His Lola’s last will Chapter 11


His Lola’s last will
Chapter 11
Enjoy reading 😘
‘Mag iingat ka dun anak..tumawag ka kaagad samin pag nakarating ka na dun, wag mong pababayaan ang sarili mo..’ hindi ko mapigilang hindi mapa ikot ng mata kay mama.
‘Ma.. Manila pa lang ang pupuntahan namin, kung makabilin naman kayo parang sasakay na ako ng eroplano..’ malumanay kong paalala sa OA kong ina.
‘Kahit na, eh san din ba ang punta mo pagkatpos nyan diba sa America din.malalayo ka parin samin ‘
Oh my god..Napaka assuming talaga ng mama ko..nagbibilang na ng sisiw kahit wala pang napipisang itlog.
‘Ate anjan na si Sir mo, ‘ bungad ni Edward sa nakabukas na pintuan ng silid ko.
Napatingin ako kaagad ng orasan. Huh? Thirty minutes earlier sya sa usapan namin. Parang si mama lang din ang isang to ah, excited?
‘Dalian mo te naghihitay na sya sa labas’ muling paalala ni Edward sakin.
‘Oo na oo na ,’ yamot akong napatayo saka tinungo na ang labas.
—////
Naabutan ko syang nakatayo sa gilid ng front door, as usual seryoso parin ang mukha. Pero pansin ko mas malamlam ang mga mata nya ngayon,at medyo maaliwalas na rin ang aura nya.Dahil siguro nakapagpahinga na sya ng maayos at marahil sa bagong shave nitong mukha at new look nitong buhok na may pag ka bad boy ang style, semi military cut na may dalawang guhit ng razor fade sa itaas ng kanang patilya nya. Ang angas lang ng itsura, ayoko mang aminin pero sa tingin ko mas lalong gumwapo ang mokong lalo pat bumagay sa kanya ang mala boy nxt door nitong pormahan. Simpleng skinny jeans at white t shirt na may tatak ng versace tas naka converse shoes na bagamat plain black lang ang kulay halatang mamahalin parin dahil na rin sa naghuhumiyaw na tatak nitong calvin klein.Yayamanin talaga ang kumag na to..Para tuloy akong nanliit sa suot kong Bench blouse at divisoriang pantalon at copy cat na michael kors.
‘Hi, are you ready?’ Napakurap ako ng nahagip ko ang pag angat ng magkabilang sulok ng kanyang labi. Wait a minute kapeng mainit, nginitian ba nya ako?
Nah.. di siguro. Baka namalikmata lang ako.
‘Um.. yes sir.. okay na ako’ balik ko sa huwisyo at pag anoy inayos ko nang maigi ang pag kakasuot ng aking maliit na back pack sa balikat ko at bahagya akong ngumiti.
‘Good, um, nag paalam ka na ba sa kanila?’ Ginalaw nya ang ulo pa direksyon sa bahay namin kung saan makikitang nakatanaw sina mama at edward sa bukas naming bintana.
‘Ma aalis na kami!’ Sigaw ko kina mama saka kumaway.
‘Oo cge mag ingat kayo!’ Todo ngiti pa ang mama ko habang nakaway samin. Halatang excited ang mama, daig pa ako kung kiligin.Bw*set lang.
‘So lets go?’
‘Okay po’
Pinauna ko muna syang magtungo sa driver’s seat pagkatapos ay sumunod narin akong pumasok ng kotse nya.
‘Where do you think you’re gonna sit?’
Sandali akong natulos sa tapat ng pintuan ng kotse nya at napasilip sa rear mirror kung saan natagpuan ko syang titig titig na skin.
‘Dito po sa likod’
‘Seat here beside me, baka naman mag mukha akong driver mo pag dyan ka naupo’
‘Ho? Um sorry naman..’. Biglang nag init ang magkbilang pisngi ko sa hiya at mabilis na lumipat sa pintuang nasa unahan ng kotse.
