HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 19


( PAUL SANTIBAN )
______________
Matapos ang araw ng pag libing kina Don Pacio at doniya Mildred , ay napag pasyahan ng mag asawang Pablo at Paulyn na sa US na sila mamalagi pansamantala kasama sina Josef at Sharina (Paula) , dahil narin sa maselang pag bubuntis nito kaya hindi na tumutol si Sharina sa Kagustuhan ng kanilang mga Magulang
Habang si Sherin naman ay nag paiwan dahil narin sa kaniyang pag aaral at ayaw niyaring mapalayo kay Paul. Naging open narin ang Relasyun nila sa buong pamilya nila at walang ni isang tumutol. Maging ang kaniyang ate sharina.
Hindi pa rin gaanong malakas si Sherin kaya laging may mga Tauhan na naka alalay sa kaniya kapag wala si Paul.
“Bunso sigurado kaba na hindi ka sasama? ” ani ni Sharina kay Sherin. Habang sinisirado nito ang maleta.
” ate pasukan kuna, saka wag kang mag alala Hindi naman ako pababayaan dito ni Paul. Ikaw ang mag ingat duon . Mamimiss kita sobra ate ” malungkot na sabi Ni Sherin sa kaniyang ate sharina. Hinawakan naman nito ang kaniyang kamay at ngumiti
” kung hindi lang talaga sa Pag bubuntis ko. Hindi kami aalis nila mommy. At hindi ko hahayaang mapalayo sayo ng matagal bunso. Pag naka panganak na ako babalik rin kami dito, mag aral kang mabuti ha. At wag kang aalis ng walang Kasamang mga bodyguards . ”
” opo ate salamat, mag iingat karindun. ” sagot niya at niyakap ng mahigpit ang kaniyang ate sharina.
“Sige bunso aalis na kami. Ingatan mo sarili mo ha wag kang mag titiwala kahit na kanino dito. Kay kuya paul at Paulo kalang mag tiwala. Ang pag aaral mo wag mong pabayaan. ” ani ng kaniyang ate at niyakap siya nito ulit .
Dalawang Van ang Ginamit sa pag hatid kina Josef at sharina kasama narin ang mag asawang Pablo at Paulyn. Papunta sa Airport at gamit nila ang kanilang Private Airplane papuntang US.
“Paul ingatan mo ang asawa mo, pag aalis ka mag iwan ka ng maraming tauhan na mag babantay sa kaniya, marahil alam na ni Gustavo ang tungkol kay Sherin kaya wag mo siya iiwan ng matagal at wag mong pabayaan , Ang Organization at ang mga kompaniya natin dito ay pag tulungan niyo ni Paulo. ” ani ng kanilang daddy Pablo sabay tapik sa Balikat ni Paul.
“Yes dad ” maikling sagot ni Paul
“Paulo tulungan mo ang Kuya mo ha, hindi puro babae ang inaatupag mo , si Anne wag mong pabayaan ” ani naman ni Mrs Paulyn kay Paulo na kina ismid naman ng binata.
“Mommy personal maid kopo si Anne, dapat sakaniya mo sabihin yan. ” parang batang sagot ni Paulo.
” ohsiya aalis na kami . Paulo ,Paul kailangan pag balik namin dito, matapos niyona ang kasamaan ni Gustavo ” ani ulit ni Pablo
” yes dad ako na ang bahala ” sagot naman ni Paul.
Matapos ng mahabang pagpapaalam ay umalis na ang mga ito at pumasok na sa Private Airplane . Ng makita nilang naka alis na ang eroplano saka naman sila umalis ng airport
Ng maka rating na sa mansyon ay apat na lamang sila. . Tanging mga tauhan at mga kasambahay Lang ang mga naroroon .
“Kuya ako na ang bahala sa Kompaniya ikaw na sa Organization dahil wala akong alam sa mga ganyan. ” ani ni Paulo ng maka rating na sila ng mansyon.
“Okey ” maikling sagot naman ni Paul sabay hakbay kay Sherin.
” let’s go baby ” ani ni Paul kay sherin ng hakbayan niya ito. Hindi naman umangal ang dalaga dahil napagod rin ito at hindi Pa siya gaanong magaling.
Naiwan naman sina paulo at Anne habang naka tingin Lang sila sa Dalawang Magka akbay na palayo. Papunta sa silid ng mga ito.
