FORBIDDEN LOVE


FORBIDDEN LOVE
“Pansin ko lang Agatha, lagi kang tulala habang nakatingin sa larawang iyan.”
Mahinang sambit ni Danica. Tumingin ako sa kaniya at sa mga kagrupo namin, pareho silang nakatingin sa akin.
Mapait akong ngumiti saka bumuntong hininga. “I’ll tell you a story.” saad ko saka yumuko.
It was a forbidden love story of my mom and dad.
I was just only eight nang mamulat ako sa mundong kinalalakihan at ginagalawan ko.
Kontrolado ang lahat ng pangyayari. May matang mapanghusga. May mga tao na sarili lamang ang iniisip nila.
Ayoko sa kanila. Ayoko kung paano nila husgahan si mama. Sa tingin kasi nila, she’s a bitch, slut and a gold digger. Na pinipirahan lang si papa kaya nagpabuntis siya kay papa na anak nila.
Masama bang magmahal? Hindi naman di’ba? Mahal nila ang isa’t isa, mahal na mahal. Pero may dalawang tao ang tutol sa pagmamahalan nila.
Kasi nga, ang para sa kanila, ang mayaman ay para lang sa mayaman. At kung mahirap ka aba, para kalang sa mahirap.
Kapag magkasama naman kami ni mama, nilalayo agad nila ako. Parang may sakit si mama na mabilis kumalat kaya nilalayo nila ako sa kaniya.
It hurts me, it brokes my heart seeing my mom watching me from afar....


Ni hindi man lang makalapit sa anak niya.
Hindi nila trinatrato si mama bilang manugang. Trinatrato nila si mama bilang katulong na hindi mapapakinabangan.
At may mga pagkakataon na ipapakasal nila si papa sa ibang babae na hindi naman niya mahal. Look, si mama ang mahal niya. Si mama ang gusto niyang pakasalan at hindi ang babaeng ‘yon.
Ngunit alam niyo ‘yung ginawa ng mga magulang ni papa? Nila lolo at lola? They controlled my Dad. Ipinakasal sa taong hindi niya mahal. And there my mom is, watching them with pain in her eyes.
Siya dapat ‘yun. Asawa na sana sila noon at ngayon. Pero nang dahil sa lolo at lola ko, nasira ang pamilyang mahal na mahal ko.
Bakit nila ginawa ang lahat ng ‘yon?
Simple lang, kasi nga. May mga kamay silang napapasunod ang lahat.
Nasasaktan. Nasasakal. At napopoot ako sa kanila. Na animo’y gusto ko nalang magpakamatay.
But do you know what kills me the most?
I smiled bitterly and tears escaped from my eyes.
“It’s when my mom committed suicide and my dad left.”
Tumingin sila sa akin na may awa sa mga mata nila. May sinasabi sila pero hindi ko na pinakinggan at tahimik na dinugtungan…
“And now…ako naman ang kinokontrol nila.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top