Fathers and son Part 4


Kinabukasan,nagsimula ulit si Larry sa paggising ng umaga. Ipaghahanda at ihahatid nyang muli si Yong/Viel sa school na pinapasuksn nito.
Maya maya pa’y..gising na ang bata at ito naman ang inasikaso nya. Sa araw na iyon at sa susunod pa ay wala si Tiya Dina. Nagpaalam na umuwi ng probinsya at mananatili ng ilang araw doon.
” Halika ka na ,anak.” Yaya niya sa bata.Kumilos naman si Viel. Inabot ang kamay ni Larry habang nakalahad ito sa kanya. ” Galingan mo sa klase anak ,ha.” Sabi niya.
” Opo.”
Hindi sila nahuli sa araw na ito dahil alam na ni Larry kung saan ihahatid si Viel. Naka abang na rin ang titser niya sa may pintuan. Nag aakalang baka mahuli na naman ang mag ama.
” Magandang umaga titser Yssa.”
” Magandang umaga naman sir. Mabuti at maaga po kayo ngayon.”
” Ahh..opo..hindi kasi kami naligaw gaya kahapon.” Sagot ni Larry.
Nagpapatuloy pa rin sila sa pag uusap noon nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
” Sandali lang ho. Sasagutin ko lang ang tawag.” Baling niya kay Yssa. ” Anak….may kakausapin lang ako sa telepono,ha. Babalik din ako.” Tinanguan naman siya ni Viel.
Lumayo ng ilang metro si Larry sa dalawa. Sinagot ang tawag mula sa telepono galing sa isa niyang kakilala.
” Larry. Nagbago ang plano. Pumunta ka rito ngayon din. Maghahanda na para sa gagawing pagdukot sa isang heredero. Napag alaman kasing,aalis ito ng bansa kasama ang ina kaya binago ang oras ng pagdukot. ” Ani ng nasa kabilang linya.
” Ah…ganoon ba?” Sinabayan pa niya ng kamot sa likod ng kanyang leeg. Nag aalangan sa pagsamang pagdukot. May klase kasi si Viel at walang sinumang titingin sa huli kung aalis siya.
” Oo. Kaya..sumadya ka na rito at malapit na tayong aalis.”
Hindi pa rin siya makasagot ng tama sa kanyang kausap sa telepono. Binalingan niya ng tingin si Viel at ang titser nito na nakatayo pa rin sa may gilid ng pintuan. Saka niya naisip…
” Si…sige.” walang siyang pagpipilian. Kailangan niya ng raket para sa anak. Para kay Viel. Lalo nat nag aaral na si Viel.” Pupunta nako. ”
” Hihintayin kita. Dalian mo lang.”
” Oo.”
Bumalik siya sa anak at sa titser nitong sa tingin ni Larry ay dalaga pa.
” Anak..pumasok ka na.” Utos niya sa bata.
” Opo. ”
Pagka alis ni Viel ay susunod na sana si Yssa. Pero pinigilan siya ni Larry sa pamamagitan ng paghawak ng huli sa braso niya.
” Ahh…sorry.” Binitawan naman niya agad ang braso nito.
” Bakit?”
” Ahm…pwede bang pakisuyo muna kay Viel. May biglaan kasi akong lakad. Importante lang. Baka pwedeng tignan tignan mo siya. Babalik rin ako agad.”
” Ha?ah…sige. walang kaso sakin yon.”
” Salamat. Saka,may pagkain na sa loob ng bag niya. Binilhan ko na kanina.” Dagdag pa niya.
” Ako na ang bahala kay Viel. Sa tingin ko naman,mabait siyang bata. ”
” Oho! Mabait yan.” Pagsang ayon naman niya.” Sige ho! Lalakad nako. Pakisabi na lang na umalis ako saglit at babalik rin. Trabaho lang…”
” Sasabihin ko.”
” Salamat.”
Dali daling pumara si Larry ng Taxi nang makalabas sa gate ng school. Papunta siyang hideout kung saan nagtitipon tipon ang iba pang kasama sa planong pagdukot. At ilang minuto lang,narating na niya ito.
” Larry! Mabuti naman at nandito ka na.” Sabi ng isang lalaki. ” Heto…isuot mo na at nang hindi ka makilala. Aalis na tayo.” Sabay hagis isang bonet sa kanya.
Sakay ng isang itim na kotse kung saan kadalasang gamit ng isang grupo sa tuwing gumagawa ng kasamaan,pinaharurot agad ito ng isang lalaking nakatalagang driver ng grupo. At sisimulan na nila ang pagdukot.
Sa di kalayuan,natatanaw na nila ang kanilang subject. Halatang mayaman nga dahil sa tindig at kilos nito.
” Yan na siya. Magsihanda na kayo at kikilos na tayo.” Hayag ng lalaking nagpasama kay Larry sa gagawing pagdukot.
Pawang nakaitim na pantalon at tshirt. Pati na bonet itim rin. Sinadyang magkapareho para sa gagawin.
