Fathers and son Part 27


” Tao po!! Larry!! Leslie!!”
Sabay na napalingon sina Larry at Lee sa labas ng marinig na may tumatao.
” Si Yssa.” Kabisado ni Larry ang boses ng huli kaya nahulaan agad kung sino ang tumatawag galing sa labas. ” Buksan ko lang.” Paalam niya kay Lee na tinanguan lang siya.
Pinagbuksan ni Larry si Yssa. May kasama itong bata.
” Yssa. ”
” Larry. Magandang hapon sayo. Si Leslie?”
” Nasa loob. Kasama ni Viel. Pasok ka.”
Pumasok si Yssa at ang batang kasama niya.
” Mabuti naman at isinama mo yung anak mo dito.”
” Oo. May pupuntahan kasi kami. Dadalawin namin si…si Rodney. ” Tila nag aalangan pang saad ni Yssa.
” Ah… Pasukin mo na lang si Leslie sa kwarto nina Viel.” Tinuro pa niya ang kwarto na sinasabi niya.
” Oo….”
Sinundan lang siya ng tingin ni Larry. Ipapakilala na pala niya kay Rodney ang anak nito. At isasama din si Leslie.
” Leslie…” Pukaw ni Yssa sa natutulog na babae.
” Mmm….”
” Leslie. Dadalawin natin kuya mo. Kumilos ka na. Hapon na kaya kailangan nating magmadali. Medyo natagalan din kasi ako sa klase ko kanina.
” Ha?ahh….” Bumangon si Leslie. Nagpaalam saglit sa kaibigan dahil maghihilamos ng mukha. Pagkabalik ay agad binigay ni Yssa sa kanya ang damit na isusuot niya.
” Pasensya na. Sa kakadali ko,itong short at polo shirt ang nakuha ko para sayo.” Iniabot niya kay Leslie ang dalang damit nito na kanina pa niya bitbit.
” Ok na yan. Akin na. ” Kinuha niya kay Yssa saka nagbihis. Sa harap na mismo ng huli nagbihis si Leslie. Tulog pa naman si Viel kaya wala itong makikita.
Pagkatapos magbihis,humarap sa nakakabit na salamin at inayos ng konti ang buhok.
” Mabuti naman at naisipan mong isama ang anak mo. Tiyak na matutuwa si Kuya niyan.”
” Kinukulit rin kasi ako nito.” Hinawakan niya sa ulo ang kanyang anak saka hinahagod hagod. ” Gusto na raw niya makilala ang papa niya. Naawa naman ako.”
Lumapit si Leslie kay Yssa at ginanap ang magkabilang kamay.
” Yssa…salamat ha. Sa kabila ng ginawa ni kuya sayo noon,ipapakilala mo pa rin ang anak nyo sa kanya.” Nakangiti pang wika ni Leslie.
” Gusto ko nang maging maayos ang lahat. Pagod na rin akong mabuhay nang magulo ang utak. Batid ko rin naman ang dahilan kung bakit nangyari samin ito.”
” Salamat.”
” Tama na nga ito. Lalakad na tayo.”
” Mabuti pa nga.”
” Halika na anak.” Hinawakan ni Yssa ang kamay ng anak saka inalalayang palabas ng kwarto.
Nasa labas noon sina Lee at Larry. Sinabi ni Larry kay Lee ang dahilan ng pagpunta ni Yssa.
” Larry ….ikaw na bahalang magsabi kay Viel ha. Tulog pa kasi. Nagmamadali kasi kami ni Yssa. ”
” Sige ,Leslie. ”
” Salamat..aalis na kami.” Hindi niya pinansin si Lee.
” Larry ,salamat. Lee…alis na kami.” Paalam rin ni Yssa sa dalawa.
” Teka,sandali. Hatid ko na lang kayo. ” Alok ni Larry. ” Kukunin ko lang ang susi ng kotse. Sandali lang ako.”
Dali daling umalis si Larry para kunin ang susi. Naiwan namang walang imik si Lee habang kasama nina Leslie at Yssa. Pero hindi rin nakatiis. Hindi niya kasi maiwasang hindi mapalagay sa suot ngayon ni Leslie. Naka short na maikli at polo shirt na pang babae.
Walang sabi sabi niyang binuhat si Leslie papasok ng bahay. Bagay na napagulat sa babae at napatili ng malakas.
” Ayy!! Ano ba?! ” Umabot pa sa loob ng bahay ang tili na iyon.
Diretso sa kwarto niya at ni Viel. Ibinaba niya si Leslie at tinalikuran saglit. Binuksan ang cabinet kung saan nakahanger ang mga damit niya. Pumili at saka inilapit sa mukha ni Leslie.
” Aray naman! Ano na naman bang problema mo?!” Marahas na tanong ni Leslie sa...


