito,mahaba at makapal na sanga na ang pinagsikapan nyang putulin. Nanigurado na hindi na mababali ni Leslie.
” Lee?”
Tinapunan lang niya ng tingin si Larry at saka sinulyapan si Viel. Nainis siya kasi narinig nyang papa ang tawag nito kay Larry. Bagay na masakit para sa kanya na tunay na ama ng bata.
Nagpatuloy siya sa paglakad patungo kay Leslie.
” Hawakan mo.” Sabi niya.
” Tulungan na kita,Lee.” Alok ni Larry sa kanya.
Pinagtulungan nilang maiangat si Leslie. At nagawa naman nila iyon. Naunang tumalikod si Lee sa kanila.
” Hoy! Sandali!” Pinigilan ni Leslie si Lee. Hinabol niya at hinarap. ” Paano ka naka akyat don? Hindi mo man lang ako ginising at tinulungan na maka akyat.”
” Mahimbing ang tulog mo kanina. Ayokong maka abala kaya sinikap kong maka akyat kahit na nahirapan ako. Naghanap na tuloy ng sanga.” Paliwanag ni Lee sa kanya.
” Pwede mo naman akong gisingin kanina at tinulungan na maka akyat ah. Pinahirapan mo pa sarili mo.”
” Gusto mong malaman kung bakit hindi ko ginawa iyon?”
” Oo!”
” Ayaw kitang buhatin o ipasan sa balikat ko. Eh yung sanga nga nabali mo kahapon. Baka pati ako mabali mo pa!”
Nainis si Leslie sa tinuran ni Lee. Hindi pa pala tapos ang pang aalaska nito sa kanya.
” Hhuuuhuuu..nakakainis ka!” Sambit niya saka padabog na iniwan ito. Lumapit kay Larry. ” Talaga bang yan ang tunay na papa ni Viel?” Pabulong na taning niya.
Tiningnan siya ni Larry. Bakas sa mukha nito ang kuryusidad kung paano nalaman ng babae nag tungkol dito.
” Alam ko na. Nasabi niya kahapon.” Turo ng bibig niya kay Lee.
” Oo. ” Pagsang ayon naman ni Larry.
” Para namang hindi. Ang sama ng ugali.”
” Huwag kang maingay. Marinig ka nung bata.”
” Pasensya na.”
Maya maya…
” Ano?! Mag uusap lang ba kayo diyan ng buong araw?! Wala ba kayong balak na umalis sa lugar na ito?!” Si Lee. Nainis yata dahil nanatili lang silang nakatayo.
” Susunod na!” Sagot ni Leslie.
” Viel..anak..lapitan mo si Lee. Siya yung sinasabi kong tunay mong papa.” Sabi ni Larry kay Viel. Alam nito na sabik si Lee sa anak pero baka nagdadalawang isip pa dahil baka iniisip nito na hindi siya tatanggapin ni Viel. ” Sige na anak…”
” Opo…”
Patakbong nilapitan ni Viel ang nakatalikod na si Lee saka niyakap. Bagay na labis na nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.
” Papa….” Sambit nito.
Si Lee naman ay natigilan. Saka bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya inaasahang yayakapin siya ng kanyang anak na matagal na niyang pinananabikan. At tinawag pa siyang papa.
Humarap si Lee kay Viel. Pinantayan ang taas nito at hinahaplos haplos ang mukha.
” Yong….anak…”
” Papa…Papa ko rin po kayo diba?” Ngiting tanong ni Viel.
” O..oo. ” ngiti rin ni Lee na may halong luha sa mga mata. Luha ng kaligayahan ang nararamdaman niya.
” Masaya po akong nakita kita. ”
” Ako rin,anak..ako rin.”
Hindi na nag atubiling yakapin ni Lee si Viel. Niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit. Napuno ng kaligayayan ang puso niya sa mga sandaling iyon. Sina Larry at Lelsie naman ay nahawa kay Lee. Napa iyak na rin sa tagpong iyon ng mag ama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top