God’s will


Magandang hapon po sa inyo gusto ko lang po sanang e share ang love story ko baka may mapupulot po kayo dito.
Hi ako nga po pala si Princess Lyn Castromayor, isinilang sa Baranggay San Isidro Esperanza Agusan del Sur, 23 anyos na po ako.When i was 18 years old may nakilala po akung isang binata sa aming simbahan at siya ay apo ng kasama namin sa simbahan pero nagkakilala na pala kami noong 14 years old lang po ako at siya naman 18 years old na nun..To make a story short pagkatapos naming magsimba agad naman siyang pumunta sa bahay namin kasama ang kanyang lola para doon na magla lunch with my family, kumakain, nagtatawanan kaming lahat.Pagkatapos naming kumakain pumunta ako sa aming kitchen area upang maghugas ng mga pinggan at biglang nakipag usap siya sa mama ko na ante pwede po bang manligaw sa inyong anak?,kasi sa totoo lang po kahit ngayon lang po kami nagkakilala parang matagal ko na ho siyang kilala at nakikita ko po yong kagandahan sa kanyang kalooban at siguro po napakaswerte sa lalaking magiging nobyo nitong anak niyo, tapos sagot ni mama ok lang naman sa amin na manligaw ka sa aming anak pero sa kanya ka maki usap kung papayag ba siya, at syempre rinig na rinig ko yong mga pinag uusapan nila ng mama ko..To make a story short bumalik siya kinabukasan sa aming bahay 1:00 o’clock in the afternoon upang umakyat ng ligaw sa akin, kaya sinabi ko sa kanya bigyan mo lang ako ng panahon para mag isip o makapag desisyon at sabi niya naman oo sige basta maghihintay talaga ako sayong sagot..Pero sa totoo lang po hindi ko po talaga alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya kasi po takot na takot na akong masaktan ulit.Makalipas ang isang buwan nakikita ko talaga yong pag poporsige nya sa panliligaw sa akin at ramdam ko naman na mahal niya talaga ako kaya sinagot ko na siya at nakikita ko talaga sa kanyang mga ngiti na masayang masaya at hindi raw siya mkapaniwala na sasagutin ko siya kaya bumili siya ng pampa snacks para sa pamilya ko.Makalipas ang ilang weeks, months at hanggang umabot talaga kami ng 1 year or 1st anniversary namin nakita ko at nararamdaman ko talaga na sobrang mahal ako ng boyfriend ko.Tuwang tuwa sila mama at papa ko pati na yong mga kapatid ko except sa isa kong kapatid na hindi pa sila nagkikita ng boyfriend ko kasi nag aaral yong kapatid ko sa Leyte at nung dumating ang araw tumawag sa akin ang ate ko na nan doon sa Leyte na bunso magpapasundo ako sa inyo dito sa bayugan city, tapos syempre matagal na naming hindi nakikita ang ate ko kaya excited at masaya kaming lahat na makasama at makita siya kaya pinasundo na ng papa ko sa bus terminal sa bayugan..Alas 4 ng hapon ng dumating sa amin ang ate ko at sobrang saya naming buong pamilya at sabi ko naman sa ate ko na, ate boyfriend ko nga pala tapos nag shake hands silang dalawa kasi nakaugalian naman natin yan mga pinoy.Habang nagluluto na ako para sa aming hapunan sinabi ko sa boyfriend ko na d’yan ka lang ha wag kang mahihiya sa ate ko mabait naman yan at comfortable po ako na ewan ko siya doon sa aming sala kasi nandoon naman sila papa,mama at ate ko at ang iba naming kamag anak.Nung nagkakilala na sila ng ate ko madali namang nagkalapit ang dalawa at hindi ko yon binigyan ng malisya kasi nga alam ko na mahal ako ng boyfriend ko at mahal din ako ng ate ko kaya lang parang napapansin ko na parang sobra naman yong pagka sweet nila pero sabi ko sa sarili ko baka imahinasyon ko lang.Hanggang umabot na ng isang buwan ang ate ko sa aming bahay at isang araw nilalagnat ako at tumawag yong boyfriend ko na kumusta kana?,sabi ko naman heto nilalagnat tapos sabi niya wait ka lang dyan ha pupunta ako ngayon dyan upang maalagaan naman kita, sabi ko naman wag na meron naman sila mama dito at sabi nya basta pupunta talaga ako dyan ngayon ok?, napa ok nalang din ako.Alas 11 ng umaga dumating siya sa aming bahay kaya tinanong niya si mama kung nasaan ako at sabi naman ng mama ko nandon sa kanyang kwarto at pumunta naman siya, sabi niya kumain ka na ba?, sabi ko naman wala pa, kaya sabi niya sa akin saglit lang ha kukuha muna ako ng pagkain mo upang makakain kana.To make a story short matapos niya akung pinakain lumabas muna siya upang makapagkwentuhan ang mama at ate ko at ang akala ko naman nandon pa si mama sa sala namin.Hanggang lumabas ako sa aking kwarto upang kumuha ng tubig na maiinom ko at biglang nakita ko na lang at napatigil ako habang nakita ko na ang ate ko at ang boyfriend ko ay...


