Fathers and son Part 3


Dumating ang araw na papasok na si Viel sa school. Maagang nagising si Larry para ipagluto ang anak. Pinaghandaan pa nya ito ng baong kanin at ulam.
” Ahh……”
Kalalabas lang ng tiya niya ng kwarto at humihikab pa. Kaharap lang kasi ng kwarto nito ang kusina.
” O,tiyang! Magandang umaga ho!”
” Ang aga mong nagising ah.”
” Unang araw ho kasi ni Viel sa school kaya naghanda po ako. Heto nga at binaunan ko siya ng kanin at ulam.”
” Larry …tatlong oras lang ang klase ng anak mo. Hindi kami aabot ng isang araw sa school. Kaya hindi mo kailangang ipagbaon sya ng kanin at ulam. Meryenda lang pwd na.”
” Ah ….ganoon ho ba?” Nahihiyang sabi ni Larry. ” Eh,kung ganoon ho..mag almusal na lamang po siya bago pumasok. At saka,ako na po ang maghahatid sa kanya.”
” Sige. Sasabihin ko sayo kung sino ang magiging titser niya mamaya bago pumasok.”
” Sige po. Salamat. ”
Ginising nya si Viel bago mag aalas 7. Alas 8 kasi ang pasok nito. Dahil sa hindi pa sanay magising ng maaga ang bata,medyo nahirapan si Larry sa paggising dito. Kaya naman,kinarga na lamang niya hanggang banyo.
” Ang lamig!” Hiyaw ni Viel.” Papa ang lamig!” Bigla itong napamulat ng mga mata nang bahagyang basain ni Larry ang mukha nito.
” Hindi na anak. Nilagyan ko iyan ang mainit na tubig kaya ayos na iyan. Tamang tama na sa pagligo mo. Sige na. Paliliguan na kita.”
Sumunod ay pinakain na niya si Viel. Sinubuan pa para madaling matapos. Binihisan at saka nagpaalam na ang mag ama sa tiyahin.
Dahil malapit lang naman ang school sa kanila. Naglakad na lamang ang mag ama. Pero biglang gustong kargahin ni Larry si Viel kaya ipinatong nito sa likod ng ulo niya.
” Hawak ka ng mabuti ha. Aandar na tayo.” Biro pa ni Larry sa anak. Animoy nakasakay sa isang eroplano.
” Opo!” Masayang masaya naman si Viel sa ginawa ng ama.
Pagdating sa school ay ganoon pa rin ang ayos ng mag ama. Hinding hindi binaba hanggat hindi nakikita ang room na papasukan ni Viel at ang magiging titser nito.
” Teka lang….nakalimutan ko nga pala itanong kay tiyang kung sino ang titser mo,anak.” Sabi niyang nakatingala kay Viel.
” Naku papa,paano iyan? Mahuhuli ako sa klase.” Yumuko naman si Viel sa kanya.
” Magtatanong na lamang tayo.”
Paikot ikot sila sa school. Nagtatanong kung saan ang room ng mga kinder na kagaya ni Viel. Nasa likod pa rin ng ulo niya ang huli.
” Papa,baka pagod ka na. Ibaba mo na ako.”
” hindi..ok lang ako anak. Mapapagod ka kapag ibinaba kita at hinayaang maglakad.”
” Pero papa..kanina mo pa ako buhat buhat.”
” Aaayy….ayos lang anak. Di baleng mapagod si papa kesa sayo. Ang liit liit pa ng mga paa mo at ang iksi. Mas madali kang mapapagod kesa sakin. Saka,ibahin mo si papa. Malakas yata ako!” Lakas loob na sabi ni Larry.
Maya mayay….
” Ahhmm…sir. kayo ba si Larry? ” Biglang sabi ng isang babaeng titser sa huli.
” Ah..oo! Ako nga.” Hindi namalayan ni Larry na lumapit ito sa kanila.
Ngumiti ang babae sa kanya.
” Ako po si Titser Yssa. Siya ba si Viel?” Tukoy nito sa batang karga pa rin ni Larry.
Natahimik saglit si Larry. Nagtataka man pero dagling naliwanagan agad.
” Kayo ho ba ang titser ng anak ko? Naku..pasensya na. Nakalimutan ko kasing itanong kay tiyang kung sino ang magiging titser ni Viel.” Nakangiti pero bahagyang nahihiya si Larry.
” Ok na ho. Naitawag na po ni Aling Dina sakin kanina pa. Hinihintay ko nga po kayong dumating.” Suot naman ni Yssa ang isang matamis na ngiti.
” Salamat.”
” Oh,Viel. Baba ka na diyan. Magsisimula na yung klase natin.” Itinaas ni Yssa ang kanyang dalawang kamay para alalayang makababa si Viel mula sa ama.
” Ako na po,maam.” Pigil ni Larry. Nginitian naman siya ni Yssa.
Hinawakan ni Yssa ang kamay ni Viel at inalalayang papasok ng kwarto nila. Hinanapan ng mauupuan. Si Larry naman ay nanatili sa pintuan.
” Sir. Pakihintay na lang po...


