HINDI MAIPAGMALAKI


Ako nga pala si Jessa, ang diyosa ng kagandahan..charr. Balik tayo sa realidad, Oo nga pala hindi ako maganda hehehe.
Hindi ako clearskin kagaya ng iba, hindi rin ako maputi pero may isang tao na nagpakita sa akin ng pagmamahal. May boyfriend ako siya si Kalvin 7 months na rin kami, pero hindi kopa naranasan ang isama sa mga party na pinupuntahan nila.
Pinalaki ako ng akin mga magulang na isang maunawain kaya naman nauunawaan ko kung bakit ayaw niya ako pasamahin.
*Kalvin is Active now*
Jessa: Babe, kailan ka ulit bibisita sa bahay?
Kalvin: Hindi ko alam, mamaya kana mag chat nasa party kami ngayon
Hindi ako makapag reklamo, sino ba naman ako para magalit diba? Gf lang naman ako, tapos buhay niya naman iyon kaya naman overthink na lang ang ginagawa ko sa tuwing pumupunta siya sa party or kahit anong event.
*Paano kung may kasama siyang babae?
*Paano kung may nangyari sa kanila nung kasama niyang babae?
*Paano kung niloloko niya talaga ako?
*Paano kung napipilitan na lang siya na mahalin ako?
*Paano kung hindi niya talaga ako gusto?
Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan na siya lamang ang tanging makapagbibigay sa akin ng kasagutan. Ayoko mag isip ng kung ano-ano, pero hindi ko talaga maiwasan.
Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa lahat ng lakad niya, pero kahit minsan hindi niya ako inalok na pumunta sa party.
Umabot kami ng 7 buwan, ngunit hindi niya ako inimbitahan na gumala kahit sa isang araw lamang. Hindi ko tuloy maiwasang mag tanong sa sarili ko “Ganito na ba ako kapangit para itago?”
Masakit talagang isipin na mahal niya lang ako sa salita, mahal niya lang ako kapag magkasama kami. Ang ipinaparamdam niyang pagmamahal sa akin...


ay isang kasinungalingan lamang.
Nakatulog na lamang ako sa kahihintay ng kaniyang reply, sa sobrang overthink inantok ako kagabi.
Isang masakit na umaga ang bumungad sa akin.
*Kalvin is Active now*
Jessa: Good morning babe, imissyou. Iloveyou
Kahit may sama ng loob binati ko siya ng napaka ayos.
Kalvin: Good morning
Jessa: Babe, gala tayo bukas. Wala akong gagawin bukas eh
Sinubukan ko lang kung papayag siya gumala kasama ako.
Kalvin: Sorry babe may gala kami ng mga tropa bukas
May kung anong kirot na tumama sa puso ko, para akong sinampal sa katotohanang niloloko niya lang talaga ako.
Jessa: Ayos lang babe, ingat kayo ng mga tropa mo.
Pilit kong itinatago na nasasaktan ako.
Akala ko ro’n na ako masasaktan ng lubos, ngunit may mas nagpasakit pa sa puso ko. Halos punitin ang buo kong pagkatao.
Kalvin: Babe?
Jessa: Po?
*Kalvin sent a photo*
Kalvin: Girlfriend ng Bestfriend ko
Akala ko naman may ic’chika lang siya sa akin na tungkol sa bestfriend niya.
Jessa: Ang ganda niya naman
Kalvin: Sana ganyan ka rin kaganda para naman maipagmalaki kita, diba?
Halos gumuho ang mundo ko, ‘di ko alam ang gagawin. Lutang na ako sa mga oras na ‘yon, lumalabas tuloy na pinandidirihan nya ako.
Hindi na ako nagreply gawa ng puno na ng luha ang akin mga mata, humagulgol ako sa pag-iyak.
“Hindi mo ako kayang ipagmalaki, hindi ka kawalan. Lahat ng pagmamahal ay ibinigay kona sa’yo kalvin! Halos wala na akong iniwan para sa sarili ko.” Ani ko sa akin isipan.
“Tama nga ang kutob ko, puro kasinungalingan lamang ang ipinapakita mo.” Sambit ko bago tuluyang tumalon sa ikatlong palapag ng aming bahay.
-Wakas-
Lesson: Huwag na mag jowa HAHAHAHA
___________________
Work of fiction
Written by;KhaiSilvenia






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top