kanya. ” Gumagawa ka na naman ng eksena.”
” Ikaw ang siyang may gagawin pa lang na eksena. Dadalawin mo si Rodney nang ganyang ang suot. Hindi mo ba alam na maraming lalaki doon at kadalasan..manyak. sabik sa babae.” Lumayo pa si Lee sa kanya at tiningnan ang kanyang ayos.” Huh!”
” Eh,kasalanan ko bang ito lang ang nadalang damit ni Yssa. Alangan naman magreklamo pa ko. Doon ka kaya kay Yssa magtatalak. ”
” Suotin mo yan.” Turo nito sa damit na pinili niya sa cabinet. ” Dali na. ” Angas pa nitong utos.
” Papa…” Nagising si Viel sa sagutan nilang dalawa.
” Anak…pasensya na. Nagising ka namin. Halika. ” Binuhat niya si Viel. ” Lalabas na kami. Magbihis ka na.” Baling niya kay Leslie.
” Hhmmpp!!” Tinapunan pa sya ng samang tingin ni Leslie. ” Oo na!”
Samantalang sa labas naman…
” O! Nasaan na si Leslie? Hindi pa ba tayo aalis?”
” Eh,binuhat bigla ni Lee. Pinasok sa loob ng bahay. Ewan ko kung bakit. Nagtaka nga ako sa ginawa ng kaibigan mong iyon.” Talagang nagulat si Yssa kanina. Bigla na lang kasing kumilos si Lee. Hindi nga siya naka react agad.
” Ha?! ”
Maya maya ay dumating si Lee na karga ang bagong gising na si Viel.
” Lee….si Leslie?”
” Nandoon.”
” Bakit mo inilabas agad si Viel? Kakagising lang niyan.”
” Mabilis lang naman ,Larry. Papasok din agad kami sa loob. ”
” O! Leslie!!” Ani Yssa nang makitang papalapit. Nahalata nito ang suot niya. ” Nagpalit ka pala ng damit?”
” Oo..” sagot niya pero na kay Lee ang tingin.
” Sige na Larry. Umalis na kayo.” Utos ni Lee sa huli. Ayaw na niyang matagalan pa ang mga ito dahil sa hapon na.
” Viel..alis na muna kami ha. May pupuntahan lang.” Paalam ni Yssa sa bata.
” Opo titser Yssa. Mag ingat po kayo.”
” Pahalik ako Viel. Baka kasi sa ibang araw pa ko makabalik eh.” Si Leslie.
” Ganoon po ba? Sige po. ” Sagot ni Viel.
Lumapit si Leslie kay Viel na buhat ni Lee. Hahalik sa bata.
” Mwahhh!”
Isang smak sa pisngi sana ang kanyang igagawad pero hindi lumanding sa pisngi ni Viel iyon. Dahil si Lee ang nakatanggap nito. At sa labi pa ng huli tumama ang halik niyang iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Leslie nang hindi sadyang mahalikan si Lee sa labi. Agad niyang inilayo ang labi sa labi nito.
Laking gulat din ang hatid nun kina Larry at Yssa. Habang si Lee ay nagkasalubong ang mga kilay.
” Viel…bakit ka umiwas?” Pulang pula na sambit ni Leslie. Halatang napahiya.
” Hehehe.. sorry po tita. Baka kasi mamis ka ni papa kapag matagal kang makabalik.”
” Ikaw talaga….” Pinisil niya ang pisngi ni Viel. Bumaling naman siya kay Lee na nakatingin lang sa kanya.” Pasensya na. Hindi ko sinasadya. ” Pagkawika nun ay mabilis siyang tumalikod at pumasok sa kotse.
” Hahahha!!!” Tawang tawa naman si Larry sa nangyari. ” Alis na kami ,Lee. Viel…ibibili kita ng pagkain pagbalik ko.”
” Opo,papa Larry. Mag iingat po kayo nina titser Yssa at Tita Leslie. ”
Sumunod din si Yssa at kasama ang anak niya. Pagkaalis nila ay saka pa nagsalita si Lee.
” Ikaw..maliit na bata. Bakit mo ginawa iyon?” Kunwaring galit galitan ni Lee sa anak sabay pisil sa ilong nito.
” Hahahha…papa..masakit.” natutuwa naman si Viel.
” Pilyo ka ha….”
” Ahha….sorry po..”
” Masama iyon….”
” Sorry po..hindi na po mauulit.hahahhhaha”
” O! Tama na yang tawa mo. Mabinat sugat mo niyan. Pasok na nga lang tayo sa loob.”
Naiwan silang dalawa sa bahay. Sinulit naman ni Lee ang pagkakataong iyon na sila lang dalawa. Nagkausap,nagbibiruan at bahagyang nagtatawanan. Bagay na matagal nang inaasam asam ng huli. Ang makapiling ang anak ng sarilinan.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. magnanakaw ng story. akin to! gumawa ka ng sariling iyo!

Leave a Reply


top