Hindi ko mapigilang mapaismid pagkaupo ko sa tabi nya.
Hmp! Malay ko bang may ganun pala! Tsk! Ang daming arte..ayaw matawag na driver, eh ano ba ang papel nya ngayon dito, diba driver? Sunga!
‘Fasten your seatbelt’
‘Okay na po, sir..’ pagood girl kong tugon. Mahirap na baka kung saan ako dalhin nito pag sinabayan ko ang trip nya.
‘Its rico’
‘Huh?’ Dumako ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang abala na sa pagmamaneobra ng sasakyan.
‘Call me rico, we are about to get married soon, hindi naman siguro magandang tignan kung patuloy mo akong tatawaging sir kahit kasal na tayo’
‘Ho?, Ah eh, si -sige po’
‘And drop the po, im just 32 years old ,I guess im not too old para i-po at opo mo.. ilang taon ka na ba if you dont mind?’ seryosong tanong nya habang ang mga mata ay nanatiling nakapako sa harapan ng manibela nya. Nakasampa na kami ng highway at mabilis na ang andar namin.
‘25 po, ay 25 sir..ay sir Federico pala’
wait parang may mali parin sa sinabi ko ah, sinulyapan ko sya at saktong nahuli ko ang pag irap nya sakin.
‘Say that again, hahalikan na kita’
‘Ha? ‘ para akong nabingi dun ah, ano daw sabi nya?
‘Hahaha, Im just kidding, do practice saying my name, para masanay ka, but please I prefer Rico, not the long one’
‘Okay..’kunway napatango pa ako saka binaling ang atensyon ko sa labas ng sasakyan.Hindi ko maintindihan pero may kung anong kiliti sa pakiramdam ang pagiging almost friendliness nya ngayon.
Hindi ako sanay. Pero sa isang banda mas gusto ko sya ng ganto, atleast hindi masyadong intimidating. Ang haba pa namn ng byahe, hindi komportable kung manantili syang suplado the whole trip.
‘So alam na ba nila ang tungkol sa atin?’
‘Ho? Ah eh, hindi pa..’ lihim akong natawa sa tanong nyang iyon. Kung maka ‘ sa atin’ naman sya akala mo may relasyon kami. Hehehe. Uy si sir..assuming
‘Oh okay..’ he paused for a while and heard him sigh.
‘I think mas okay nga yun, saka mo na sabihin sa kanila pag okay na ang lahat’
‘Oo nga sir eh, um, ano Rico pala , hehehe’ nakakainis Rico.. RICO..inulit ulit ko pa sa utak kong sabihin, pero sir parin ang nasabi ko.
‘Its okay, ill give you few more days to get use to it’
‘Pasensya na , naninibago pa ako..’ napakamot pa ako ng batok sa hiya.And then i noticed something weird.Bat ba feeling ko habang tumatagal nagiging awkward na ang usapan namin?
‘You can sleep for a while, medyo malayo layo pa ang byahe natin, ill wake you pag nakarating na tayo’
Napatingin ako ng relo. Its 3am in the morning. Oo nga maaga pa. Cge na nga iidlip muna ako.
—///
Hindi rin ako nakatulog. Eh pano panay ang tunog ng phone ko. Inabala kasi ako ni mama sa kaka txt. Kada thirty minutes nagtatanong kung nasan na ako. Akala mo namn ngayon lang ako nalayo sa knila para mag alala ng sya ng ganto.
‘They are worried because you’re with me’ matik ko syang nilingon sa saad nyang iyon.
‘Hindi namn .. um.. makulit lang talaga ang mama,’
‘’ okay.. Anyway malapit na tayo, and still early, how about some cofee bago tayo tumuloy‘ sabay turo nya sa isang petrol station kung saan may nakatayong starbucks sa tabi nito.
‘Um.. o cge’ wow star bucks.. manlilibre ba sya? beke nemen..
