Hiding The Emperor’s Twins Part 1


Hiding The Emperor’s Twins°°
Kabanata 1| Part 1
“Andito kana pala. Halika samahan mo akong kumain ng mangga.” Pag aaya ko kay Gena na kararating lang. Halata na napagod siya sa pagdala ng dalawang bagahe ko. Ngumite siya sa’kin at nilapag ang hawak niya bago umupo sa tabi ko.
“Pasensiya na po, Xhianna. Natagalan ako.” Pagpapaumanhin niya. Marahan ko siyang tinapik sa braso. “Naku ikaw. H’wag kang mag alala. Hindi naman ako nababagot kakahintay.”
“Gano’n ko ba? Pero sa’n niyo po ‘to nakuha?” Sabay turo sa kinakain kong mangga. “Hindi po ba’t wala kayong dalang pera?” Mahina akong natawa sa sinabi niya.
“Yan ba? Naku, nakalimutan kong bayaran ‘yung bata.” Mahinang bulong ko pero narinig parin ni Gena. Ngumite ako, nasaan na nga ba ang batang iyun?
“May nakausap po kayo?” Tumango ako. “Tama ka d’yan Gena. May nakausap nga akong bata ngunit bigla naman siyang naglaho.” Napakamot ako sa batok. Hindi ko kasi napansin.
“At siya ang nagbigay nito. H’wag kang mag alala masarap ‘yan.” Pagkukumbinsi ko. Matalim niyang tiningnan ang mangga. “Ayaw niyo po sa maasim hindi po ba? Bakit po kayo kumakain niyan?”
“Gena. Hindi ko rin alam. Kaya kumain kana, baka maubos ko iyan.” Nang aasar...


kong sabi. Ngumite siya at kumuha ng isa. Kita ko ang pag aliwalas ng kanyang mukha at alam kong nasarapan siya.
“Masarap nga, Xhianna.”
.
“Kung ganoon nakatira ka rito?” Tanung ko sa kanya habang nakatingin sa maliit ngunit magandang bahay. Nahihiya siyang tumango at napakamot pa sa batok. “O-opo. Pagpasensiyahan niyo na po.”
Hinawakan ko siya sa balikat. “H’wag kang mag alala. Sanay ako sa ganitong bagay kaya hindi ako magiging pabigat. May kasama ka rito?”
Biglang nawala ang ngite niya sa labi na ikinataka ko. “Bakit?”
“Wala po iyun. Pero tanging ang nakakabata kong kapatid ang kasama ko rito. Ang mga magulang ko ay nasa Minahan ng mga Lee.” Wika nito.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Minahan ng mga Lee? Pamilyar sa’kin ang lugar na ‘yun. Saan ko nga ba ito narinig?
“H’wag kang mag alala. Tutulungan kitang makita ang iyung mga magulang kaya tumahan kana.” Pagtatahan ko sa kanya ng magsimula siyang umiyak.
“S-sige po. Halina po kayo.” Ngumite ako sa kanya at sumunod. Pagpasok ko ay mangha akong nakatingin sa mga litrato.
“Ate?!! Naka — Ikaw!”
Napalingon ako sa likod ng makita ko ang batang nagbigay sa ‘kin ng pagkain. “Magandang araw:)”
“Magkakilala kayo?”
______
Paarpve po






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top