HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN PARA MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASAN
“Hindi ka ba nahihirapan? Araw araw mong bitbit ‘yang kapatid mo.”
“Bakit hindi mo na lang iwan sa bahay? Wala ba kayong magulang?,”
Sa totoo lang, marami naman talagang paraan para iwan ang kapatid ko at makapasok ako ng maayos, pero mas pinipili kong isama siya araw araw sa skwelahan para hindi ako nag aalala sa t’wing hindi kami magkasama.
“Justin, baka naman hanggang sa recognition kasama mo ‘yang kapatid mo? HAHAHAHAHA.”
Hindi naman siguro kumpleto kung walang mga taong kukutyain ka at ibababa.
“Bago mamatay ang Mama at Papa ko ipinangako ko sa kanila na kahit saan man ako pumunta isasama ko ang kapatid ko. Hindi ko siya iiwan.” malumanay na tugon ko.
Apat na taon ako at walong buwan naman ang kapatid ko ng mamatay si Mama at Papa. Napagbintangan sila sa kasalanang hindi naman nila ginawa.
Naiwan kami sa tita ko pero hindi niya kami kayang buhayin kaya lumayas na lang ako at isinama ko ang kapatid ko. Mag tatalong taon na siya ngayon habang ako naman ay siyam na taon na. Pipilitin kong makatapos para sa kaniya.
Sinubukan ko naman dati na iwan sa mga kapitbahay ang kapatid ko para makapasok ako sa school pero sa t’wing umuuwi ako ay puro pasa...