“FRIEND ZONE”


Siguro alam niyo na din kung ano ang salitang iyon salitang ayaw marinig ng mga umiibig…Na parang salitang ganto…

Sabi nila wala kang kwenta! Sabi ko meron dahil buong buhay ko, umiikot lang sayo… Sabi nila, di mo ko ipinagtatanggol… Sabi ko, nagawa mo na nung sinabi mo dati; “wag nyo saktan friend ko! Sabi nila, “o kita mo na, friend ka lang!

Dapat bang akong ngumiti dahil magkaibigan tayo?

O dapat ba akong malungkot dahil hanggan dun lang tayo?

Simple lang akong friend Kung sa prutas saging lang ako di tulad ng ibang friends mo na apple, orange & grapes pero tandaan mo sa lahat ng prutas SAGING lng ang my puso!

Paano ko nga ba ito uumpisahan??

Nagsimula ito sa pagpasok ko sa paaralan kung saan makakakilala ako ng mga kaibigan…

Ngunit sa pagtatagal naming magkakakilala may isang akong kaklase na nagkagusto sakin kaya naman nang malaman ito ng kanyanv kaibigan siya ay pinagtutulakan saakin…”ano ba yan para kayong mga tanga”sabi ni Danica”yieee crush mo lang ehhh..kuya crush ka po niya” asar naman ng mga kaibigan niya..

Isang araw naman pagdating ko sa school ay nakita nila ako at inaasar uli..Dumating na si maam pero tuloy parin ang pang aasar nila…

Recess na at lumapit sakin ang kaibigan ni Danica na si Samanta Sam for short..Bigla ang pag tanong niya sakin na “kuya crush mo ba si Danica”ani niya..Wala akong may sagot kundi oo nalang..Pero alam na natin na minsan chismosa tlaga yung iba kaya syempre sinabi niya kay Danica..

Pag katapis ng recess ay tumingin saking si Sam pero di ko maiintindihan ang sinasabi niya kaya tumango nalang ako bilang sagot na oo kahit di ko alam ang sinasabi niya..Agad namang siyang kinilig di ko alam kung bakit pero bahala na…Natapos na ang last subject namin at pina uwi na kami ni maam Mara kaya naman kami ay umalis..

Pag dating ko sa bahay namin ay agad kong binaba at kinuha ang cp ko sa bag upang tignan ang messenger ko ayun may nag chat sabi ko naman..Sa di ko inaasahan ay ang nagkakagusto sakin ang nachat kaya naman agad ko itong tinignan…”crush mo po ba talaga ako kuya”sabi ni Danica wala rin naman akong maisagot dahil sinabi ko na ito sa kanyan kaibigan kaya naman wala akong choice kundi sumagot ng oo kaya naman “OO” ang sagot ko…Di ko pero alam kung ano ang reaction niya..Yun na ang huli niya chat

Pagpasok ko naman kinabukasan ay “yieee”sabay sabay na pang asar ng kanyang mga kaibigan…Pero di ako nagpaapekto pati rin siya…Ni isa walang naging awkward saaming mag loveteam charott..Pero habang wala pa si maam Mara ay tinignan ko muna ang notif ko ayon ang galing kumalap na agad ang chismis pati sa fb namemention pa ko so wala akong magawa kundi sabihin na “humanap kasi kayo ng kaloveteam niyo”…Si crush naman ay todo support sakin..So dumating na nga si maam Mara kaya naman hinintay ko na ang uwian pero syempre nakinig naman ako syempre para makapulot ako ng bagong aral..(wow sana all maaral hahah)..

Pag uwi ko naman nakita ko nalang sa messenger ko na may bagong group...


silang ginawa na kasama si crush “PAGMAMAHAL” yan ang pamagat ng bago naming gc pag tingin ko naman ayy madami na rin silang pinag usapan so no choice uli ako backread….At pinag usapan pala nila ang dati nilang mga crush na “FRIEND” lang ang turing sakanila kaya naman nakisali din ako at saka syempre nagsend din ako ng convo namin kaso…Kaso nakita nila pangalan niya(palpak ka talaga kahit kailan no Jared)…So dahil dun buku na tayo…

Kinabukasan…

Wala kaming pasok dahil holiday ang August 26 dahil nga “National Hero’s Day” kaya naman chinat ko ang isang matalik niyang kaibigan…
Naging kaibigan ko ang matalik niyang kaibigan na si Rose kaya bawat kilos niya alam ko kaya pag minsan alam ko kung ano ang mga nangyayari sakanya..Pero nagtataka lang ako nagsinungaling ako na crush ko siya pero bat concern ako nuee bayan…#crushback

Kinagabihan…

Chinat ko uli si Rose pinapatanong ko sa kanya kung “crush pa ba ako ni Danica” pero alam ni Danica na pinapatanong ko iyon ka ya naman naglakas loob na akong sabihin sa kanya ang totoo…

“Hi po” sabi ko
“Hi din” sagot niya
“May sasabihin po sana ako”(kinakabahan)
“Ano yun?”(nasisiyahan)
“Wag mo po sanang masamain pero parang nagustuhan lang kita dahil kasi sa”(nalulungkot)
“Kasi sa?”(kinakabahan)
“Dahil kasi sa asaran di ko naman alam na mafafall ako sayo dahil dun..sorry po”(nalulungkot)
“Awts..ok lang”(naiiyak)
“Sorry po talaga”(di alam ang gagawin)
“Ok lang…”(umiiyak)
“:(”
(active 1 minute ago)

Kasalanan mo to Jared ehh kung di kana sana umamin di sana to magkakaganito…

Pagpasok sa school..

Napansin ko kasi sa kanya parang di na siya namamansin masyado pero pinapansin niya lng ako pag may kailangan kaya di ko naman maiwasang mag alala..Di ko talaga yun sinasadya ehh kaya naman pati yun alam na nang kaibigan niya….Pero pinapansin ko naman ang matalik niyang kaibigan pero pag lumapapit ako umiiwas nalang siya…Kaya yun di ko kayang di magtampo..(Pumasok si maam Mara)

Pag uwi sa bahay..

Inopen ko agad ang messenger ko para sabihin uli kay Danica na totoo na ang nararamdaman ko..

“Pst”pagtawag ko
“??”tanong niya naman
“Crush pa rin kita totoo na talaga to”(kinakabahan)
“(Like zone)”
(active 2 minutes ago)…

Inisip ko nalang na kung di ko sinabi yung nararamdaman ko di yun mangyayari..Di ko na alam kung ano na ang mangyayari talaga..

Kinabukasan sa school..

Pilit parin akong pinagtutulakan sa kanya kahit alam ko na kaibigan lang ang turing niya saakin
“Awts FRIEND ZONE”… Wala akong magawa kundi unawain nalng siya dahil ako rin naman inunawa niya nung nangyari to…Pero alam ko at sana parehas kami ng nararamdaman sa isat isa dahil Pilit ko paring tinatago na crush ko parin siya hindi dahil sa pinagtutulakan ako sa kanya kundi dahil mahal ko siya at yun ang sinasabi ng puso ko..

Bago ko wakasan to ito ang munting aral sa “FRIEND ZONE”.

Na bawat tao ay kailangan nating pahalagahan dahil sa oras na tao ay may kailangan andyan sila para tayoy gabayan,tulongan at suportahan sa bawat araw.At ang salitang “friend zone” ay hindi sapat na dahil upang sumuko dapat gawin natin yang inspirasyon sa susunod pa nating pag lalakbay patungo sa iyong hinahanap..

~Bon joel






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top