” ohh master may ipag uutos kapaba ? Dahil kung wala na. Baka naman pwede na ako mag pahinga. ” yamot na sabi ni Anne kay Paulo
” personal maid kita kaya wag kang mag Reklamo. Wala na sina mommy at Daddy na nag tatanggol sayo. Kaya pag sinabi Kong dito kalang. Dito kalang. ” sagot ni Paulo.
” aba master baka naman kahit isang oras Lang , mula sa Hospital hanggang sa pag libing wala Pa akong maayus na tulog. Kung ayaw mo mag pahinga. Pwes ako gusto ko munang mag pahinga. “. Inis na sagot ni Anne.
” Hoy Tomboy ako ang amo mo ,bakit mo ako kinakausap ng Ganyan ”
” he bahala ka dyan ” inis na sabi ni Anne at tinalikuran na ang binata.
“Tsk kahit kailan talaga. napaka immature ewan koba kung saan pinag lihi ni tita Paulyn ang lalaking Yun. ” bulong ni anne habang patuloy parin sa pag lakad at tinungo narin ang kaniyang silid. Naiwan naman si Paulo na nag iisang naka upo sa Sofa
“Aaaargh ang tomboy nayun ” iritang sabi ni Paulo at sabay kuha sa kaniyang Phone.
” Fego where are you? ” tanong niya sa kaibigan na kasamahan sa Otso Apolo.
📞 Nandito ako sa mansyon ni Tito Rafael. Nanganak na si Vanessa. Papunta narin dito sila Mark why? ” sagot ng kaibigan.
” ah gusto ko sana kayu yayain mag Bar. Kaso wag nalang. Sige pupunta narin ako dyan. ” sagot niya.
Kinabukasan. Nagising si Sherin dahil sa Sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Napatingin siya sa Orasan at napa bangon siya kaagad ng Makitang pasado alas Otso na ng umaga.
“Patay kailangan ko palang pumunta ng School late na ako. ” aniya .
Ngunit napa kunot nuo naman siya ng mapadako ang tingin niya sa Sofa at nakita niya duon na mahimbing na natutulog si Paul.
“Bakit dito siya natulog may sarili naman siyang Kwarto ah. ” mahinang sabi niya. Kinuha niya ang kumot at lumapit siya sa binata para kumutan ito. Ng matapos ay naka ngiti niyang pinakatitigan ang Mukha ng binata.
“Napaka Gwapo talaga ng gurang na ito ” naka ngiting sabi niya at kinintalan ng halik sa Labi ang natutulog na binata . Limang sigundo Lang yun bago niya nilayo ang kaniyang mukha.
Tatayo na sana siya ngunit nagulat siya ng mabilis siyang mahawakan ni Paul sa kamay at hinila siya nito kaya napa dagan siya sa Binata.
“Ayyyy ano Ba tanda ” gulat niyang sabi habang nanlalaki parin ang kaniyang mata. Babangon Pa sana ulit siya ng Mahigpit siyang niyakap ng binata. Tinignan naman niya ito ng masama
” ano Ba tanda. Bitiwan mona ako. Maliligo na ako kailangan kopa pumunta ng School. ” sabi Niya habang pilit inaalis ang sarili sa pagkakadagan sa Binata.
“Goodmorning baby ” sagot naman ng Binata at ngumiti ng Pilyo
“Goodmorning mo mukha mo. Bitiwan mona nga ako. Ano Ba, hindi na ako maka hinga sa higpit ng Yakap mo. Gusto ko ng maligo. ” masungit niyang sabi
” ang sweet naman ng Baby ko may Goodmorning kiss na kaagad ako ” ani ng Binata na kina pula Naman ng mukha ni Sherin
” he ewan ko sayo. Bitiwan mona ako. Gusto kunang maligo. ihaha–Ayyyyy ” naputol sa pag sasalita si Sherin at napa Tili siya ng Bumangon ang binata habang naka Dagan parin siya rito. At hindi parin siya binibitawan sa pagkakayakap kaya naman para hindi siya mahulog mabilis niyang naiyakap ang dalawang Binti niya sa Bewang ng binata ngunit nagulat naman siya ng mabilis siyang ilipat nito.
