HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 14
Nakahiga si Keziah sa kama niya. Nakatakip ang unan sa mukha niya. Naalala niya kasi kung ano ang sinabi niya kay Drake kanina. Mabuti na lang at kinailangan ito sa kompanya kaya di man nito gusto umalis ay kailangan. Inaamin niya na na lungkot siya dahil Iniwan siya nito parang gusto niya tuloy pumasok ulit sa kompanya.
“Anak, maayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti na lang at napainom ka ni Drake ng gamot.” sabi ng mama niya na kakapasok lang sa kwarto niya. May dala rin itong pagkain para sa kanya.Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya.
“Ahhm ayos na naman Ma, pwede na nga akong pumasok bukas ehh” sagot niya dito at ngumiti. Niyakap naman siya ng mama niya.
“Anak alam ko kung ano ang namamagitan sa inyo, mahal mo na rin siya diba?” medyo nagtaka pa si Keziah sa sinabi ng mama niya pero kalaunan ay naintindihan niya rin.
“Ma sorry pero nagpapanggap lang po kami, boss ko po talaga siya, sorry po talaga” hinaplos lang ng mama niya ang buhok niya habang nakayakap siya rito.
” Pero anak alam ko mahal ka ni Drake” tumatango tango naman siya rito.
“Sinabi ko niya nga po sa akin at umamin na rin ako sa kaniya. Pero natatakot po ako na baka masaktan lang ulit katulad ng dati. Baka lokohin niya lang rin ako at ipagpalit sa iba.” rinig niya ang pagbuntong hininga ng mama niya.
“Anak walang nakakaalam kung anong pwedeng mangyari, wag ka masyadong mag-isip maloloka ka lang, piliin mo yung kung anong makakapagpasaya sayo, wag mo munang pairalin ang takot. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan.” kapag kailangan niya ng mga payo lagi naandiyan ang mama niya.
” Ma kung magiging kami nga ni Drake, magiging masaya po ba kayo ni papa para sa akin? “tanong niya sa mama niya.
” Aba oo naman, botong boto nga kami sa kanya ehh, bihira na ang ganoong lalaki anak, Sige ka baka mawala siya sayo”sabi ng mama niya at kinukurot ang bewang niya.
“Hindi ko hahayaan mangyari yun,mangangalbo talaga ako.” natawa naman ang mama niya sa sinabi niya.
“Sinagot mo na ba siya anak? Kayo na ba?” di naman agad siya nakasagot.Dahil hindi pa sila ni Drake.
“Patay di ko nasabi Ma, umalis agad kanina ehh.” sabi niya dito.
” Edi sabihin mo sa kanya kayo na, bukas pagpasok mo sabihin mo sa kanya pero baka may mabinat ka, sa ibang araw na lang” sabi ng mama niya.
“Bukas na lang Ma, magaling na ako bukas, ikaw kaya doctor ko” natawa naman ang mama niya dahil sa sinabi niya.
“O sige diyan ka na, maaga ka matulog” kinapa nito ang noo niya. “Hindi ka na rin mainit maayos na ang pakiramdam mo bukas paggising mo. Kung papasok ka bukas ay sakit lang ha, sabihin mo lang kay Drake na kayo na talaga tas umuwi ka na agad.” tumango naman siya sa mama niya.
Ipinikit niya ang mga mata para makatulog na.
Nagising si Keziah na maayos na ang pakiramdam niya. Wala na siyang sakit.Pero kailangan niya pa rin uminom ng gamot upang makasigurado.
Naligo siya pero saglit lang dahil papasok na ulit siya sa kompanya. Pagkatapos ay nagbihis na siya ng pang-opisina. Itinali niya ng pa ponytail ang mahaba niyang buhok at naglagay ng konting make-up.
“Good morning mama” sabi niya sa mama niya at yumakap dito.
“Good morning papa,” sabi niya sa papa niya at yumakap din diyo sabay halik sa pisngi.
“Iba talaga ang anak ko kapag nagkakasakit bumabait” pang-aasar ng papa niya.
“Pa naman ehh” sagot niya dito.
“Pero Lalong gumaganda, siyempre mana ka samin ng mama mo ehh, sabihin mo na lang sa akin kapag niloko ka ng lalaking iyon, paaabangan natin diyan sa labas” pagbibiro ng papa niya...
next po plzzz..🙏