HINDI LAHAT NG EDUKADO MARUNONG RUMESPETO


HINDI LAHAT NG EDUKADO MARUNONG RUMESPETO
(take time to read this)
“Naku good na sana yung araw ko eh nakita ko lang ang babaeng ito” pagpaparinig sakin ni Jianna ang top 1 samin and a campus bully.
“Ay ayan na yung dukha sakit sa eyes”hirit naman ng kasama niya.
Hindi ko na lamang ito pinansin at akmang lalakad na ng harangin ako ng mga tropa niya.
“May itatanong lang kami”saad ng mga alipores niya at tinignan ako mula paa hanggang ulo.
“Ano?”
“Bakit ka pa nabuhay sa mundo kong dala mo lang ang pagiging bobo?”natatawang saad nito,nadinig naman ito ng iba kaya’t tumawa silang lahat.
sari-saring bulungan,sari-saring kutyaan.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
“Nabuo ako sa mundo dahil may plano ang Diyos sakin”nakangiti kong saad
Sarkastiko naman itong tumawa at napangiwi naman si Jianna.
“Wag mo idamay ang Diyos dahil sa mukha mo pa lang halatang hindi ka niya nilikha”rinig kong saad Bea isa sa mga kaibigan ni Jianna.
“Ang mga mahihirap kasi na tulad mo ay hindi bagay sa school na ito kaya kong ako sayo aalis nalang ako”saad ng isa kong kaklase at ngumiti ng mapang-asar.
Ang school kasi na pinapasukan ko ngayon ay isa sa pinaka sikat na school dito sa Asia,nakapag aral ako dito dahil sa pamamasura ni papa at pagtitinda ni mama ng mga kakanin.
sa totoo lang ayaw kong mag-aral sa school na ito,sila mama lang ang may gusto kasi gusto nilang maipakita sa lahat na proud silang nakapag-aral ako dito ngunit nanghihinayang ako dahil hindi ako ganun katalino para maging scholar sa school na ito.
bigla naman nagtaas ng kamay si Jianna.
“Guys stop na wag kayong ganyan kay Zarina alam niyo naman since birth bobo yan kaya please tumigil na kayo”saad nito palihim akong napailing.
umalis na ako kong nasan sila ngunit dinig ko parin ang tawanan nila.
Nang mag-aral ako sa school na ito wala akong ibang narinig kundi pang iinsulto,Oo hindi ako matalino pero may mabuti naman akong puso at yun ang pinagmamalaki ko.
alam ko balang araw aangat din ako.
YEARS had passed,naka simpleng damit lang ako jeans at t-shirt ng papunta ako sa kompanya ko ngayon.
Ganito talaga ako ayaw kong masyado akong tingalain ng iba dahil lang sa may ari ako ng kompanya.
pagdating ko agad nila akong binati at ang iba pa ay nagbow tango at ngiti lang ang sinukli ko sakanila bago pumasok sa office ko.
Dumating naman ang secretary ko at may mga pinapipirma sakin.
“Ahm maam”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Santiago”saad ko habang pinipirmahan ang mga dala niya.
“Eh kasi maam sa restaurant po ninyo may mga magkakaibigan na nangugulo dahil lang sa babaeng biglang pumasok at nagtinda po ng kakanin”mahaba niyang saad
“Si manang Rosy?”I asked,tumango naman siya.
agad akong tumayo at nagtungo sa restaurant ko.
Hindi kalayuan ang restaurant sa kompanya ko kaya mabilis lang akong nakadating.
Bumungad agad sakin ang bulungan at nagkalat na mga paninda.
Sa pinaka-dulo naman rinig ko ang tinig ng babae at nakita ko naman si manang Rosy na nakaluhod.
Kinalma ko ang sarili ko at lumapit dito.
“What’s happening here?”I asked,una kong nilapitan si manang at inakay patayo.
“Is that Zarina?”
“oww look who’s here”
naging seryoso naman ako ng makita ko kong sino ang mga taong nasa harapan ko.
“Nanay niya ata ang pulubing yan eww”
“Alam mo bang may rules sa restaurant na ito bawal pumasok ang mga kagaya niyong dukha”diin na saad ni Jianna.
napatingin ako sa sahig,nagkalat ang mga pagkain tinitinda ni manang Rosy.
huminga ako ng malalim at ngumiti.
“wag ka nga ngumiti,i hate it psh!”singhal nito sakin,as usual ay kasama niya ang mga tropa niya.
“Ano nga ulit ang tinapos niyo Jianna? At ano na mga...