-//
Tuluyan nang...


nagising ang diwa ko pag ka amoy sa mabangong aroma ng kape, pagkapasok namin ng coffee shop
Maingat nya akong giniya sa pila at maya pay kasama kong naghintay sa que.
‘Anong sayo?’
‘Ha ah eh.. caramel machiato na lang yung tall’ paborito ko yun eversince natutunan kong mag starbucks. May kamahalan pero wala akong paki. Ito ang isa sa mga bisyo kong hinding hindi ko pinanghihinyang gastusan.
‘Okay, one americano and one carmel machiato please’ pag anoy order nya sa kahero.
‘Yes sir, huh? mitch ikaw ba yan?’ Kapwa kami natigilan ni Rico at saglit kong tinitigan ang mukha ng kaherong nasa harapan namin.
‘Felix? Ikaw ba yan?’ Nakilala ko rin sya. Dati ko syang kaklse sa pinasukan kong care giver school.Small world at dito ko pa talaga sya makikita.
‘Hahaaha, Kumusta, lalo tayong gumaganda ah,’
‘Hay naku tigilan mo nga ako, bolero ka parin hanggang ngayun! Dito ka na pala nag wowork.. kailan pa?’Sandali akong na carried away at nakalimutang may kasama akong amo sa tabi.
‘Nito lang buwan, wala eh no choice, kesa namn tumanga sa bahay.. eh ikaw ba san na ngayon’
‘Ha eh.sa-‘
‘Excuse me can you please finished this transaction first, may nakapila pa’
Lumipad ang tingin ko ke Rico. Nakarehistro ang matinding pag ka inip sa mukha nito dahilan para magpasya akong ihinto ang pag uusap namin ni Felix.
‘Um sorry sir.. here’s you’re change.’ Pag kuway abot ni Felix sa sukli ni Rico.
‘What is your name sir’ tanong sa kanya ni Felix matapos maisulat ang pangaln ko sa baso.
‘Rico, her Fiance’ kamuntikan na akong masamid sa sariling laway pagka banggit nya ng salitang iyon.
Ano daw?!
‘Oh okay.. wow.. congratulations, then i will write here fiance’ nakangising saad ni Felix sabay kindat pa skin bago sinulatan ng pangaln ang baso ni Rico.
Gustuhin ko mang magpaliwanag ke Felix eh di ko na nagawa dahil maagap na akong giniya ni Rico palayo ng counter.
‘What? He asked, Pansin ata nya ang pagkatulala ko sa harapan ng baso nyang may nakasulat na Fiance.
‘Bakit mo sinabing mag fiance tayo?’
‘Why? Totoo namn diba, we’re getting married, so it means fiance mo na ako , kita, ‘ kaswal nyang sagot sakin sabay higop nya ng kape.
Medyo na b*bo ata ako sa sinabi nya at wala sa loob na napatango.
Oo nga naman.. Tama sya dun. Fiance nga namn ang tawag dun.Pero sandali lang ..eh hindi naman kami tunay na mag nobyo para mag tawagan ng ganun.. so for what para sabihan nya si felix ng ganun?
‘Why you look so worried, is he your suitor?’
‘Hindi no!’ Mariin kong tanggi
‘Oh really? Oh baka nmn natatakot kang malaman ito ng boyfriend mo?’
‘Wala akong boyfriend’ ako naman ang napainom ng kape sa tanong nyang iyon. Loko to. Pati ba naman personal kong buhay naurirat pa nya. Nabisto pa tuloy na loveless ako.
‘Good.. mabuti naman kung ganun’
‘Huh? ‘ did i just saw him smile again? . Takang sinilip ko ang kalangitan.Mukhang uulan ata ah. Uulan ng yelo.
Tsk! Parang may mali sa taong ito ngayon ah. Nadadalas ang ngiti. Naku delikado to. Baka mafall ako sa kumag na to ah..
