” Kung ganoon,nanganganib ang buhay niyo ni Viel.”
Alalang alala si Yssa matapos maisalaysay ni Larry ang kalahating kwento ng buhay nila ng anak. Sinabi niyang anong oras man ay lilitaw si Rodney para guluhin ang buhay nilang mag ama. Nakaramdam siya ng habag kay Viel. Bata pa ito para pagtangkaan ang musmos na buhay nito.
Walang kamuwang muwang sa panganib na mararanasan sa sumusunod na mga araw. Kaya naman inalok niya si Larry na manatili muna si Viel sa poder niya. Para masiguro ang kaligtasan nito mula kay Rodney.
” Hindi ba nakakaabala sayo,Yssa?”
” Hindi pa naman siguro nakikita ni Rodney si Viel. At saka,hindi rin ako kilala ni Rodney kaya mas ligtas si Viel kung dumito na muna sa bahay ko.”
” Pero ayokong madamay ka.” Saad ni Larry. Natatakot siya na baka pati ito ay mapatay ni Rodney.
” Dapat tayong mag ingat. Kung lalayo ka sa bata,hindi siya masasaktan ni Rodney.”
Natahimik si Larry. Tama bang pumayag siya sa alok ni Yssa sa kanya? Baka pati anak nito at kapatid madamay rin. May ibang buhay na naman ang napipintong mawala dahil sa kanya.
” Pag iisipan ko,Yssa. Ayokong madamay ka. Maliit pa anak mo. At may kapatid ka rin. Ayokong malagay sa panganib ang buhay nyong lahat.”
” Sige. Pero sana huwag mong tagalan,Larry. Baka huli na ang lahat. Bigla na lang mawala si Viel sayo.”
” Oo. Salamat. Uuwi na kami. Salamat ulit sa panyong pinahiram mo.”
” Wala iyon. Mag iingat kayo. ”
Ngunit hindi inasahan ni Larry na ngayong gabi mismo magaganap ang isang gulo sa buhay niya.
” Pasok na tayo,anak.” Inakbayan niya ang bata papasok sa kanilang bahay. ” Teka..brown out ba? Iniwan kong nakabukas ang ilaw bago tayo umalis,ah. Bakit madilim?” Puna ni Larry.
” Papa…”
” Humawak ka lang sakin,anak.” Sabi niya sa batang bahagyang natakot dahil sa dilim.
Hawak ni Larry si Viel. Dahan dahan kung lumalakad. Nagulat siya nang biglang sumara ang pinto. Kasabay nito ay ang pagliwanag ng buong bahay.
” Kanina ko pa kayo hinihintay,Larry.” Ani ng boses ng lalaking naka upo paharap sa kanila.
” Rodney?!” Hinawakan niya si Viel agad at hinila patago sa likod niya.
” Akala mo ba,tapos na tayo? Mali ka ,Larry. Nag uumpisa lang ako sayo.”
Tiim bagang si Larry. Pinagsisihan niya tuloy kung bakit hindi siya pumayag agad sa alok ni Yssa sa kanya kanina. Huli na ang lahat. Natunton na siya ni Rodney. At ngayon,naghihintay na lang sa susunod nitong gagawin sa kanila.
May dalawang kasama si Rodney. Ang isa ay nasa pintuan at isa naman ay ang nag on ng ilaw. Sinenyasan ni Rodney ang isa upang kunin si Viel na nakatago sa likod ni Larry.
Hinila ng sapilitan mula sa kanyang pagkakahawak. Manlaban pa sana pero natigil rin dahil sa nakatutok na baril sa kanya.
” Papa!!” Sigaw ni Viel.
” Anak…ayos lang yan. Huwag kang mag alala. Nandito lang ako.”
” Huh! Hahahha..papa?! Seryoso,Larry?! Papa?!”
” Anak ko siya Rodney!akin siya! At hindi kay Lee!” Halos mamaos na si Larry. ” Huwag mong idadamay ang anak ko!”
” Tarantado! Anong tingin mo sakin? Uto uto?!Huh! Baka nakakalimutan mo,ako ang unang kumuha sa batang iyan! Kaya huwag mong ipagpilitan na anak mo yan!”
” Wala akong pakialam kung maniniwala ka man o hindi! Anak ko siya! Anak ko!”
” O sige! Sabihin na natin na anak mo nga ang batang yan. Wala rin namang magbabago sa pasya ko. Kukunin ko siya kapalit ng perang naiwala mo!”
” Utang na loob,Rodney! Kalimutan mo na ang perang iyon! Matagal na panahon na ang nakalipas!”
” Sira ulo ka!”
Nilapitan siya ni Rodney at sinuntok sa tiyan.
” Ahgg….”
” Papa!”
” Tumahimik ka!” Baling ni Rodney sa bata. Hinarap niya ito at sasaktan sana pero kumilos agad si Larry at niyakap siya mula sa likod.
Nairita si Rodney sa ginawang pagyakap...