trabaho niyo ngayon?”nakangiti kong tanong,tinaasan naman niya ako ng kilay at proud naman na ngumiti yung iba.
“Isa lang naman akong doctor”
“Nurse here”
“Lawyer”
Sarkastiko naman akong tumawa na ikinapagtaka nila.
“Totoo nga ang sinabi nila”saad ko
“what?!”
“Na hindi lahat ng edukado marunong rumespeto”nakangiti ko ulit na saad,kita ko ang pagka-inis sa mga mukha nila.
“How dare you!!”
“Hindi naman kayo karespe-respeto”
“Inggit ka lang dahil kami nakapagtapos habang ikaw bobo and still dukha”
napatawa ako ng mahina sa mga sagot nila.
“Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao,mababa man ang pinag-aralan ko kong marunong naman akong rumespeto daig ko pa ang edukado”I said then smiled.
Rinig ko ang palakpakan ng mga ibang kumakain sa restaurant,at ang iba naman na kasama ni Jianna ay natahimik.
Hinawakan ko ang kamay ni manang Rosy.
“Magsorry ka sakanya”saad ko
“ayaw ko nga,deserve naman niya yan ang baho baho niya pa hindi niyo ba alam na sikat ang restaurant na ito kaya bawal ang mga katulad niyo dito”singhal niya sakin.
“PAKITAWAG NGA YUNG MAY ARI NITO NG MAPAALIS NA ANG MGA DUKHA NA ITO”sigaw ng kaibigan niya
lumapit ang mga crew at nakayukong tumingin sakin.
“what?! ang sabi ko tawagin niyo yung may ari pa–”
“Si Miss Zarina po ang may ari ng restaurant na ito”singit sakanya ng tauhan ko.
Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.
“Are you hella kidding me?!”Sigaw niya
lumapit sakin ang mga crew at yumuko
“Pasensya na po maam hindi namin napigilan ang gulong ito”
tumango lang ako
tinignan ko sila Jianna.
“H-how?”she asked at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Proud akong ngumiti sakanya.
“Hindi medalya,diploma o katayuan mo sa buhay ang basehan para umasenso ka,hindi ako nakapagtapos pero madiskarte ako,hindi man ako kasing talino mo pero hindi ibig sabihin na bobo na ako.wala nga akong diplomang maipagmamalaki pero meron naman akong wala sa inyo,alam niyo kong ano? RESPETO at mabuting puso”saad ko sakanila dahilan para matahimik sila.
“Oo nakapagtapos nga kayo pero hindi ibig sabihin nun na hindi niyo na kayang rumespeto.hindi porket mataas kayo ay kaya niyo ng mang agrabyado ng mababa sa inyo”saad ko
“I-Ikaw nga ang walang respeto diyan,costumer mo kami wala kang karapatan na sabihin yan samin!!”utal na singhal sakin ni Jianna.
lumapit ako sakanya at napa-atras naman siya.
“Ang edukado ay hindi lang isang titulo,hindi rin tungkol sa kong gaano ka katalino o kagaling sa propesyong napili mo,ngunit kahit ilang ulit mong ipagmalaki ito pero hindi ka naman ugaling makatao,hindi ka kailanman makakatanggap ng respeto sa ibang tao”saad ko and this time seryoso na ang mukha ko.
hindi siya nakaimik at akmang aalis na sila ng magsalita ako.
“Bago kayo umalis magsorry muna kayo sa taong pinahiya niyo”I said,hinarangan sila ng mga crew at pati na din guard kaya wala silang nagawa kundi bumalik at nakayukong humarap samin.
“S-SORRY”sabay na saad nila tsaka dali-daling umalis.
pagka-alis nila nagpalakpakan ang lahat ng taong nasa restaurant ko,ngumiti lamang ako at yinakap si manang Rosy.
“Pasensya na po kayo”saad ko at pinahid ang luha niya.
Si manang Rosy ay hindi nakakapagsalita,sa bahay ko siya pinatuloy at pinayagan kong magtinda siya dito sa restaurant ko dahil saad niya ay gusto niyang magtinda dahil masaya siya dito.
Napatingin ako sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang pagtingin sakin ni Jianna bago sumakay sa kotse niya.
Lahat ng ginawa nila sakin noon ay binalewala ko at ginawa kong inspirasyon para makaahon.
Nagpakumbaba ako palagi dahil naniniwala akong ang pag papakumbaba ay hindi ibig sabihin na ikaw ay talo.pinapakita lang ito na hindi ka man makapagtapos pero isa kang tunay na edukado dahil sa pagrespeto.
Realtalk lang kadalasan kasi sa mga mayayaman at edukado sila pa yung hindi marunong rumespeto at magpakatao.
//END//






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top