HIS WIFE ACCUSED HIM AS A CHEATER


HIS WIFE ACCUSED HIM AS A CHEATER
Description:
He’s a playboy but he change when he met Hannah Zagreb. Gumawa siya ng paraan para patunayan sa dalaga na nagbago siya. Marami man silang problema bilang magkarelasyon. Hindi ‘yon hadlang para hindi nila malampasan. To cut the long story, they get married. But little didn’t he know. The problem is just starting. Kung noon marami na silang problema na naging sila. Malapasan kaya nila ito ngayon pang mag-asawa na sila?
Sometimes, before you jump into conclusion make sure na totoo. Dahil kung sakaling pinaglalaban mo ang wala namang katotohan. Then the person that your are accusing will deeply hurt.
TEASER:
“M-mahal, maniwala ka naman sa akin.” Garalgal na sabi ni Warden sa asawa niya na nag iimpake ngayon.
“Mahal…wag mo kong iwan. Nagmamakaawa ako, mahal.” Pagmamakaawa pa niya rito.
Hinarap siya ng babae at tinigil muna ang pag-iimpake ng gamit.
“Paanong hindi kita iiwan, Warden? Isipin mo.” Matigas na sabi nito.
Inisip niya ang tinutukoy nito.
Pero ipinaliwanag niya na ‘rito ang lahat. Sabi rin nito naiintindihan na nito at nagtitiwala sa kaniya.
“Hindi ko naman ito gagawin kung hindi mo ako niloko ‘eh.” Saad nito sa at dumaloy ang luha sa pisngi na kaagad pinunasan.
Hinawakan niya ang palad nito at umiling, “Mahal naman… Hindi ba ipinaliwanag ko na sa’yo na walang nangyari sa amin ni Bella.” Paglilinaw niya.
“Patawa ka talaga, Warden. Sa tingin mo maniniwala ako? Sige, ipaliwanag mo nga ulit sa akin na walang nangyari sa inyo kung nakita kayo ni Mae na kaibigan ko! Na lumabas sa m*tel na magkasama! Ta’s walang nangyari huh? Pinagloloko mo ba ‘ko, Warden?”
“Mahal…” Sabi niya at lumuha na ‘rin.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagbago na lang ang desisyon nito. Pero gusto niyang patunayan na wala talagang nangyari sa kanila ng babaeng kaibigan.
“Warden naman ‘eh. Hindi pa ba ako sapat at naghanap ka ng iba?! Ginawa ko naman ang lahat para maging perpektong asawa sa’yo! Pero…bakit…hindi parin sapat. Naghanap ka pa rin ng iba. Kung kailan mag-asawa na tayo saka ka pa magloloko. Tama nga ang mga kaibigan at ang Ina ko. Na kapag ang lalaki ay babaero. Magloloko at magloloko sila pag dating ng panahon. Ikaw, Warden. Isa ka sa patunay non.”
Lumuhod siya.
“Nagmamakaawa ko, mahal. Kahit huling...


beses na…wag mo lang akong iwan. Papatunayan ko na wala talagang nangyari sa amin.”
“Paano mo papatunayan, Warden? Kung si Bella na mismo ang umamin sa akin.”
“W-what?” Napatayo siya sa pagkakaluhod at napatingin ‘rito.
“Si Bella. Inamin niya sa akin ang totoo. May nangyari sa inyo.” Kinuha nito ang maleta at umiling.
“Patawad, Warden. Gusto ko pa sanang manatili kahit paano. Ibalik natin ang pagsasama at patawarin ka sabihin mo lang ang totoo. Pero nagsinungaling ka na hindi ko inaasahan. Paalam, Warden.” Huling sabi nito bago umalis at isarado ang pinto.
Humabol siya at hinablot ang braso nito.
Lumuhod, nagmakaawa na wag iwan. Mali ang paratang na nagloko.
Kahit maraming tao ang nasa paligid. ‘Yun ang ginawa niya.
Ngunit wala ‘rin palang kwenta. Dahil sa araw na binaba niya na ang pride. Masasakit na salita ang binitiwan nito.
“Sana hindi na lang kita nakilala.”
“Sa una ka lang magaling.”
“Mali na ikaw ang pinili ko.”
“Hindi na lang dapat kita pinakasalan.”
Pero wala ng sasakit pa sa sinabi nitong ayaw na niya.
“Gusto kong sabihin sa’yo na gusto ko ng makipaghiwalay. Sana naman tanggapin mo ang desisyon ko. Para ‘rin ‘to sa ikabubuti natin, Warden.”
Bago pumasok sa sasakyan at iwan siya na pinagbubulungan ng mga tao.
Kung sino pang mas gusto niyang maniwala sa kaniya na hindi siya nanloko. Ito pa ang hindi naniwala at basta na lang sumuko.
Kasabay ng unti unting pagluha ni Warden ang pagpatak ng ulan.
Baket ganto?
Nangako ito na magkasama kami sa hirap at ginhawa. Nasa vow pa nitong makikinig sa paliwanag ko kung sakaling magkaproblema kami. Hindi naman nito ginawa?
Kung alam mo lang, Hannah.
Tumawa siya ng pagak.
‘Gawa gawa lang ni Bella ang lahat. Walang nangyari sa amin.
Sinira niya lang tayo para magkaroon siya ng tyansa na makuha ako dahil mahal niya ko. Pero dahil mahina ka. Hindi naniwala sa akin. Nagtagumpay ito ngayon. Hindi lang tagumpay na siraan tayo. Kundi siraan ang relasyon natin na dapat maayos pa.’
Pumasok siya sa loob ng bahay at pinagsisira ang mga gamit sa loob.
Nagsisigaw.
Wala ng kwenta. Wala ng kwenta ang buhay na meron siya.
Ito na lang ang meron siya
Si Hannah, ang asawa niya.
Pero bakit iniwan rin siya nito?
Just because He’s wife accused him as a cheater.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top