FINALLY I GOT HER!


FINALLY I GOT HER!
Genre: MIX
Author:Yuri Yureo
Chapter 1
Kierra’s Pov
Kasalukuyan akong nakaupo sa table ko habang inaantay si Kent na dumating, ang assistant kong bakla. Kukunin ko na kasi sa kanya yung list of names na pagpipilian ko as my role boyfriend. Lintik naman kasi! Mom forced me na magka boyprend na dahil matanda na daw sila at gusto na nilang MAGKA APO. Kaya ito gumawa ako ng paraan para may maipakilala ako sa kanila.
Ilang sandali pa pumasok na si Kent.
“Sorry Ma’am medyo natagalan. Ito na yung list of names na pagpipilian nyo”
Kinuha ko sa kanya yung papel at isa isa kong binasa ang mga pangalang nakasulat.
Kalix Oxford
Vince Monteverde
Cypher Aguilar
Raven Axyl Fori
Lhiam Vent-
WAIT!
WHAT? L-HIAM VENTURA?
So it means magkikita kaming muli? After how many years makikita ko na siya?
Siguradong naka move on na yun. Kumusta na kaya siya? Napatawad na kaya nya ako? Naaalala nya pa kaya ako? Ano ka ba Keirra! matagal na yun siguradong limot kana nun.
“Ma’am may problema po ba?” nag aalalang tanong sakin ni Kent.
“Ahh Kent kilala mo ba tong si Lhiam Ventura?” tanong ko dito.
“Ah yes ma’am. Di nyo po ba siya kilala? Nako ma’am pag nakilala nyo po siya siguradong maiinlo-”
“Kilala mo siya?” tanong ko ulit dito. Medyo...


nagdududa na siya pero kailangan ko malaman kung san nya to nakilala.
“Yes ma’am. Siya lang naman ang napakagwapong Owner ng DY comp-”
“So it means? Ahh Kent kailan ko sila ma memeet?
“Bukas po at 10:30 am una mo pong makikilala si Mr. Oxford. By 1:30 pm naman po si Mr. Monteverde at 4:00 pm si Mr. Aguilar.”
“Si Mr. Ventura? Anong oras ko siya ma memeet?”
“Nako Ma’am mukha interesado kayo kay Mr. Ventura ah! Sabihin nyo lang po kung icacan-”
“Wag! Bukas makikipagkita ako sa kanila”
“Sigi po Ma’am” tanging sagot sakin ni Kent na halatang nadududa sa reaksiyon ko.
“You can go now Kent, salamat” sabay ngiti sa kanya.
“Welcome po Ma’am” sabay lakad palabas sa opisina ko.
Itutuloy ko ba ang pakikipagkita ko sa kaniya? Di ko alam kung anong maging reaksiyon nya pag nakita nya ako.
Naputol ang pag iisip ko ng tumunog yung telepono ko.
[Caller: Hello Ma’am Keirra? May naghahanap po sa inyo.]
“Sino?”
[Caller: Hindi oo binigay yung pangalan eh. Ventura lang po yung sinabi.]
What? Di kaya si Lhiam yum? Lord help me please!
“Paki sabi sa kanya na papunta na ako”
[Caller: Okay po Ma’am]
Paano kung siya nga yun? Handa ba akong harapin siya? Handa na ba akong makita siya after 4 years?
Abangan sa next chapter
Work of Fiction






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top