naghahalikan sa may sala namin, at hindi ko talaga inakala yon na magagawa nila sa akin yon pero hindi nila alam na mismong ginagawa nila ay nakikita ko at ang buong alam lang nilang dalawa ay hindi ko napapansin at hindi ko sila nakikita na naghahalikan hanggang nililihim ko nalang kahit na masakit na para sa akin kasi sobrang mahal ko na ang boyfriend ko at dahil sa sobrang pagmamahal ko sa boyfriend ko nagpakatanga nalang ako hanggang isang araw dumalaw nanaman siya sa aming bahay at agad pa talaga pinagbuksan ng ate ko ang pintuan at sabay sabi nakangiti, pasok ka!Sa totoo lang pag ang boyfriend ko ay nasa aming bahay gusto ko talaga na kung saan ako uupo at saan ako pupunta nandon palagi sa tabi ko kaya lang parang napakapangit naman tingnan kaya naisip ko na bahala nalang..Alas 6 na ng gabi sinabi ko sa boyfriend ko na ipapahatid nalang kita sa kuya ko kasi gabi na at parang delikado sa daan at sinabi naman niya na wag na lang maglalakad na lang ako kaya ko naman sarili ko kaya wala akong magawa.Pagkatapos naming maghapunan sabi niya sa mama at papa ko na, auntie at uncle uuwi na po ako kasi gabi na po at sabi pa ng papa ko na ipapahatid nalΓ ng kita sa kuya mo kaya lang sabi nya wag na po maraming salamat nalang po uncle pero yong ate ko wala namang imik kaya sabi nya, sige po tuloy na po ako.Ang buong akala ko po ay dederitso na po siya sa pag uwi kaya lang mga after 10 minutes nawala yong ate ko kaya parang ang napasok sa isip ko ay pagtataka kasi minsan ko na silang nakitang naghahalikan.At dahil hindi ako mapakali kumuha po ako sa aking cellphone at dali dali akong naglalakad sa daan kung saan dadaan ang boyfriend ko at hanggang umabot po ako sa napaka dilim na bahagi ng aming baranggay at parang may naririnig po akong parang nag uusap na dalawang tao at parang kinakabahan talaga ako at ng hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko bigla ko nalang inilawan sa cellphone ko at biglang na shock po ako sa aking nakikita na ang kapatid ko at ang boyfriend ko na parehong mahal ko ay may ginagawang hindi maganda at kitang kita ko talaga sa aking dalawang mata ang mga ginagawa nila at sabay sabing walang hiya kayo!!niloloko nyo lang ako!!At dali dali po akong umuwi sa aming bahay sumunod naman yong ate ko at boyfriend ko, pagdating ko sa aming bahay tinanong nila ako kung ano ang nangyari kasi iyak ng iyak ako na sabi ko kay mama at papa yang napakagaling kong boyfriend at ate ko ay may relasyon at nakita ko talaga ang buong pangyayari na hindi maganda kaya galit na galit sila mama at papa sa ate ko at sa boyfriend ko kaya sabi ko sa boyfriend ko na wag na wag kanang magpapakita sa akin kasi ayaw na kitang makita!! at ngayon palang maghihiwalay na tayo!..at talagang nagmamakaawa siya sa akin na hindi ko siya hihiwalayan kasi mahal na mahal niya raw ako pero hindi na ako naaawa sa kanya kasi puro sakit at galit nalang ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.To make a story short nabalitaan ko na lang na umuwi na ang ex ko sa kanyang mga magulang at hanggang lumipas ang isang taon may nakilala nanaman akong isang napakagwapong binata, maputi at sobrang lakas ng kanyang sex appeal sa mga girls at dahil din sa kanyang ipinakita sa akin na kabaitan at pagmamahal parang nahulog na rin ang puso ko sa kanya kasi sobra ding napakagwapo na lalaki kaya lang parang hindi talaga buo ang aking pagtitiwala sa kanya kasi alam ko sa sarili ko na marami ding magkakagusto sa kanya.Hanggang dumating talaga ang araw na parang maloloka ako sa takot na masaktan ulit kaya hiniwalayan ko na lang siya pero hindi talaga siya pumayag na makikipaghiwalay ako sa kanya kaya sabi ko sa kanya takot na akong masaktan at ayoko ng masaktan pa at sinabi naman niya sa akin na sige para maniwala ka talaga na mahal na mahal kita at ikaw lang yong babaeng gusto ko makasama habang buhay, papayag ka ba na mamamanhikan na ako sa inyo?,at pakiki usapan ko yong mga magulang mo at parang natutulala po ako kasi parang hindi po ako makakapaniwala.Kaya kinabukasan pumunta siya sa aming bahay upang makipag usap sa mga magulang ko at wala namang magawa ang aking mga magulang kundi pumayag nalang.May 2, 2015 namamanhikan sila sa amin at pagka May 14, 2015 kasal na namin kaagad at sobrang napakasaya ko po na may isang lalaki na nagmamahal sa akin ng totoo at sobrang nagpapasalamat po ako sa Maykapal na binigyan niya ako ng lalaking napaka mapagmahal at sobrang masayang masaya na kami ngayon.

Para po talaga sa akin mas maganda talga sa isang relasyon na kasama palagi ang Panginoon.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ang gulo ng kwento nyo pero at least till the end maganda ang kinalabasan ng storya nyo po may happy ending parin. may mga taong sinusubok ang ating pagmamahal sa kanila at un ang maging daan para makahanap ka ng mas worth it pa.

Leave a Reply


top