HATE THAT I LOVE YOU CHAPTER 8


“Ala may katext siya, sino yan ha? Cedric yan noh? Ayiee kilig na yan.Si ate Trish nagdadalaga na” pang-aasar sa kanya ni Troy. Binato niya ito ng malambot na unan. Pero ang loko nakaiwas!
“It’s about work you idiot! And stop pissing me off. Or else I will tell to dad all the stupid things that you do in your university.”
“Jinojoke ka lang naman ate. Di ka naman mabiro.Mamaya sabihin mo pa kay Kate ehh. Diyan ka na nga. Pangit mo kabonding.”naririnig niya ang mahihina nitong tawa habang paakyat ng hagdan.
” Mom! I will go back to the company. Don’t worry I’ll go home early.”pagpapaalam niya. Nasa garden kasi ang mga ito at magkakausap. Ang daddy, mommy at Tita Thalia niya.
” Okay lang na gabihin. May maghahatid naman sayo. We know he will take of you. “alam niya na ang tinutukoy ng mommy niya. Ang Tita Thalia niya ay nakangiti lang.
“It’s great mukhang boto kayo sa lalaki. Pati rin ba ikaw Ty? Trisha is your only daughter. I know how you protect her since she was a kid. Paano kung mag-asawa na yan?” pagbibiro ng Tita niya. Ang mommy niya ay mahina lang tumawa.
“Well as long that I know who’s the man it’s okay. But I want to know him more. Kung sa kanya niya nga mapupunta ang anak ko. No one can hurt my daughter. I’m willing to kill if that happens.” na touch siya sa sinabi ng daddy niya.She know how her dad loves her. Simula pagkabata makukuha niya lahat ng husto niya kahit di niya pa sabihin na kailangan niya ito.
“I will leave na. Bye I love you all.” at tuluyan na nga siyang umalis doon. Pagkalabas niya ng bahay. Nabigla siya na may naghihintay na kotse sa kanya sa labas.And she knows.Kung sino ang may ari noon.
“What the! What are you doing here? You have work diba? I tell you naman we have a lunch. And it’s not an excuse.” hindi agad siya nito sinagot. Mukhang gustong Gusto na nakikita ang naiinis na ekspresyon ng mukha niya. The hell!
“Di ba obvious? Sinusundo ka. Wag mong sabihing babalik ka pa sa kompanya niyo. Kayo naman may ari noon. Kahit wag ka na magtrabaho.” wika nito sa kanya. Ehh bakit siya sinusundo? San sila pupunta? Wait she shouldn’t be excited.
“At sino ka para sabihin sakin kung ano ang dapat kong gawin?You be minding your own business.”
“I’m your future boyfriend and your my business, Trish” diretsahan nitong sagot. Walang paligoy ligoy.
“And who the hell who tell you na sasagutin kita? And your not even my suitor. Di ka naman nanliligaw. So shut up, Engineer!” pilit niya lang pinapainis ang boses niya.May kinuha ito sa loob ng kotse. At ibinigay sa kanya ang isang bouquet ng mamahaling roses. The heck! Why is he giving her those things? Totohanin talaga ehh noh?
” Starting today. I’m courting you. I will not stop until I get you.”
“But -”
“No more buts” putol nito sa sasabihin niya.
“But I’m not giving you my permission!”bakit ganun imbes na makaramdam siya ng labis na Inis ay parang natuwa pa siya sa narinig at nagkukunwari lamang na Di niya nagustuhan ang winika...


nito.
” Well I’m not asking your permission. I’ll do what I want.”pambabara nito sa kanya.
” You’re crazy! This is grrrrrr.”naiinis niyang sabi.
” Well you should be happy. Manliligaw mo ang nakakuha ng first kiss mo.”
” Shut up! What if someone heard you?! Don’t your ever come again! Di ka na makakapasok sa mansyon.”natawa na lang ito sa sinabi niya.
” I will go inside na lang! And you go home or go back to the company. Pakisabi kay Kuya Tyler. That I’m not in the mood! Don’t want to see your face”hapon na rin kasi.Pero hinawakan nito ang braso niya. At ipinasok siya sa kotse.
” What the? What do you think you’re doing? I will not go with you.” bubuksan niya na ang pinto. Pero nilock nito. At di niya kaya.Dahil nakaremote control iyon. Gusto niyang ihampas dito ang ibinigay na bulaklak. Pero bad idea madadamay sa Inis niya ang magandang bulaklak.
” You have no choice. And besides sinabi ko sa kapatid mo.” malapit na siyang sumabog sa Inis. Pero may parte sa puso niya na parang masaya siya dahil makakasama niya ito. What the hell is she feeling like this?She should mad and pissed off.
“This is so insane. I’ll call ate Fatima.” bulong niya. Nasa shotgun seat siya at ito sa driver seat. Dapat dun nalang siya sa passenger. Para magmukha itong driver. A handsome one.
Ilang ring muna bago ito sumagot.
“Hi Trish! Ano na? Musta na?Kayo na ba ha? Mukhang may di ka sinasabi sakin. Tampo na ko sayo” alam niyang nagbibiro lang ito. Ang ate Fatima niya pa.
“Ate! I’m okay. How about you? Kayo ni Kuya Tyler? Si Baby Timothy? Gosh! I’m so so annoyed to your best friend”
“Sino yang kausap mo? Si Fat ba?” tanong sa kanya ni Cedric habang nagdadrive.Niloud speaker niya na rin dun rin naman mauuwi yon.
“Woah! Magkasama kayo ahh. Ano yan ha? May dapat ba akong malaman. Anong base na Ced?” nang-aasar na tanong ng ate Fatima niya sa kabilang linya.
“Ate! It’s not what you think. And I don’t know kung bakit ginagawa to ng best friend mo! Grrr nakakainis.” mahinang tawa lang sa kabilang linya ang narinig niya.
“Fat, paano mapatahimik ang isang babae? Daming reklamo ng sister in law mo.”pagsusumbong nito. Nginisian lang siya nito. Sinamaan niya lang naman ito ng tingin.
“Aba malay ko gawin mo on your own way. Halikan mo tatahimik yan.Hoy joke lang. Wag mong totohanin. Yari ka sa asawa ko na kapatid niyan.”agad rin nitong binawi ang sinabi.Piling niya pulang pula na ang mukha niya.
” Pwede rin”siraulo talaga. Mali ang suggestion ng ate Fatima niya. Mabuti ng tumahimik. Baka gawin nga.
“Enjoy kayo ha! Ge bye na. Mamaya nakakaistorbo pala ako.Yari ka sakin Ced! Wala kang gagawing masama diyan ha.” at namatay na ang tawag.
“Wag kang mag-alala punta lang tayo sa bahay. Pakilala kita kay Tita.” wika nito sa kanya. Napansin nitong nakakatitig siya dito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Wrong move Trish! And what on earth is going on. Liligawan daw siya nito.
A/N:Comment your reactions❤️The more you hate the more you love😂Kapag tinamaan ka, tinamaan ka🤣okay ng mahulog may sasalo naman sayo ehh👌😉❤️labyuu all readers❣️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top