Naku Mitch iwas iwas din pag may time..
—////
Nagpatuloy ang byahe namin ng walang imikan. Akala ko mananatili na kami sa ganung set up ng bigla syang tumikhim at pansin ko nililko nya ang kotse papasok ng SM mall.
‘We will buy something first before we went to the embassy’
‘Ha? Ah okay’ hindi na ako nagtanong kung ano yung kinakailangan pa nyang bilhin at tahimik na lang akong napasunod ng baba sa kanya.
Sa isang mamahaling jewelry shop ako dinala ng pagsunod ko sa kanya.
Pagpsok namin ay agad kaming sinalubong ng isang receptionist at giniya sa loob ng shop.
‘Hi, im looking for a ring, a diamond ring to be exact’ rinig kong sabi nya sa receptionist. Pero hindi ko na binigyang ng pansin, dahil hindi naman ako interesado sa tunay na pakay nya dito sa loob ng shop.
Abala ako sa kakatingin ng mga nakadisplay na alahas sa loob ng mga kahong gawa sa salamin nang bigla nya akong tinawag.
‘Mitch, i need you to choose a ring for me’ may pag ka autorisadong utos nya sakin na kagyat kong kinataas ng isang kilay.
‘Ha? Ba-bakit?’
‘Basta, come here, choose any of this ring’ sabay turo nya sakin sa mga nagkikislapang singsing na nakalatag sa harapan namin.Bawat singsing ay may nakakabit na bato, dyamante ata yun. Mukhang mamahalin.Nakakasilaw sa ganda.
‘Um.. pipili ako jan? ‘ panigurado ko. Kahit di ako sure sa pinapagawa nya sakin ay tinuro ko na lng yung tipo ko sa mga singsing na yun.
I choose the simplest. Yung may maliit lang na bato at may simpleng white gold band. Ganu kase yun mga tipo kong engagement ring. Simple and yet elegant. Parang ako lang , ganern!
‘Okay , we will take that, um.. miss here is my card ,’ maang akong napatitig sa kanya habang iniaabot nito ang credit card sa receptionist.
‘Its 75 thousand pesos sir, would you like to pay it in dollars or in peso?’ Anang receptionist.
‘Put it in dollars’ he said plainly sabay dampot sa napiling singsing at matamang sinipat ang bato nito.
‘Here wear this’ tila walang lang na utos nya sakin habang tangan nito ang singsing sa harapan ko.
‘Ha?! Sigurado ka? Susuutin ko to?’ Gulat kong naibulalas sa kanya.
‘Yes, you need to wear this bago tayo humarap sa immigration officer na mag sasagawa ng interview satin, i file a fiancé visa for you, and to make it believable this ring is necessary.. do you get what i mean?’
Oh okay.. so parang props pala ang sing sing na to, gets ko na..
‘Um okay.. malinaw na sir, I mean .. Gets ko na Rico’ sa wakas na nabanggit ko rin.
‘Good.. now akina ang kamay mo, lets try this ring kung kasya sayo’ sabay lahad nya ng kamay sa harapan ko. Wala namn akong nagawa kundi iabot ang palad ko, nag kasubuan na eh, makakatanggi pa ba ako?
With a swift move he managed to wear the ring on my ring finger with ease.At sa tuwa ko lumapat sya ng tama sa daliri ko , grabe ang ganda nya at tila sinukat talaga sya sa daliri ko.
‘Looks perfectly good on you, bagay sa kamay mo.’
Di ko a sure pero feeling ko kinilig ako sa wagas na complement nyang yun sakin.
Na mabilis ko ring itinaboy.
Hello Mitch.. itigil mo yang kilig kilig nayan, keep in mind na isa lang tong palabas, wag kang si patol, sige ka ikaw rin , baka mabiktima ka ng maling akala, at mapunta sa maling pag ibig! Mariing untag ko sa sarili






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top