“Aaaaaay Dyusko ” napatili nanaman siya ng mabilis siyang ilipat nito sa balikat . Para Lang siyang isang Sakong bigas na binuhat ng Binata, mula sa pagkakabuhat paharap ,mabilis siya nitong nailipat sa balikat
” sabay na tayo maligo” sabi naman ni paul sabay palo sa pang Upo ng dalaga.
“Aray ano Ba! Bakit mo pinalo pw*t ko bastos ” inis na sabi ng dalaga sabay palo sa Likod ng binata.
” ano Ba ibaba muna ako. Ako Lang dito lumabas kana aya—- AHhhhhhhh malameeeeeg !!” Tili ng Dalaga ng maka pasok sila ng Banyo at tinapat siya ng binata sa Shower. Hindi panga sila nakakapag alis ng saplot sa katawan. Para siyang batang pinapaliguan ng Binata. Tawa lang ng tawa si Paul dahil kitang kita niya sa mukha ng dalaga ang sobrang pagka inis ..
“Ano ba tanda. Lumabas ka muna hindi ako makaligo ng maayos” inis niyang sabi.
Bigla naman napatigil sa pag tawa si Paul at napa tingin siya sa Dalaga. Sunod sunod na pag lunok ng sariling laway ang nagawa niya habang naka titig sa Katawan ni Sherin. Naka suot Lang ito ng manipis na Sando at manipis na Jogging pants kaya kitang kita ang bakat na malulusog na pang harap nito dahil wala itong suot na Bra. . Bigla naman tinakpan ni Sherin ang kaniyang private part sa katawan gamit ang kaniyang kamay.
“Bastos lumabas kanga tanda ” sabi ni sherin sabay hagis ng Sabon binata.
” ouch! Baby oo -oo na lalabas na. ” mautal utal na sagot ng binata. . Mabilis niyang iniwan sa loob ng Banyo ang dalaga. Dahil baka ano Pa magawa niya kapag hindi siya maka pag pigil. Mabilis niyang tinungo ang sariling Kwarto at duon niya nilabas ang init na nararamdaman at dinama ang malamig na tubig.
Paglabas ni Sherin sa banyo naka tapis lamang siya habang dahan dahan hinahakbang ang paa at palinga linga muna siya bago naka hinga ng maayos ng mapansing wala na sa kaniyang silid si Paul.
“Matandang yun tusukin ko mata nun eh kung saan saan tumitingin. Aaaargh kainis. ” aniya. Nag Umpisa na siyang mag bihis at inayos na ang sarili. Ng Makontento ay lumabas narin siya ng kaniyang silid.
“Goodmorning sherin, oh Mukhang may lakad ka ah saan ang punta mo? ” ani ni Anne ng mapansin siya nitong may Dalang Shoulder bag , napaka simple narin ng kaniyang suot. White Pants at kulay yellow na Shirt kaya litaw na litaw ang kaputihan niya sa Kulay ng kaniyang suot.
Hinayaan niya ring naka lugay ang kaniyang long Brown hair.
” magandang umaga rin, ah oo pupunta ako ng School nabanggit kasi ni Ate na naayus naraw ang lahat sa pag lipat ko .. ” sagot niya at naupo na sa Tabi ni Paul.
“Baby hindi na kita maihahatid may importante akong pupuntahan si Anne nalang ang sasama sayo at may anim kang Bodyguards na mag babantay sayo. ” ani naman ni Paul.
Bigla naman naka ramdam ng lungkot si Sherin dahil ang akala Pa naman niya ay si Paul ang Mag hahatid sa kaniya. Kaya hindi na siya sumagot sa Binata . Tumango na lamang siya bilang sagot at nag simula na siyang mag almusal.
“Kuya kasama ko si Anne. Isasama ko siya kompaniya ” sabat naman ni Paulo.
” master ihahatid kolang naman si Sherin pagka tapos ay susunod narin ako sayo ” baling ni anne kay Paulo.
“Emmmp okey Lang Ate anne may mga Bodyguards naman ako si Mang Benjo nalang ang ma-
“idadaan kana Lang namin sabay na tayung tatlo . ” putol naman ni Paulo sa sasabihin ni Sherin.
” I have to go baby susunduin kita sa pag uwi mo” ani ni Paul at mabilis na kinintalan ng halik sa pisngi ang Dalaga.
