Green Card to your Heart Book 2 Chapter 4


Sa tindi yata ng gutom ni Danica hindi na nya inintindi ang presensya ng binatang nasa harapan nya.
Sunod sunod ang ginawa nyang pagsubo (, although may finesse parin naman,) na para bang may hinahabol na kota.
Maya maya pay malinis na ang plato ni Danica.
Shet.. gusto ko pa.. konti lang yung nakuha ko.. babalik pa ako.. round 2
Akmang iaangat na ni Danica ang kanyang plato nang mapansin nya ang pinggan ni Clark.
Halos hindi pa nya nagalaw ang laman nito.
Huh? Ako lang ba ang kumakain?
Hindi danica sadyang nagutuman ka lang kaya ang bilis mong makaubos ng pinggan.
Napaismid sya.
Eh ano naman.. eh sa gutom nga ang tao..
Hindi kaya ako masyadong nakakain kanina eh pano ba naman puro mga pasosyal ang mga nakasabayan naming kumain..
Feeling ko binibilang nila yun inilalagay ko sa plato ko..
Tsk! Ayan tuloy nahiya ang tyan!
At pagkatapos lumipad naman ang tingin nya sa mukha ni Clark.
He is staring at her na para bang nakakita ng multo.
‘Ba-bakit?’ Biglang nailang si Danica at muli nyang inilapag ang pinggan sa mesa.
‘Ah.. you have.. here..’ tinuro ni Clark ang gilid ng bibig nya .
‘Ha?!’ Naalerto si Danica nang biglang natayo si Clark at dumikit ng bahagya sa kanyang mukha.
Bago pa man makaiwas si Danica ay mabilis na pinaraanan ng hinlalaki ni Clark ang gilid ng kanyang labi at Pagkatapos ay bumalik muli ito sa kinauupuan.
‘You missed one rice.’ Nakangiting sabi ni Clark matapos ilagay ang daliring ginamit nito sa kanyang bibig.
Namumula ang mga pisnging napasapo ng sariling labi si Danica.
‘iew! Iluwa mo nga yan!’
‘Hahaha.. wala na nalulon ko na.’
‘Para kang tanga.. sinabi mo na lang sana. At ako na ang nagpunas..’ nahaba ang nguso ni Danica.
‘Hey dont be mad.. nag magandang loob lang ako.. ang ganda ganda mo tapos may kanin ka sa labi.. para kang bata..’
‘Eh di wow.. bolero!’ hmp!
Pero ano daw.. maganda? Ako?
Gusto nyang sampalin ang sarili dahil sa kilig na dinulot nito sa kanya.
Gaga! Cge mag pa bola ka nang mahulog ka sa bitag nya ..ikaw rin anjan lang ate mo sa tabi tabi..
‘You’re welcome.. Here nakalimutan mong uminom..’
‘Huh?..’ napatitig sya sa baso ng tubig na iniaabot ni Clark.
She timidly took it from him.
‘Salamat..’
Libang na libang na pinood ng binata si Danica habang nainom ito ng tubig,
Actually kanina pa nya ito inoobserbahan
She probably looks like a grown up woman but she acts like a child.
Wala paring pinagbago.
Sya parin ang Danicang nakilala nya sa pilipinas.
Walang kaarte arte sa kilos at pananalita,although mas mahinhin sya ng konti ngaun kaysa dati pansin nya..
Naalala nya tuloy ng minsang inilibre nya ito sa isang fastfood chain pagkatapos nilang dumalo sa reception ng kasal nila Marco at Fria na ginanap sa isang hotel.
-flashback 2 years ago-
‘Hindi man lang ako nabusog sa catering nila ate ..sana pala nag jolibee na lang ako..’
Narinig nyang bumulong si Danica habang nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyang nanundo sa kanilang mga abay , kabilang silang dalawa sa mga abay na laman ng van. They were seated nxt to each other that time at hindi pa sila masyadong close noon.
‘Do you want to eat there?’ He whispered with his eyes looking outside.
‘Huh?!ah ..’ nagulantang na napalingon sya kay Clark
‘Lets go.. hindi ko rin type ang pagkain sa resto.. ano? Game?’he smirked.
Tinignan lang sya ni Danica na may halong pagdududa.
‘Dont worry may peso ako.. basta ba alam mo yung bababaan natin.. i dont know anywhere around here..’
‘Sigurado ka? Okay din sayo?’
‘Oo. Naman..sandali lang tayo.. kung gusto mo take out na lang natin..’
Nanahimik muna si Danica ,and then of all the sudden she half stood from her seat and she shouted to the driver.
‘Kuya para muna kamj sa tapat ng jollibee !’
Pagkahinto ng van ay agad na hinarap sya ng dalaga.
‘O ano tara na dali!’ She said excitedly.
Sa tanang buhay nya noon lang nya naexperience kumain sa isang fast food chain na nakabarong mas lalo na ang may makasabay na nakagown na dalaga habang nakain ng burger at fried chicken hindi alintana ang usyoserong mga mata ng mga taong nakapansin sa kanila.