Sabay sabay na lumabas nang hininto ang kotse sa tapat ng lalaking heredero. Pinalo sa likod ng leeg at saka pwersahang kinaladkad sa loob ng kotse.
Nagtagumpay sila sa pagdukot. Pero hindi nila inaasahan na may biglang humarang sa kanila hindi pa man sila nakakalayo sa mismong lugar ng pagdukot.
Isang maitim na kotse rin ang pumigil sa kanila. Napuno ng pagkabigla ang loob ng nasa kotse. Hindi nila akalain na may iba pang interesado sa pagdukot sa heredero.
Tinutukan sila ng mga ito ng baril. Anim na katao ang nasa kanilang harapan ngayon. Gaya nila,nakatakip rin ang mga mukha upang hindi makilala.
” Sino kayo?!” Sigaw ng heredero.
” Tumahimik ka!” Galit na sigaw ng lalakung pinuno sa pagdukot.
” Ilabas nyo ang lalaking hawak nyo ngayon!” Sigaw ng lalaking nasa labas.
Tahimik namang nagmamasid ang kabilang grupo sa loob. Maya maya…
” Putya! Na letse na!” Singhal ng isa.
Napikon ata ang grupong nasa labas nila kaya pinaputukan ang isa nilang gulong ng kotse.
Samantala….nag iisip ng gagawin si Larry. Hindi siya dapat mamatay sa ganitong pagkakataon. Kaya dahan dahan niyang kinasa ang baril na pagmamay ari niya.
” Larry….” Baling ng kasama niya nang marinig ang tunog ng baril na kayang kinasa.
” Lalaban tayo.” Sabi niya.
Hinawakan ni Larry ang heredero.
” Huwag kang magtatangkang kumawala sakin. Hinding hindi ako magdadalawang isip na paputukan ka.” Banta ni Larry sa heredero. Pinukulan pa niya ito ng isang matalim na titig.
” Ano na?! ” Naiinip na ang pinuno ng kabilang grupo.
Itinutok nito ang baril sa kotse at walang kemeng pinaulanan ng bala ang mga nasa loob. Habang ang mga nasa loob naman ay kanya kanyang tago hanggat sa makakaya. Pero hindi nakaligtas ang driver nila. Sapul ito sa sentido na siyang dahilan ng diretsong pagkamatay.
Binuksan ni Larry ang pintuan ng kotse na nasa tabi niya. Hinila ang heredero at saka tumakbo papalayo sabay paputok sa mga kalaban. Sumunod naman ang lalaking kakilala at kasama niya.
” Bang!!bang!!”
Putok doon ,putok dito....


Umalingaw ngaw ang putukan sa pagitan ng grupo ni Larry at ng isa pang grupong may balak agawin ang herederong dala nila.
” Habulin nyo! Kunin nyo ang heredero ng buhay! Patayin ang iba pa!” Pasigaw na utos ng pinuno.
Ke agang agang putukan sa pagitan ng dalawang grupong uhaw sa perang magiging pantubos sa heredero. Kapwa malaki ang perang makukuha nila.
Tumakbong damuhan si Larry kasama ang kasamang lalaki. Kaladkad pa rin ang heredero.
” Aha…ha …..aha…..” Habol ang hininga dahil sa malayo ang tinakbo nila.
” Larry….bumalik na tayo sa hideout.” Saad ng kasama niya. Kasalukuyang nakadapa para hindi makita.
Ma swerte pa rin sila dahil sa kabila ng mga pangyayari,nakabalik sila ng hide out.
” Letse! Sino ang mga iyon?!” Pagdadabog ng kasama niya. Natapos na rin nilang igapos ang heredero. ” Baka naman kilala mo sila,Larry! Baka kabilang ka sa grupo nila kaya alam nila ang gagawin natin ngayon!”
Nagalit si Larry sa pinagsasabi nito. Tumayo siya at sinipa ng napakalakas ang lalaki. Itinutok ang baril na hawak niya sa noo nito nang matumba saka dinaganan.
” Baka gusto mong iputok ko ito sayo!”
” Larry…..” Tila naging aso na nabahag ang buntot naman ang lalaki.
” Kung kagrupo ko rin ang mga iyon? Magtatangka ba kong tumakas at tangayin ang lalaking iyan?!” Tinuro ni Larry ang herederong nakagapos.
” Pasenya na…”
” Kung kagrupo ko ang mga iyon? Magpapakahirap ba ako sa paglaban sa kanila?!” Galit pa rin si Larry.
” Nagkamali ako…pasensya na.”
Kumalma si Larry. Umalis sa pagkakadagan sa lalaki. Tumayo ng maayos .
” Akin na ang parte ko. Kailangan ko ng umalis. ” Sabi niya. Susunduin pa niya si Viel.
” Wala pa sakin yung perang pambayad. ” Dahan dahan namang bumangon ang lalaking tinutukan ng baril ni Larry kani kanina lang.
Muli siyang nilapitan ni Larry. Kinapkapan.
” A…anong ginagawa mo?!”
Hindi siya sinagot ni Larry. Nagpatuloy pa rin ito sa pagkapkap. Huminto nang makarating ang isang kamay nito sa bulsa niyang nakasilid ang pitaka.