” emmmp sige mag iingat ka ” sagot naman ni Sherin. Habang hindi parin tumitingin sa paalis na binata.
Masama talaga...


ang loob niya sa binata dahil sinabi rin nito sa kaniya kahapon na ito ang mag hahatid sundo sa kaniya.
‘Tsk sana hindi nalang siya nag sabi , tsk paasa talaga. ‘ ani ng kaniyang isip.
” aba kay Sherin Lang nag sabi. Hello nandito Pa kami Kuya ” sabat naman ni Paulo.
” masyado kang epal master. Bilisan mona dyan dahil maliLate na si Sherin ” sabat naman ni Anne.
“Abat ako ang amo mo bakit mo ako sinasabihan ng ganya—emmmp ” natigil sa pag sasalita si Paulo ng mabilis na nilagyan ng tinapay ni Anne ang bibig ni paulo.
” puro ka daldal. Hihintayin ko kayo sa Kotse. ” ani ni Anne at hinigop na ang kape nito. Bago tumayo
Napapailing na lamang si Sherin dahil sa Style ng Dalawa .
Matapos nilang mag almusal ay nasa isang Kotse lamang silang tatlo at si anne na ang nag prisintang, mag maneho. Sa likod naman ng kaniyang sasakiyan ay may naka sunod namang isang van , kung saan naka sakay ang, mga bodyguards nila.
” Piter, gawin niyo ng maayus ang trabaho niyo kung ayaw niyong malagot kay kuya. Wag niyang pabayaan si Sherin ” paalala ni Paulo sa Anim na tauhan na nag babantay kay sherin.
“Yes Sir ” magkasabay na sagot ng anim na bantay.
“Sherin alam muna ang Number namin. Tumawag kalang. Okey maiiwan kana namin ” maka hulugang sabi naman ni Anne. Nginitian naman ito ni sherin at nag paalam na sa mga ito.
“Sige salamat. Mag iingat kayo” naka ngiting sabi niya
Pag pasok Pa lamang ni Sherin sa Gate ng School ay pinag titinginan na kaagad siya ng mga nadadaanan niya. Naiilang man ay pinilit niyang naka taas nuo .
Ang ibang mata ng mga kababaihan na naka tingin sa kaniya ay makikita sa kanila ang paghanga ang iba naman ay insecure . .
” wow may bagong Transfer ,mga Dude ang kinis sh*t napaka puti. ”
“Ang ganda niya ”
“Saang school kaya siya galing ”
“Nako mukhang may katapat na si Amanda ”
” sana all kahit simple napaka elegante parin niya tignan. ”
“May mga Bodyguards mukhang Rich rin ”
“Pilipina kaya siya? Mukha siyang Foreigner ”
“No she look-alike Taylor Swift gosh tignan niyo naman ang skin niya napaka puti. Pustahan tayo Hindi yan pilipina. ”
iilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ni Sherin habang nag lalakad
“SHEEEEERIN !!!!” tawag ng isang boses na napaka familiar sa kaniya. Kaya napa tigil siya sa pag lakad.
“SHEEEEERIN !” tawag ulit ng babae. Palinga linga naman siya dahil sa Dami ng mga estudyanteng naka tingin sa kaniya hindi niya alam kung totoo ba ang naiisip niya. Boses ng kaniyang kaibigan ang kaniyang naririnig.
“SHEEEERIN besty! ” tawag ulit sakaniya.
“Miss Sherin ayun ata ang tumatawag sa inyo. ” turo naman ng isang bodyguard na nag babantay sa kaniya. Kaya sinundan niya ito ng tingin. At Nakita niya ang isang babaeng naka ngiting patakbong palapit sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya at yung kaninang pagka ilang niya ay nawala at napa ngiti siya ng makita niya ang kaniyang matalik na kaibigan.