yung anak mo doon banda. Baka kasi maagaw mo yung atensyon niya sa halip na makinig sa klase ko. ”
” Ah ….ano kasi. Pwedeng makausap saglit si Viel .”
“Mmm..sige po. Pumasok po kayo.”
Hinayaan naman siya ni Yssa na pumasok at lapitan si Viel.
” Anak. Sa labas lang si papa. Kung may kailangan ka. Sabihan mo lang si titser para makausap ako.”
” Opo.” Sabay tango ni Viel.
Naghintay si Larry sa di kalayuan. Sa unang araw ng klase ay pinahihitulutang makapasok ang mga magulang o bantay ng mga batang nag aaral.
” Tatlong oras….” Sabi ni Larry sa sarili.
Umupo siya sa ilalim ng puno. Isang oras pa lang ay nababagot na siya. Kaya tinawagan niya ang isa niyang kasamahan sa trabaho.
” Kumusta? Wala pa ba tayong raket ngayon?” Tanong niya.
” Wala pa. Hayaan mo,tatawagan kita kapag meron na.” Sagot sa kabilang linya.
” Sige. Salamat. ”
Saka muling naghintay. Pasipol sipol pa si Larry habang naka upo. Maya mayay nakaramdam siya ng antok. Marahil dulot na rin ng sariwang hangin. Maaga siyang nagising kaya pabigat ng pabigat rin ang kanyang mga mata. Ilang ulit na ipinilig ang ulo. Pinipilit na labanan ang antok na nararamdaman.
Pero sadyang makapangyarihan ang antok na sumanib sa kanya. Natukso siyang sumandal sa malaking puno at dooy dahan dahang napapikit patungo sa antok na sa kanya’y dikit ng dikit.
Nahagip ng mga mata ni Yssa ang nakasandal sa puno na si Larry. Kitang kita niya na tulog ito at nakabuka pa ang bibig. Lihim siyang natawa at napailing ng ulo.
” Papa….papa….” Walang tigil sa pagyugyog si Viel sa natutulog pa ring si Larry.
” Ha?!” Nagulat naman si Larry at biglang napaayos ng upo. ” Anak?!”
” Papa..sabi ni Titser. Uwi na po tayo. ”
” Ha? Ah..bakit?”
” Tapos na po yung klase ko.”
Tiningnan ni Larry ang kanyang relo. Alas dies na. Napatingin siya sa kanyang anak.
” Naku,anak…pasensya na. Nakatulog si papa. Amm..nakakain ka ba?”
” Kumain na siya. ” Sabat ni Yssa na nooy nasa kay ilang hakbang lang ang layo sa kanila. ” Isinama ko siya sa kantina para bumili ng pagkain niya kanina.”
“Ha?! Pasensya talaga maam. Nakatulog po ako. ” Tumayo si Larry sabay yuko sa kanyang ulo. Bagay na napangiti kay Yssa. ” Hindi na mauulit ito.” Dagdag ni Larry.
“Ayos lang po,sir. Sa susunod…bilhan mo na lamang siya ng makakain at ilagay mo na lang sa bag niya. ”
” Oho..pasensya talaga.”
” Sige. Iuwi nyo na po siya. Bukas po ulit.”
” Salamat.” Nahihiya pa rin si Larry.
Nagpaalam na ang mag ama kay Yssa. Gayundin si Yssa sa kanila. Natutuwa naman ang huli sa tinuran ni Larry. Marahil ay hindi ito sanay sa pagbabantay sa school. Madali kasi itong babagot sa paghihintay.
Pagdating sa bahay,pinagpahinga agad ni Larry si Viel. Saka hinayaang matulog na muna. Siya naman ay aalis at may pupuntahan. Nagpaalam sa kanyang tiyahin. Humalik muna sa noo ni Viel saka umalis na.
Sa isang lumang bodega ng mga sigarilyo. Naguumpukan ang mga kalalakihan. Nagsusugal at ang iba naman ay nag iinuman.
” O! larry! Napadalaw ka?!”
” Wala kasi akong raket ngayon kaya naisipan kong mamasyal na muna rito.”
” Gusto mong maglaro?”
” Past na muna ako,tol. Kailangan kong magtipid. Nag aaral na ang anak ko.”
” Bakit,ubos na kita mo?”
” Oo. May alam ka bang raket?”
“Meron! Tamang tama ang pagpasyal mo,Larry. May lakad ako bukas ng umaga. Baka gusto mong sumama.” Sabat ng isa pang lalaki.
” Anong gagawin?”
” Pareho lang ng raket mo. Dudukot lang naman tayo ng isang heredero. Malaki ang ransom na hinihingi ng amo namin. Tiyak,tiba tiba tayo.” Nakangisi pa ito kay Larry.
” Anong oras?”
” Bukas ng gabi. Alas 6. Sama ka sakin.”
” Sige. Tawagan mo ko.”
Simula noon at hanggang ngayon,ganito pa rin ang trabaho ni Larry. Masama man pero ito lang ang tanging paraan para mabuhay niya ng maayos ang anak ni Lee. Na anak na rin niya ngayon. Sa ganoong paraan,makakabawi siya sa malaking kasalanan na nagawa niya noon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top