Napagkamalan pa nga silang bagong kasal na nag pre prenup para sa isang phot shoot dahil sa itsura nila.
They just laughed at hanggang sa kanilang...


pag uwi walang patid ang tawanan nilang dalawa dahil sa ginawa nilang pag eskapo.
It was the beginning of their friendship
Hanggang sa kalalunan ay unti unting lumalim nang lumalim and before he even realized
He was fallen deeply attracted or rather in love?with her.
Until he made a big mistake of confessing his true feelings and finally screwed up the friendship that they had started…
-end of flashback-
‘Huy! Hindi mo ba gagalawin ang pagkain mo?’ Hindi na nakatiis si Danica kanina pa kasi nakatitig ito sa kanya. Lalo lang syang nailang sa harapan nito at tuluyan ng nahiyang bumalik muli sa buffet table.
‘Ha.. ah eh.. yah.. sorry..’
napababa ng tingin si Clark sa kanyang pinggan at bahagyang ginalaw galaw ang laman nito.
Damn.. do i look too obvious?
Did i just let her know how i miss her so badly?
‘Um.. cge na.. mauna na ako sayo.’
He lifted his head immediately pagkarinig nyang sabi ng Dalaga.
‘Wait.. tapos ka na bang kumain..’ bigla parang nawalan sya ng sigla sa sinabi ng dalaga.
‘Oo. Okay na ako.. balik na ako sa loob.. baka kasi hinahanap na ako ni Ate..’
hindi nya magugustuhan pag nakita nyang magkasama tayo
Malilintikan ako dun pagnagkataon…
nagpunas muna sya ng bibig gamit ang baon nyang tissue, at saka sya tumayo na
Napatingala lang mula sa kinauupuan nya si Clark habang nakatingin sa maamong mukha ng dalaga.
His heart skipped for a second
I miss those lovely eyes of her.
And those pair of lips.
That once haunted my dreams and wished that i could kissed them the way i wanted it to be kissed..
Napalunok ng laway si Clark ng bahagyang naawang ang labi ng dalaga.
She unintentionally bit her lower lip for some reason he dont know.
All he knew is the sudden urge of pulling her into his embrace , take her into his arms and kissed her like there is no tomorrow.
Napaatras si Danica.
Bakit ganyan sya makatingin sa kin?
Parang hinuhabaran nya ako..
Loko loko to ah.. ano kayang iniisip nito?
Ring!!
Tila nahimasmasang napakurap kurap ng mata si Clark.
What the hell just happened?
‘Telepono mo ata yung natunog..’ sabi ni Danica
‘Ha? Ah eh..oo nga’ natutulirong napakapa sya ng bulsa.
Damn! Where is that fucking phone!
‘Ayan yun phone mo nasa ibabaw ng mesa’
‘Ah oo nga .. ‘ fuck you Clark lalo mula g pinahalata kung gano ka kasabik kay Danica.
Nakakahiya ka!
‘Um.. hello..’ he tried to talk as casually as he can para maitago ang tensyon sa boses nya.
‘Clark… palabas na kami.. leave her alone now…’
‘What?!’ Napaikot ng leeg si Clark and then he saw Marco from the front door of their house waving at him.
‘Fria will be very please to see both of you chit chatting over there.. ‘
‘Damn you.. wala naman akong ginagawang masama..’
‘Im not worried about you.. but for Danica.. if you know what I mean..’
Napalingon sya kay Danica na muling naupo sa tabi nya at may tila kachat din sa phone. Nang walang ano anoy napatayo ito, bakas ang takot sa mukha, nangungusap ang mga matang napatitig ito sa kanya at maya maya pay dali daling naglakad palayo patungo sa kinaroroonan ni Marco.
Nalilitong sinundan lang nya ng tingin ang papalayong dalaga.
‘Did you just told her to leave me as well?’ Naiiritang tanong ni Clark
‘Hey dont be angry.. maybe its my wife.. but dont worry nasa loob pa sila .. sa living room.. nauna lang akong lumabas just to warn you.. cge na papalapit na dito sa Danica. Ill call you later..’
‘But Marco-..shit! Damn it!! ‘ Marc0 just hanged the call.
Whats wrong with Fria anyway..Nag uusap lang kami..
Hindi ako makapaniwala.. hanggang ngaun..hawak parin pala sya ng ate nya..
Fria cant be like this with her own sister forever..
She has a life of her own for God’s sake!
He sighed heavily while looking at her vacant seat just beside his own chair. And then to the lady who is still standing in front of that door facing at him looking sad and somewhat apologetic before finally went inside.
‘I miss you.. Danica.. i really do..’ he whispered
—————
Di ko kayo matiis😘
Baka kasi ibash nyu din ako pag walang update ang lola nyo
Libangan lang naman po ito no money involved..
(Sana nga meron hehehehe)
Happy reading…..‘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top