“ELMA!? ” naka ngiting sambit niya at sinalubong niya rin ito. Nag yakapan sila ng mahigpit at parehong masaya ang makikita sa Mukha nila
” besty kumusta kana. Na suprise kaba. ? ” naka ngiting sabi ng kaniyang kaibigan
” g*ga nandito ka. As in? Dito ka talaga? Papaano? Diba hi–
” hahaha ang mukha mo sherin . Suprise kano,? oo dito na ako mag aaral, hindi ba nabanggit ng ate mo? ” sabi ni Elma
“Si ate ? ” kunot nuong tanong niya
” si ate mo sharina siya ang tumulong saakin maka lipat rito , at nasilaw naman sina Tiya sa perang binigay ng ate mo kaya mabilis silang napapayag. Binigyan rin ako ng scholarship besty ang saya diba. Wala nanga pakealam sina tiya saakin e. Parang pinag bili na niya ako. Hahaha pero okey lang sa pangangalaga naman ako ng ate mo . ” masayang pag kukwento nito na ikina gulat niya
” totoo si ate? ” hindi maka paniwala niyang sabi
” oo alam muna man. Hindi na lingid sa kaalaman sa Buong Bariyo natin sa Mindoro ang pag mamalupit saakin ni Tiya. Kaya siguro ako tinulungan ng Ate mo saka para rin daw may kasama ka dito. Payakap nga ulit sobrang na miss kita. Madame kang ikukwento saakin “. Ani ni Elma at niyakap na siya nito ulit.
” saan ka ngayon tumutuloy? ” tanong niya
” meron akong nirerentahan malapit lang dito. ”
” nag rerenta ka? Emmp saakin ka nalang tumira may binigay saakin si Mama Paulyn Condo Unit malapit lang din rito. Ayaw naman ni Paul na mag Condo ako. Pero ngayon nandito kana. Baka mapapakiusapan ko siya dahil may makakasama na ako ”
” pero diba asawa mona yun? Papaano? Magka hiwalay kayu ng titirahan? ”
“Palagi naman yun wala eh. Kaya papayag rin yun. Oh basta lumipat kana sa Condo ko para naman may tao ng tumitira duon. Saka samahan mo muna ako sa Principal office ”
Dahil sa parehong pag Do-Doctor ang pangarap ng dalawa kaya pareho narin sila ng Room at Schedule , sobrang saya ni Sherin dahil kasama na niya ang kaniyang kaibigan. Ang buong akala niya mag isa lang siya at mababagot siya. Ngunit hindi pala.
Nasa Canteen na sila para mag Meryenda ng may biglang humakbay sa kaniyang kaibigan na ikinagulat nilang dalawa.
“Hi Elma can we join ” sabi ng Chinitong binata na naka hakbay kay Elma. At naupo ito sa tabi ng kaniyang kaibigan, ang dalawa namang kasama nito ay naupo sa Harapan ni Sherin.
” ang ganda naman ng kasama mo Elma. Baka naman pwede mo kaming ipakilala ” sabi ng isang lalakeng naupo sa harapan ni Sherin.
” ano ba Stepen . Pag nakita ka ni Amanda. Aawayin nanaman ako nun , emmmp Luis si Sherin Bestfriend ko. , Besty sina Luis at Toni ito naman si Stepen. ” pag papakilala ni Elma sa mga ito.
“Elma kabago bago morin dito may kakilala kana kaagad. pano mo nakilala ang mga yan? ” bulong ni Sherin sa kaibigan. Habang hindi parin pinapansin ang tatlong lalaki
” mamaya besty ikukwento ko sayo. ” ganting bulong naman ni Elma.
Oras na ng uwian magka sabay parin sina Sherin at Elma ng may biglang humarang sa kanilang apat na babae.
Naka taas ang mga kilay nitong naka tingin sa kanila ni Elma.
“Tsk owws so totoo nga. May bago ng kaibigan ang poor b*tch ” ani ng mataray na babae satingin ni Sherin ay ito ang Leader ng apat.
“Elma sino ang mga ito? ” bulong ni Sherin sa kaibigan.
” siya si Amanda ang babaeng nambubuli saakin dahil lang sa hindi siya mapansin pansin ni Stepan. ” malakas na pagka sabi ni Elma na ikina inis ng babae.
akmang susugurin na ng babae si Elma ng humarang bigla si Sherin sa harapan ng kaibigan at nilipat ito sa likod niya.
” ano ?! Sasaktan mo ang bestfriend ko? ” naka taas kilay na tanong ni Sherin at namewang sa harapan ng babae.
” at sino ka namang pakealamera? Wag kang haharang harang kung ayaw mong madamay ” mataray na sabi ng babae.
” subukan mo ng magka alaman. ” pag hahamon naman ni Sherin.
Napatingin naman si Amanda sa anim na nag lalakihang bantay ng dalawa.
