Hiding The Emperor’s Twins°°
Author: Rheanne
Prologue
“MAHAL na Empress. Pwede na po kayong pumasok.” Ngumite ako sa kanang kamay ng Emperador at naglakad papasok. Nadatnan ko siyang abala sa pagpirma ng papeles na alam kong importante.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Hindi pa niya ako napapansin dahil masyado siyang babad sa trabaho. Huminga ako ng maluwag.
“Ehem! Kamahalan? Pwede ko po ba kayong maka-usap?” Agaw pansin ko. Tumigil siya sa pagpirma at tumingin sa ‘kin. Malamig at walang ka emo-emosyon ang muka niya pero Hindi ko na iyun pinansin.
“Alam mo namang marami akong trabaho Hindi ba?” Malamig na tanong niya at may halong pagkasarkastiko ang boses niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
“Pumapayag na ako.” Kalmado kong sabi. Natigil ulit siya at taka...