“fight for your love”


Our story started wayback october 2010 nagkakilala kame in some chat forum kinuha nya number ko then he call me at 11 pm. kkrating ko lng galing duty non.pero sinagot ko tawag nya then nalibang na ko kausap sya di ko namalayan oras , makwento kase syang tao tungkol sa mga buhay buhay..at yon nman din kase gusto ko sa isang tao open. Naging close friends kame in txt kahit di pa nman kame nagkikita in person. Then simula ng gabi na yon lagi na kame magkausap thru txt and call , para bang masaya kame sa company nmin sa isat isa. Then one time nung kausap ko xa sa call lage ako ngtataka bakit pag nag wait sya at mag wiwi or cr ilapag nia phone nia ng hindi nia dala, so hindi ako naka tiis ng ask aq kung bakit iniiwan pa phone nia eh pwede nman nia bitbitin yun while kausap aq .mag wiwi lang nman sya. So un na nga sabi niya may aminin daw siya sakin disable daw kase siya so typically reaksyon ko medyo nagulat lng pero ng tanong ako. Kung panong disable sabi niya nglalakad daw xa ng nkaupo nung una ini imagine ko kung pano.. so puro tanong ba ko kase na curiuos ba ako.
Then days past by ng decide kame magkita in person , ako yung pumunta sa bahay nila, galing aq duty from hospital at dumeretso ako sakanila syempre di alm ng parents ko ng dahilan lng ako .sabi ko sa nanay ko mg ot ako. Then yun na nga nakita ko na sya disable siya pero nung time na makita ko sya parang wala lng okay lng nman sanay din nman na ako nkakakita ng ganong kase medical student nga ako. Nung gabi na yondun na rin ako natulog sakanila kase late narin nman. Kumbaga to make story short naging kame , naging boyfriend...


ko sya nung ipakilala ko na xa sa nanay ko pinag usap ko muna cla ng nanay ko sa phone pero nalaman nga din ng nanay ko disable sya . Pagbaba ng phone tumanggi mkipagkita nanay ko kase daw disable daw tigilan ko na daw..hindi ako kumibo pero deep inside nainis ako sa nanay ko. Pero wala ako magagawa ayaw niya eh.. di ko pinilit. Pero lihim parin akong nkipag relasyon sabf ko. Kase mahal ko sya kahit ganon pa siya. One time ng paalam aq sa nanay ko na pupunta ako sa classmate ko hindi nia ako pinayagan. Bka raw mkipagkita ako dun sa pilay kong syota..nainis aq nag alsa balutan ako.. ang naisip ko lalayas na ko.. at yun nga lumayas aq non madaling araw pumunta ako sa bahay ng bf ko. Sabi nga niya umuwi daw aq at ayusin nmin ng nanay ko problema nmin. Pero sabi ko ayoko ng bumalik okay na yon. Sama na kako ako sayo dto nalang ako. Eh wala na sya nagawa kung hindi pag stay in ako sa bahay nila so ayun kaya nka pag asawa ako bgla at eto hanggang ngayon happy kameng ngsasama 11 years na kme mag asawa at may dalawang cute na anak parehong babae.
Kahit may anak na kme hindi parin xa tanggap ng pamilya ko, ikinahihiya daw nila kase disable pero para sakin swerte ako sya ang napangasawa ko dahil sa 11 years na ngsasama kame responsableng asawa at ama xa . Isa pala syang barbero at pag gugupit ang ipinangbubuhay nia samin kaya proud ako sakanya.. yun ang di nkikita ng pamilya ko sakanya. Kaya talagang pinaglaban ko xa.. sa ngayon going strong at happy family po kame. Ang masabi ko lang din kung may mahal ka ipaglaban mo.
Maraming salamat po hanggang dto nlang po!
Sana kahit paano maka inspire po saiyo!☺️♥️

Gcash no. 09515446863
Hoping po mapili salamat po❤️❤️♥️godbless!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top