” matapang kalang dahil may bantay ka! ” pag hahamon naman ni Amanda kay Sherin.
” kuya Piter wag kayung makealam dito ha ” sabi ni Sherin sa mga bantay.
” Yes Madam. ” sagot naman ng mga ito.
” mukha ka namang mayaman ,bakit hindi ka nalang sa Grupo namin mag Join ” ani ng babae.
” tsk Hindi ako nakikipag kaibigan sa mukhang paa. At kung wala na kayung sasabihin tumabi kayo sa dinadaanan namin. Let’s go Elma” sagot naman ni Sherin. Akmang tatalikod na siya ng Mabilis siyang sabunutan ni Amanda .
“Araaay p*nyeta ” daing ni Sherin at napamura nasiya dahil sa lakas ng pagkakasabunot sa kaniya ni amanda.
maging ang tatlong kasama naman ni amanda ay hinawakan sa magka bilang braso si Elma.
“Madam / miss Sherin ” magkasabay na sabi ng anim. Akmang lalapit na ang mga ito ng pigilan sila ni Sherin.
” wag na . Kaya kona ito! ” sabi ni Sherin sa mga tauhan.
Dahil sa mahaba ang buhok niya kaya nahihirapan siyang alisin ang kamay ni Amanda sa kaniyang Buhok. Kaya naman buong lakas niyang tinuod ang gitna ni Amanda at gigil na kinagat ang Braso nito . Halos bumaon na ang mga ngipin niya sa Sobrang panggigigil na pagkagat . Nalalasahan narin niya ang Dugo na ng gagaling sa Braso ni Amanda.
“Stop it , hey Don’t hurt my Queen. ” ani ng isang lalake na umaawat sa kanila.
“Sh*t anong tinitingin tingin niyo dyan. Tulungan niyo ako dito ” galit na sabi ng lalake sa anim na bantay. Kaya mabilis na silang napag hiwalay dahil sa pitong lalake na ang umawat. Hindi naman makilala ng Anim na Bantay ang binata dahil naka Sumbrero ito ng kulay itim at naka Mask. Tanging mata lamang ang nakikita.
“Hey Queen are you okey ” nag alalang sabi ng binata sabay hawi sa mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Sherin.
“s-sir Je-Jeppy ?” Gulat na sabi ni Sherin ng makilala ang lalake.
” yes it’s me. My Queen may masakit ba sayo? ” tanong nito at umiling naman si Sherin bilang sagot.
Binalingan naman ni Jeppy si Amanda at buong lakas na sinampal nito ang babae
” tama na sir ” awat ni Sherin kay Jeppy ng akmang sasampalin Pa nito ulit si amanda.
Bigla naman napatigil si Jeppy ng maramdaman niya ang pag hawak ni Sherin sa kaniyang Braso ng pigilan siya nito.
Hinarap ni Jeppy si sherin at nakita nito ang mga sugat na galing sa Mahabang kuko ni Amanda kaya napa kuyom kamao na lamang si Jeppy. Huminga ng malalim si Jeppy bago mag salita ng maayos
” let’s go sa clinic ipapatingin natin mga sugat mo ” sabi ni Jeppy at hinila na ang dalaga. Naka sunod naman ang anim na tauhan at si Elma sa dalawa. Ng biglang mag Ring ang Phone ng isang Bantay.
📞 Piter naka uwi naba kayo? ” tanong ni Paul sa bantay ni sherin.
” hindi Pa ho. Papunta kami sa Clinic boss . Napa away si miss Sherin ” kinakabahang sabi ng bantay
📞 d*mn ” yun lang at pinatay na ang tawag.
“Piter si boss paul bayun? ” tanong ng isang tauhan
” oo nukhang malalagot tayo. ”
“Papunta na dito si boss kailangan hindi niya maabutang may kasamang ibang lalake si Miss Sherin yun ang isa sa paalala ni Boss . Tayu ang malalagot ” sabat naman ng isa pang bantay.
//next
*****
PAANO NGABA NAPUNTA DUON SI JEPPY?
MAAABUTAN KAYA NI PAUL SI JEPPY?
abangan ang Next Chapter ng Kwento nina Sherin At Paul. maraming salamat po. 💕❤️
Btw -SORRY KUNG NATAGALAN HEHE. STRESS LANG PO.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top