His lola’s Last Will
Chapter 3
‘Mauna na po ako Mana- ay ate Lourdes pala.’ Isa isa ko muna pinirmahan ang mga nagawa kong task sa chart bago inabot ang folder sa kanya. Nakasaad sa chart na yun ang mga gamot na napainom ko na ke Lala , Itu turn over ko na kasi si Lola sa kahalili ko ngayung gabi kaya dapat kompleto ang endorsement.
SOP yun.
Thank God..natapos ko nanaman ang isang araw ko ng matiwasay.
Yes. May 600 pesos nanamn ako ngayon.
‘Isang linngo na lang sasahod ka na ah’
napangisi ako sa sinabi ni Manang sakin.
‘Oo nga te.. unang sahod sa Manila.. pambayad muna ng utang.’ May konting panghihinayang man hindi na rin ako makareklamo. Ganun talaga eh. Kailangang magbayad.
Utang is utang.
Atleast makakabayad na ako ng paunti unti.
Pero mag susubi rin ako sa bangko ko. Mapunan man lang ng konti ang nahugot kong pera kanina.
Something na hindi ko pwedeng ipag walang bahala.Ugali ko na kasi ito mula pa ng magkatrabaho ako.
Every time na sasahod ako I’ll make sure na may naitatabi ako para sa savings ko. Kahit kakapiranggot lang ang sahod ko.
Iba parin kasi ang may nakatabing pera.
Sabi nga nila pag may sinuksok may mandurukot.. hehehe waley na joke.
Ay oo nga pala maghuhulog pa ako ng pera! Napakapa ako ng bag at sinipat ang bugkos ng pera sa loob nito.
Muntikan ko nang makalimutan ah..Dadaan na lang muna ako ng mall at dun magpapadala.
Mag wi witdraw na rin ako ng pang ulam ko.. tama para minsanan na ang lamyerda.
Hmm.. sandali nasaan na nga ba yung atm card ko..
‘Okay lang atleast may mga susunod ka pang sahod.. pasasaan bat makakabawi karin’ patuloy sa sabi ni Manang sakin habang abala ako sa paghahanap ng atm card ko.
Bakit ba hindi ko makita ang l*tseng atm card na yun? Nandito lang dapat yun eh..
‘Ate Lourdes nanjan pa ba si Mich? ‘
Sabay kaming napapihit ng leeg ni Manang kay Cherry na nooy natanaw kong naka sungaw mula sa pintuan ni Lola Frncesca. Si Cherry nga pala ang karelyebo ko.
‘Yes nandito pa ako..’ bagamat kinukutuban ako ng di maganda sa hilatsa ng mukha nyang tila nag aalala ay minabuti kong harapin sya.
‘Mich , pwede bang mag paiwan ka muna kahit sandali si Lola kasi umiiyak hinhanap ka, hindi raw sya kakain kung wala ka sa tabi nya..’
Anak ka naman ng..
Alanganing tinignan ko si Manang.
Yun tinging nag mamakaawa. Gustuhin ko mang magpaiwan para daluhan si Lola eh di talaga pwede.May gagawin pa kasi ko..
‘Mich bayaran ko na lang ang over time mo, kanina pa kasi hindi kumakain ng matino ang matanda.. baka mapano na yan pag nagpatuloy syang ganyan..’ alam kong gusto lang pagaanin ni Manang ang pakiramdam ko pero hindi ito sapat para mawala ang pagkadismaya ko.
Pero ano bang magagawa ko.
Eh di wala.
Bukas na lang ako magpapadala.
At tuloy Mag sasardinas na lng ako pag uwi..
‘O-okay.. susunod na ako..’
—///
‘Lola what’s wrong? Sabi ni Cherry ayaw mo na namang kumain’ pilit kong pinasigla ang boses ko pagkaharap kay Lola Francesca. Nakabaluktot sya ng higa ng parang bata na tila takot na takot. Nakaramdam naman ako ng awa at tinabihan ng upo ito sa gilid ng kanyang kama.
‘Apo you came..’ bulalas nya nang lingunin ako sabay yakap sa beywang ko.
I heard her sob na kagyat kong kina igtad.
‘Lo-lola.. ‘ bale wale nang paliwanagan si Lola. Inaatake na sya ng onset ng sakit nya.
‘Hmm.. okay.. after this kakain ka na ha’ sabi ko na lang habang panay ang hagod ko sa kanyang likod.
‘Im sorry apo.. im sorry for everything that I’ve done, mahal na mahal ko kayong mag ina.. nagalit lang ako dahil mas pinili ng mama mo ang lalaking iyon kesa sa kin.. but God knows , minahal ko ang mama mo, until now..’ basag ang boses nyang nilitanya na para bang nangungumpisal sakin na sya ko namng kinakunot ng noo.
Huh bago to ah..Bigla tuloy ako na curious.
I was about to ask some question nang maramdaman ko ang bigla nyang pananahimik.
Hindi na sya gumagalaw so i pressumed na natutulog na sya.
Dahan dahan ko syang tinihaya at wala naman syang reklamo.
She looks so tired. Sa edad nyang 85 mukhang di na sya...