” Sandali!” Pigil niya kay Larry nang biglang dukutin ng huli ang kanyang pitaka. ” Larry!”
Hindi nakinig si Larry sa kanya. Binuklat ang pitaka. Isa isang tiningnan ang nasa loob nito. Isa isa ring tinatapon ang sa tingin nitoy isang walang kwentang papel lang.
” Pwede na to!”
” Hoy! Akin yan!”
” Akin na ito. Kulang pa nga ang perang ito sa pagtakas natin sa mga kalaban kanina. Kung hindi dahil sakin,wala ngayon ang lalaking iyan. Naging bato pa sana ang pera mo kung saka sakali.”
” Pero…Larry. Pambili ko ng regalo sa chicks ko yan.” Pagmamakaawa nito.
” Saka ka na bumili. Iiwan ka rin non kapag wala ka ng perang mahuhuthot nya.”
Umalis si Larry at iniwang pailing iling ang lalaking kasama niyang nakaligtas sa labanan kanina. Pero bumalik saglit para paalahanan siya.
” Kulang pa ‘to! Babalik ako para kunin ang parte ko!” Sigaw ni Larry sa kanya saka tuluyang tumalikod na.
Bumalik si Larry sa eskwelahan,mag aalas dose na. Alam niyang tapos na ang klase ni Viel. Pero hindi siya nangangamba dahil kasama nito ang titser niya.
” Malas naman nito. Nahuli tuloy ako sa pagsundo kay Viel.” Bulong niya. ” Di bale..babawi na lang ako sa anak ko. Bibilhan ko na lang ng ice cream. ”
Ngumiti ngiti pa siya habang naglalakad. Hindi niya namalayan na may isang kakabukas lang na kanal sa harapan niya. Paano naman kasi nag iisip kung anong klaseng flavor ng ice cream ang ibibili niya para sa anak. Nakatingala pa sa langit.
Kaya hayun… Nahulog sa kanal ang kalahati niyang katawan.
” Haayytss.. naku naman!!” Inis niyang sabi. Naghanap ng makakapitan para makaahon.
Pagdating sa gate ng eskwelahan. Nagdadalawang isip pa siya. Inaamoy amoy ang sarili.
” Ang baho talaga!” Sabay ngiwi ng mukha niya. Naisip rin niya kung papano humarap sa titser ni Viel na ganito ang amoy niya.
Dahil sa sitwasyong iyon,naki usap na lamang si Larry sa guard na kung pwede tawagan na lamang si Yssa sa telepono at sabihing nasa labas siya ng gate at naghihintay kay Viel. Mabuti naman at mabait ang guard at pinagbigyan siya.
” Viel…nasa labas raw ng gate ang papa mo. Doon na raw siya maghihintay. Halika na. Ihahatid na kita sa kanya.”
” Opo…” Tumalima naman agad si Viel. Kinuha ang bag at sumama na kay Yssa.
“Bakit kaya sa labas ng gate siya maghihintay? Bakit hindi na lang siya pumasok? ” Mga tanong ni Yssa sa sarili.
Malapit na sila sa gate. Nakikita rin nila na kumakaway si Larry sa labas.
” Papa!” Masaya namang sinalubong ni Viel ang ama. Tumakbo pa ito. Yayakapin na sana niya ang ama pero bigla siyang huminto.” Eewww…papa..ang baho. Kayo po ba?”
” Ha?ahhh…oo anak. Nahulog kasi ako sa kanal doon kaya ganito ang amoy ko.” Nahihiya niyang sagot. ” Yung titser Yssa mo? Kasama mo ba?”
” Opo! Hayun po siya.”
” Ha?! Naku!”
Huli na para lumayo pa siya at magtago.
” Sir…” Tawag ni Yssa sa kanya.
” Ah….pasensya ka na kung hindi na ako pumasok. Ano kasi…..”
” Ok lang iyon. ” Alam naman ni Yssa ang dahilan. Naamoy rin kasi niya si Larry kahit medyo malayo ang pagitan nila.
” Salamat nga pala.” Namumulang wika ni Larry. Namumula siya sa hiya.
” Sabi ko naman sayo. Ako na ang bahala kay Viel. Mabait naman siya. Hindi naman ako nahirapan. Teka..kumain ka na ba? Kumain na kasi kami ni Viel ng tanghalian sa kantina kani kanina lang.”
” Hindi pa. Sabay sana kami ni Viel.”
” Ganoon ba?”
” Papa. Sasabayan ko po kayong kumain pagdating sa bahay. ” Sabat ni Viel. ” Busog pa po ako pero sasabay pa rin po ako sa inyo para kumain.”
” Naku anak…sasakit ang tiyan mo niyan.” Nakangiting turan ni Larry sa anak. ” Sige titser,Yssa. Mauuna na kami. Salamat ulit.” Baling niya kay Yssa.
” Mag iingat kayo.” Sagot naman nito. ” Kita tayo bukas ,Viel.”
” Opo maam….”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top