HIPAN MUNA,HIPAN MUNA”
Ako si Vicky noong bata pako madami akong kaibigan basta noon marami.
Ayaw ko talaga sa mama ko,iniwan nya kami ni Papa at ni bunso ng maliliiit pa kami.
Hindi ko alam kung paniniwalaan nyo ito,
kase kahit naman ako sa sarili ko ay ayoko ring paniwalaan na totoo nga ito.
Nung nakaraang buwan, hindi ba’t birthday ko? Nagpicnic pa nga tayo sa ilog at kasama kayo nun diba kwento ko sa mga kaibigan ko.
Alas tres ng hapon nang umuwi na tayo, at sa pagod kalalangoy natulog ako nun.
Bandang alas-sais na ng gabi nung magising ako.
Lumabas ako sa kwarto at nilibot ko ang bahay, wala si Marcos ang bunso kung kapatid. Baka nasa gala nanaman, naisip ko.
Sumilip ako sa bintana, abala si papa sa may balkonahe dahil nag-iinuman sila ni ninong.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumanhik ako sa kusina para kumuha ng maiinom, nang bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba, malamig.
Umakyat yun lamig sa aking batok.
Binalewala ko lang ito tapos ininom ko na ang isang basong tubig.
Pagharap ko, napasinghap ako pero di ko nagawang sumigaw, dahil sumalubong sakin si mama.
Sobra akong nagulat nun kase ‘di ko inexpect na makikita ko sya after 3 years.
12 na ako ngayon at huli ko syang nakita’t nakasama ay noong 9 years old pa ako.
“Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok ma?” yan yung tanong ko sakanya, pero nakangisi lang sya ng malapad sa akin. May hawak syang cake na may tatlong maliliit na kandila.
“Happy birthday nak” bati nya sakin tapos hindi nya maalis-alis yung nakakainis at nakakakilabot na ngisi nyang yun.
“Oh hipan mo na! Hipan mo” tapos inilapit nya sa muka ko yung cake kaya bahagya akong napaatras.
Mukha syang excited na excited nun na hipan ko yung dala nyang cake dahil makikita yun sa mga mata nya na namimilog.
Para bang nagmamadali sya na hipan ko yun. Ang creepy.
Hindi ako kaagad nakakibo, pinagmasdan ko muna si mama. Tapos...