Hiding The Emperor’s Twins Kabanata 1|Part 2


Hiding The Emperor’s Twins°°
Kabanata 1|Part 2
“Kung ganoon po ay… Ang kapatid ko po ang sinasabi niyong bata?” Nakataas kilay na sabi ni Gena. Ngumite ako sa kanya at tumango. Hindi ko aakalain na kapatid pala ni Gena ang nag bigay sa akin ng mangga. “Ano nga ang pangalan mo?” Tanong ko sakanya.
“Ako po si Gio. Apat na taong gulang.” Maikling sagot niya. Napakabata naman niya para magtrabaho sa labas. Kung sabagay, wala rito ang kaninalang mga magulang. Lumapit sa’min si Gena.
“Xhianna. Nakahanda na ang silid na iyung tutulugan akin na ang mga bagahe mo para maayus ko na.” Wika nito. Umiling ako. “Ako na ang gagawa. Nababagot na ako kapag nakaupo lang.”
Tumango siya at sinamahan ako papunta sa magiging silid ko. “Dito po tayo. Pasensiya na kung maliit.” Nahihiya siyang yumuko at kumamot sa batok. Natawa lang ako at tinapik siya.
“H’wag kang mag alala. Maari ko ba akong ikuha ng mangga. Kinulang ako sa kinain.” Bungisngis Kong sabi. Taka niya akong tiningnan at naglakad paalis.
“Nagtataka ako sa iyu kamahalan.” Rinig kong sabi niya. Ako ka rin eh, nagtataka ako kung bakit gustong gusto ko sa mangga. Dati naman ay ayuko sa ganong prutas dahil...


mas yadong maasim.
Nagbuntong hininga na lang ako at kinuha ang isa sa mga bagahe. Mag aayus muna ako ng gamit. Maganda naman ang silid na binigay sa’kin ni Gena.
.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makitira ako dito kina Gena. At halos dalawang linggo na rin akong nagsusuka. Hindi ko nga alam Kong bakit eh pero tumataba narin ako.
“Xhianna. Talaga bang ayus kana?” Nag aalalang tanung ni Gena. Tumango ako. “Gio, kumuha ka ng tubig.” Utos niya sa kapatid niya. Agad namang umalis si Gio at pumunta sa kusina.
“Kung pumunta na kaya tayo sa manggagamot. Baka totoo ang hinala ko.” Bulong niya habang hinahagod ang likod ko. Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”
“Kamahalan. Posible pong nagdadalang tao kayo.” Natigil ako sa sinabi niya. Ano?! Imposible ‘yun! Hindi kami nag- na alala kona. Apat na linggo na ang nakakaraan.
“H-hindi ko alam. Pero k-kung totoo nga ‘yang sinasabi mo sige.” Pag sang ayun ko. Kinakabahan ako sa maaring mangyari.
“Pa’no kong totoo? Sasabihin niyo po ba?” Natigil na naman ako. Sasabihin ko ba kapag totoo? Natatakot. Natatakot ako na bumalik sa lugar na ‘yun.
“M-makikita natin.”
Sana nga.
____
End Of Chapter One






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top