HANGGANG SA HULING HANTUNGAN.


Bata pa lang ako noong naririnig ko na sinasabihan nila si mama ng pokpok at masasamang salita.
Tinanong namin siya kung totoo ‘yun at umamin siya na totoo ang lahat ng ‘yon. Tinanggap namin siya because she’s still our mother.
Ang masakit lang nagsimula na akong bullyhin ng mga kaklase ko dahil sa nakaraan ni mama.
“ Pokpok ang mama. ”
“ Kung sino-sino na ang tumira! ”
“ Baka nga anak ng kano ‘yang si Lawrence eh. ”
Lahat ng sinabi nila ay inignora ko kahit ang totoo ay gusto ko ng ipagtanggol ang sarili ko. Ang hindi ko lang matanggap, sa mismong kapatid ko pa malalaman ang totoo.
“ H-hindi bayarang babae si mama. Nagsinungaling lang siya satin, Lawrence… ”
All those years na kasama namin siya, akala...


namin okay lang siya, akala ko totoo na siya samin. Hindi pala haha.
Wala sa sarili akong naglakad papunta sa kaniya—sa kabaong niya. She’s dead, apat na araw na ang nakalilipas at ngayon ang libing niya.
Hanggang sa huling hantungan nagsinungaling pa din siya.
“ Mama… ”
Huling tawag ko na ito dahil alam kong wala ng sasagot sa’kin.
“ B-bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Ba-bakit hindi mo sinabing pagod kana? ”
Ang sakit. Wala kaming kaalam-alam na ‘yong mama namin ay may leukemia, pakiramdam ko wala akong kwentang anak.
“ Bakit nagsinungaling kaa?! ”
Akala ko mas masakit ang lumaking walang kinikilalang ama, mas masakit pala ang mawalan ng ina.

Written by: Rain Marshall.
Plagiarism is a crime.
Photo credits to the real owner.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top