FULL SAD STORY !
basahing mabuti
By:franz fagarita
Paapprove po nag new story ko cute admin ty🥀❣️
——7th Grade—–
–
👦 : Ma!card ko po oh!(inabot ang card)
👩 : ..(hindi inabot) ilagay mo sa lamesa titingnan ko nalang mamaya
👦 : sige po
(Pero hanggang sa isuli na niya ang card niya hindi parin tiningnan ng mama niya)
–
——8th Grade——
–
👦 : Ma!Card ko po oh!pasok po ako sa top 10!(masaya kong salubong sa kanya pag-uwi ko galing school)
👩 : top 10 lang masaya kana?(tinabig niya kamay ko at nilagpasan ako)
👦 : Ma!(tawag ko pero hindi na niya ako kinibo)
–
——9th Grade——
–
👦 : mama!matataas po mga markang nakuha ko o!(sabay pakita sa card ko)
👩 : matataas?sapat na ba para manguna ka sa klase?
👦: sorry po ma
👩 : kung nag-aaral ka nalang at binitiwan mo na ang pagbabanda mo edi hindi ka nahihirapan?!(galit niyang sigaw)
👦 : kaya ko naman pong pagsabayin ma
👩 : pagsabayin?(dinuro niya ako) ni hindi mo nga mapantayan ang kuya mo!parating una sa klase!
👦 : sorry po ma
–
——10th Grade—–
–
👩 : oh asan ang card mo?
👦 : a-ah hindi pa po kuhanan ng card ma
👩 : kahit huwag ko ng makita!Hindi din naman kaaya-aya ang mga grado mo!
👦 : (nagsimula akong makaramdam ng sama ng loob)
–
—-11th Grade—-
–
👩 : puro ka nalang bulakbol?!!aba’y di kana mahagilap ah?!napapabayaan mo na pag-aaral mo!buti pa yong kuya mo gagraduate na valedictorian!
👦 : (naupo at nakinig lang pero di nagsasalita)
👩 : isang linggo ka ng ginagabing umuwi ah?!nag-aaral ka pa ba?!kapag bumagsak ka itatakwil kita!(sigaw niya)
👦 : (kinuyom ko nalang ang mga kamay ko at kinimkim ang sakit na nararamdaman ko)
–
—-12th Grade—-
–
👦 : M-Ma gagraduate na po ako bukas attend po ba kayo?
👩 : buti naman at gagraduate ka?!pero sigurado kulelat ka!kung naging kasing talino ka lang sana ng kuya mo!
👦 : (ngumiti nalang at marahang tumango)
–
—-Graduation—-
–
[Ken’s PoV]
Kinakabahang nakaupo ako sa unahan kinakabahan habang palingon-lingon sa entrance hinihintay ko ang mama ko.Nagsisimula ng parangalan ang mga honor students sa lower grades at kami na ang susunod. I was hoping na sana dumalo si Mama.
“Tol!” Tawag sakin ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.
“Po?”mahina kong tanong.
“Hindi man pumunta si Mama nandito naman ako,proud ako sayo” tinapik niya pa ang balikat ko.
Napangiti ako at yumakap kay kuya,”salamat kuya”
Hindi ko magawang magalit kay kuya dahil mahal ko siya. Isa siyang mabait na kapatid at supurtado niya lahat ng gusto kong gawin. Kaya kahit na parati kaming pinagkukumpara ay hindi naaapektuhan ang pakikitungo namin sa isa’t isa.
Lumilingon parin ako sa pintuan nagbabakasakali na dumating na si mama pero wala siya.
“Kuya I video mo nalang ha?tapos ipakita mo kay mama”
Tumango naman siya.
“Salamat”
Ramdam ko ang awa niya sakin pero pinilit kong ngumiti kahit ang sakit na ng nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero ayokong makita nilang nahihirapan ako.
“To give us his Valedictory speech, our Valedictorian,Mr. Ken Eljay Rodriguez!”
Rinig ko ang palakpakan nila habang unti-unti akong umaakyat sa stage para sa speech ko.
“Kapatid ko yan!” Sigaw pa ni kuya kaya natawa ang mga tao.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao hoping na dumating na si mama pero wala. Malungkot akong ngumiti saka nagsalita.
“Good morning to all of you especially to our teachers,visitors and all the proud parents who are here to witness this special day for us. Bawat estudyante na naririto” tiningnan ko ang mga kapwa ko estudyante.”Ay saksi sa bawat segundo,minuto,oras,at sa mga araw,buwan at taon na lumipas na ang pag-aaral ay hindi basta-basta. We experienced hardship but we tried our best,so here we are,ready to move on the next level.” Tumawa ako ng mapait at saka Napabuntong-hininga,”Ang hirap mag-aral diba?Pero siguro mas mahirap yong,ginagawa mo na lahat pero kulang parin?I just want you to be aware that I’m not happy for being here”napalunok ako.
“I am not happy for being a valedictorian,why?It’s because,yong taong dahilan kong bakit ako nandito,hindi dumalo para saksihan ang pagtatapos ko. Pero kahit ganon pa man,mahal na mahal ko parin siya at di ako kailanman nagtanim ng galit sa kanya. Pero siguro kasalanan ko din k-kasi diko sinabi na valedictorian ako. Gusto ko kasi siyang isurprise e.” Natawa ako at...